Chapter 1

176 16 3
                                    


------day 1 (part 2)-----
Ellesmere's POV:

"Hello,babe. Can i seat here beside you?"-sabi nung babae. Nakita kong parang nagulat si quasque nang makita yung babae pero itinuon ko lang ang pansin ko sa babae na may mahabang kulot na buhok,maputi,malalaking mga mata,makapal na make up,maikli sobra yung palda,bukas ang dalawang butones ng blouse nya dahiln para makita yung cleavage nya. Grabe tong babae na to ganito na ba talaga ang kabataan ngayon?tapos pag narape iiyak duh. Ngumiti si quasque sa babae.

"Ah,babe. This is ellesmere. My new friend."-pakilala sakin ni quasque. Tiningnan ko lang yung babae at ngumiti ng plastic. Tumingin sya sakin na parang nandidiri gaya ng mga tingin sakin ng ibang students dito. But,who cares?!edi wag silang tumingin duh sila na nga lang nakikitingin eh.

"Ahh..eww..she looks really ugly pala? Ikaw ba yung new transferee dito?"-maarte nyang tanong. Wag mo kong anuhin baka masapak na rin kitA.

"Ahh hehe o-oo."-sagot ko. Binalingan ko si quasque. "Ahh quasque mauuna na ako ha?may klase pa kasi ako eh."-sabi ko.

"Ah ganun ba? Kita nalang ulit tayo mamaya ah?"-tumango nalang ako bago umalis. Inis na naglakad ako papunta sa library para matahimik naman ako. Tinaggal ko muna yung salamin ko dahil ang init at basa-basa na rin yun dahil sa pawis ko.

Halos lahat ng mga estudyante na napapadaan at tingin sakin ay agad na umiiwas na parang isa akong halimaw na sasakmain sila. Sorry but im not a monster. I'm a demon fur your information. Silent but dangerous ako.

Kinuha ko ang module ko sa english kahit na alam ko naman na lahat ng to. Duh. Advance kaya kami sa previous school ko you know? Kunwaring nagbabasa ako pero inilabas ko ang phone ko mula sa bulsa at tinext si robert

To:robs

She had a girlfriend.

From:robs

Then?

To:robs

I can't approach him. Because her girlfriend was around him all day long. Like duh. Kala mo mamamatay sila pag di nila kasama ang isa't-isa.

From:robs

Then,wait for the right time. 100 days ang meron ka hindi 100 hours. Wag kang magmadali. Wag ka ring padalos-dalos.

To:robs

K. Pick me up at 4:50 pm. Magdi-ditch ako ng class sa english.

*seen*

"Hello."-nagulat ako nang may lumapit sakin na lalaking brown ang buhok kaya agad kong sinuot yung salamin ko at mabilis na tinago yung phone ko sa bulsa.

"Ellesmere,right?"-tanong nya. Tumango naman ako. 

"Ako nga pala si jazzle. Jazz for short. Nice to meet you. Kaklase mo ako "-nakangiting sabi nya at inilahad ang kamay nya. Inabot ko ang kamay ko at inalog yun. Napa-'ahh' naman ako.

"Nice to meet you too,jazz."-sabi ko at binawi na ang kamay ko bago binalik ang attention ko sa module ko.

"Wala ka na bang klase?"-tanong nya kaya napa-angat ako ng tingin saknya.

"Ah meron pa. Ikaw?"-tanong ko naman.

"Ahh wala. Nagpractice kasi kami ng basketball pero maaga yun natapos kaya pumunta ako dito. Tapos nakita kita.so yun."-paliwanag nya. Ngumiti naman ako at tumango.

"Varsity ka dito?"-tanong ko

"Yup. MVP actually."-sabi nya at nagkamot ng batok. Ang cute nya. Wait. Did i just say 'cute'?

100 days to assassinate that cassanova [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon