Kabanata 3

1.4K 19 3
                                    

Kabanata 3: Ang Lollipop

----

Napatinatapon sana gulat ng biglang tinapon ni Mader ang dala niyang spatula sa ulo ko. Takte ang sakit.

"Ma naman!" sigaw ko habang kinakamot ang ulo ko.

"Aba bata ka! Gumising kana diyan at pumunta ka sa bukid para ihatid itong mga pagkain sa kapatid mo!" Sigaw niya kaya napatakip nalang ako sa aking magkabilang tenga. Ke aga-aga ang ingay ni Mader.

"Mamaya na ma. Ang aga pa eh." Sabi ko at muling humiga. Pero bago palang ako makapikit, may tumama na namang kung anong bagay sa ulo ko. And this time, takip na talaga ng kaldero. Putragis naman oh!

"Oh ano hindi kapa gigising? Eh magha-hapon na kaya!" Sigaw na naman nito. Ang lapit lang kaya namin, kung maka sigaw parang nasa kabilang bundok pa ako.

"Ito na nga babangon na!!" sigaw ko at walang ganang naglakad papuntang cr.

Nagsuot lang ako ng simpleng black jacket at tsaka shorts. Hindi porket nakatira sa probinsya ay manang na. Duh! Sa nga stories at kwento lang yan. Hindi naman lahat manang style ang type na isuot. Yung tipong super duper ultra megatron na loose T-shirt tsaka sobrang taas na palda na parang naka-gown na sa haba. Kasing haba ng baba ni Sehun.

Kinuha ko ang mga pagkaing hinanda ni mama na nakapatong sa ibabaw ng aparador para hindi ma-biktima ng pusa ng kapitbahay. Hindi na rin akong nag-abalang magpaalam kay mama, wala kasi siya sa bahay. Mukhang may pinuntahan.

"Kuya! Pagkain mo oh!" Sigaw ko ng ubod ng lakas kaya napalingon na rin ang ibang magsasaka sa gawi ko. Grabe! Ganda ko talaga. Binigyan ko lang sila ng tipid na ngiti para hindi ako masabihang snob. Wahaha!

"Lagay mo lang diyan Elissa!" sigaw niya pabalik. Kaya wala na akong nagawa kundi ang ilagay ito sa mesa sa ilalim ng malaking punong mangga na siyang nagsisilbing pahingahangan ng mga magsasaka at pwede rin ng mga magsyota na nag-'aano' sa may palayan. Wahahaha ang sama!

"Sige my handsoming brader, alis na me!!" sigaw ko gamit ang perpektong Englis na natutunan ko pa sa maestra kong nakalibing na 10 feet from the ground.

Pagdating ko sa sentro agrikultura nakita ko agad ang naglalakihang puno ng mangga, na siyang pangunahing produkto sa lugar namin. Umakyat ako sa paborito kong puno na si Daniel. Lahat ng punong mangga dito ay binigyan ko ng pangalan. Lagi din kasi akong tumatambay dito kaya nga siguro hindi na ako ginugulo ng mga ahas na nasa paligid. Yung literal na ahas ha, hindi yung bessy mo na inagaw ang boyfriend mong malandi na nagpa-agaw naman. Sarap tsinelasin eh!

Inayos ko ang pagkakahiga ko at dumukot ng lollipop sa bulsa ng jacket ko. Maswerte ako at color yellow ang nakuha kong flavor kanina sa tindahan ni ate Waring, pero hindi ako nagnakaw ha, wahahaha! Kumuha kasi ako ng piso sa wallet ni mader kanina, buti nalang at naiwan niya. Sasabihin ko nalang sa kanya mamaya ang nagawang krimen ng kanyang butihin, maganda at matalinong anak.

-------

Nanatiling nakahiga si Elissa sa pinakamataas na sanga ng puno. Natatabunan kasi ito ng mga dahon at malalaking bunga ng mangga kaya hindi ito madaling makikita. Kampante naman siyang hindi siya mahuhulog sapagkat malalaki at matigas ang mga sanga nito at dahil dito madali siyang nakakagalaw na parang si Tarzan, girl version nga lang.

Malayang pinagmamasdan ng dalaga ang kabundukan at mula sa kanyang pwesto tanaw na tanaw niya ang pinagmamalaki ng lugar nila o sabihin nalang nating puso ng sitio Basud.

Kung ang sitio Nato ay may tinatawag na Crystal blue ocean na nagtataglay din ng kulay puting buhangin. Hindi alam ni Elissa ang ibig sabihin nito kaya simpleng 'dagat' lang ang tawag niya dito. Hindi naman kasi niya alam kung ano ang blue Crystal, ocean lang alam niya eh! Pero wala na siyang pake dun.

CS #1: Chasing The Promdi Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon