Kabanata 1: Ang estranghero
----
"Apo nasan kana ba?" Napangiti nalang ang isang binata sa tinuran ng kanyang lola. "Lola naman, pangilang tanong at tawag naba 'to?" Natatawang sagot nito.
"Apo, it's been years. Syempre namimiss ko na ang aking pinakagwapong apo."
"Matagal ko na yang alam LA. Asus. Yeah it's been years, at hindi ka parin nagbabago. Lola talaga, nambola pa. San pa nga ba ako nagmana?"
"Hahaha san pa nga ba? Edi sa pinakamagandang lola sa balat ng lupa, kung meron mn. Osha, maghahanda pa ako sa pagdating ng aking tagapagmana. Sige apo, I Love You."
"I love you too la." Napahalakhak ang binata at inoff ang kanyang iPhone na kakabili palang. Sinalpak niya ang kanyang earphones at tiningnan ang mga punong kanilang nadadaanan.
Binuksan niya ang bintana ng kotse at nilanghap ang sariwang hangin. Refreshing.
Sobrang tahimik ng lugar. Sariwa ang hangin. Walang masyadong sasakyan, tangin pedicab lang ang kanilang transportasyon. Hindi maingay, at tanging huni ng ibon at hangin lang ang tunog. In short, sobrang layo ng lugar na ito sa kabihasnan. Sobrang layo sa lugar na kanyang kinagisnan.
Tinanggal niya ang kanyang earphones at pinagmasdan ang bandera na nakasabit sa dalawang poste. "Welcome to Leyte. Maayong adlaw sa tanan."
"Ser, that means. Good day everyone." Sabi ng driver. Na nagpairap sa kanya. I'm not even asking. Tsk!
"Ser, maybe 2 minutes from here baryo, we'll arrive in Baryo. It is compose of 4 Sitio. The sitio Salusa, sitio Nato, sitio Basud, and sitio Conguecto. And your grandmother's mansion is in the sitio Basud, and we're going there now Ser." Nakuha ng kanyang atensiyon ang sinabi ng driver. 'May pakinabang din pala ito.'
Napahalukipkip nalang ang binata dahil siguro sa pagod at jetlag. Imagine, 3 hours siyang nakaupo sa eroplano. He wanted to use their private plane pero sadyang kontrabida lang ang ina niya at hindi pumayag. Ang rason ng kanyang ina? 'Anak I want you to be normal just for at least a day.' Bakit ano bang sa tingin ng kanyang ina sa kanya? Hindi normal? Special child? Ay, child lang pala, walang special.
Napaayos siya ng upo ng marating nila ang tinatawag ng driver na 'Baryo'.
"I know you're tired ser. Don't worry ser, after ng 5 minutes drive from the baryo we already arrive there."
Hindi nalang niya pinansin ang driver na trying hard mag-english.
Pinagmasdan nalang niya ang mga tao sa baryo na busy sa kanilang mga trabaho. Parang market ang lugar, maraming paninda, at maraming bata na naglalaro malapit sa fountain na nasa gitna ng lugar. May mga tao ding bumibili ng iba't-ibang bagay. Napansin din niyang puro gawa sa kahoy ang mga tindahan maliban nalang sa simbahan na gawa sa semento at bato na sa pagwawari niya ang mula pa sa panahon ng mga kastila. Nakita din niya ang ilang pedecab na nagbya-byahe na mas matanda pa siguro sa lola niya dahil sa dumi at ilang sira nito. Mas mabuting itatapon nalang ito at bumili ng bago kaysa aayusin pa ito kapag tuluyan ng bumigay kahit 50/50 ang chansang maayos pa ito. Mas makakabuti rin kung gawa sa semento ang kanilang mga tindahan, dahil sa tingin niya, isang pitik at sipa lang niya sa mga ito ay sira na kaagad. Tss! 'What do I expect from these people?' turan ng lalaki sa kanyang isipan.
Pipikit na sana siya ng mahagip ng kanyang paningin ang isang dalagang nakikipaglaro ng habulan sa mga bata. Sobrang saya nito, at sobrang lakas ng tawa. Parang hindi babae.
Napailing nalang siya. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya, pero parang nag slow-mo ang kanyang paligid habang pinagmamasdan ang babae. Maybe, nababaguhan lang siya sa kilos ng babae dito. Ibang-iba sa mga babae sa Manila. Takte! Parang lalaki, o bakla?
Napahawak siya sa kanyang seatbelt ng biglang umandar ang kotse. Pero bago pa sila tuluyang makalayo, napatingin sa gawi niya ang babaeng kanina pa niya tinitingnan. They just made an eye contact. Sa sandaling yun parang tumigil na talaga sa pag-ikot ang kanyang mundo. Pero nabalik siya sa katinuan ng bigla siyang inirapan ng babae at tumalikod.
What the heck! Walang hiyang babae! Swerte siya at tiningnan siya ng gwapong si ako. Hindi ba niya alam? Maraming nagmamakawa sa akin na mga babae para pansinin sila? Of course, hindi alam ng babaeng yun. Palibhasa, poor. Sa itsura at pananamit palang nito, halatang poor. Tsk! Mukhang hindi pa nga ito nakarating sa Manila, lalo na sa university namin na para sa MAYAYAMAN tulad ko.
"Ser, we're already here." Rinig niyang sabi ng driver.
Dali-dali siyang lumabas sa kotse at walang ganang pumasok sa mansyon. Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng mansyon. It's like a White House.
Puro puti kasi ang nakikita niya. From color white painted walls papunta sa gate nila na puti rin. Kulang na nga lang magiging puti na rin ang pananim at punongkahoy sa paligid. Ok, medyo waley.Pagdating niya sa main door nakita niya kaagad ang mga naglilinyahang maids na nakayuko at isa-isa siyang binabati.
"Apo! You're here!!" Napatingin siya sa hagdan ng marinig ang sigaw ng kanyang lola.
"Lola wag ka ngang tumakbo baka mahulog ka." Natatawang turan ng binata.
"Hep! Anong tingin mo sa akin, matanda? Baby face pa nga ako eh." His grandma said and hugged him. "Yah....yah... yah.. Wala ka bang pagkain diyan la?" Tawa nito.
"Gutom na nga ang apo ko. Osha, halika na sa kusina, at baka lumamig pa ang mga hinanda kong pagkain."
--------
"Apo gusto mo bang libutin ang buong lugar? Tatawag ako ng tao para i-assist ka." Tanong ng kanyang lola. Kasalukuyan silang nakaupo sa dalawang duyan na nasa likod ng mansyon.
"Wag nalang la, I can handle."
"Asus! Baka mawala ka pa. But if that's what you want, sige."
"Yan gusto ko sayo la eh."
"Hindi ka ba magpapahinga? You should rest, bago ka umalis."
"Hindi na la. I can't wait to explore this place. Mukhang marami akong scenery na makikita." Pagpapakitang gilas ng binata kahit hindi naman talaga siya interesado dito. Gusto lang niyang mag cell phone at maglaro ng DOTA at LOL buong araw. Pero kailangan muna niyang ipalabas ang charm niya para mas lalo siyang i-spoil ng kanyang lola.
"Alam mo apo, you don't know how happy I am right now. Mabuti't dito ang napili mong pagbakasyonan."
"Naalala ko kasi na sobrang tagal na akong hindi nakabisita dito. And halos nalibot ko na ang mundo, nakakabagot din." Sabi ng binata kahit ang totoo ay pinatapon siya ng ama nito doon para magtino, daw.
"Hahaha, ganyan talaga yan apo"
"Sige la, aalis na ako. Bye!" Sabi ng binata. Hinalikan nito ang pisnge ng kanyang Lola at tumakbo palayo. "Joshua Martinez!! Mag-enjoy ka apo!" Tawang sigaw ng matanda, hanggang tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.
--------
By: YnaBlissss
BINABASA MO ANG
CS #1: Chasing The Promdi Girl
RomanceI am Elissa Mikaela Cabonegro - and I'm his summer fling. And after many years he's back. He's back to hurt me again. He's back to chase me again. He's back in Chasing The Promdi Girl. But I'm no longer the Promdi Girl he used to be with. I'm not t...