Nandito ako sa may kubo sa loob ng compound kung saan kami nakatira ng pamilya ko. Tamang tambay lang dahil wala akong magawa sa bahay. Sabado ngayon at wala akong pasok.
Ine-enjoy ko yung inumin kong iced americano. Sabi ng iba ang weird ko raw dahil mapait naman daw yung paborito kong inumin. Eh ano bang pake nila? Nakaka-relax kaya.
Napatingin ako sa bandang kaliwa ko nang magbukas yung pinto ng bahay at lumabas yung pinaka-magandang dilag sa balat ng lupa.
Si Rhian.
Crush ko na siya simula nung makita ko siya rito sa compund nung lumipat kami. Aminado naman akong iba yung sexual preference ko, bata pa lang ako ramdam ko nang may iba sa kin. Nagka-boyfriend din naman ako pero iba talaga yung hatak ng mga babae.
Nakita kong sinalubong niya sa gate yung kaibigan niyang si Solenn. Maganda rin ito pero mas maganda si Rhian. Kinawayan ako ni Solenn kaya ngumiti ako ng tipid sa kanya pabalik.
Pumasok na sila sa bahay ni Rhian pero bago yun ay nakita kong tumingin si Rhian sa akin pero saglit lang. Kinuha ko yung gitara ko at tumipa ng chords.
Habang sinisimulan ko yung intro ng kanta ay biglang tumunog yung phone ko, may nagtext. Binaba ko yung gitara at kinuha yung cellphone ko para tigan yung nagtext, si Angelica lang pala.
Binasa ko yung mapang-asar niyang text at natawa na lang ako. Kahit kailan talaga, amigah.
"Puro ka naman ligaw-tingin, Glai! Haranahin mo na hindi yung puro ka tipa ng gitara dyan."
Tumingin ako sa bahay na katapat ng kubo at nakita ko siyang nakatayo sa may bintana habang tumatawa at hawak yung cellphone niya pero napailing na lang ako.
Binalikan ko yung gitara ko at sinimulang kantahin yung kantang nabuo sa isip ko.
"Uwian na, kasabay ng ulan.
May bagyo. Nasan ka na ba?
Bakit wala ka pa, sinta?"Napatingin ako sa bahay nila Rhian at nakita kong nakatambay sila ni Solenn sa may mini terrace sa tapat ng bahay nila.
"Kailangan kita noon pa man.
Sa dilim at sa liwanag."Tumunog na naman yung phone ko. Si Angelica na naman.
"Amigah, maganda yan. Overlook nila yung panghaharana mo. Mainam, Glaiza!"
Tiningnan ko yung tapat ng bahay nila at nakita kong nakatayo siya sa may pinto at mukhang may lakad. Lumapit ito sa pwesto ko at alam kong magsisimula na naman ang sermon.
"Hoy, bata! Ang hina mo ata, puro ganyan ka na lang?"
Sabi niya sakin habang nakapamaywang. Typical, Angge.
Tinuloy ko yung pagkanta pero bago yun ay tumingin muna ako sa gawi nila Rhian at nakitang masinsinang nag-uusap yung dalawang magkaibigan."Nasan ka na?
Ika'y nagtatago lang ba?
Walang galawan
Ako'y nandito lang
Naghihintay, aasa, maniniwala."Naupo sa tapat ko si Angelica at ngumiti siya ng nakakaloka.
"Nasaan? Ayan sa tapat ng bahay nila. At ikaw, nagtatago. Nagtatago ng nararamdaman."
Tumawa siya pagkatapos sabihin yun at ako ay napainom na lang sa iced americano kong nangangalahati na.
"Wag kang maghintay na siya yung lumapit sayo. Kaya kumilos ka na, amigah."
Sabi niya na umi-iling-iling at tumayo na.
"Saan ang punta mo? Bihis na bihis ah."
Tanong ko dahil ang awra ng ootd niya.