Chapter 1

418 5 0
                                    

"Hi, Max! Gising na ba ang kuya mo?" masayang tanong ni Cindy, ang current girlfriend ng Kuya Miguel nya. Nakatayo ito sa labas ng gate nila, wearing a pair of shorts and a cotton hanging blouse. She was a Nursing student and her brother had met her just a few days ago.
Kailan lang nagkakilala ang mga ito pero girlfriend na agad ito ng kapatid nya. Well, she couldn't blame her, gwapo ang kuya nya. Idagdag pa na bolero ito.

"Hoy, Kitty, tinatanong ka ng tao oh. Nanjan daw ba kuya mo?

Mabilis siyang napalingon kay Daniel, ang kaibigan ng kuya nya na nakatira sa kabilang bahay.Nagdi-dribble ito ng bola habang nakangisi sa kanya. Pinanlakihan nya ito ng mata bago ibalik ang tingin kay Cindy.

"Wala sya rito ehh. May...kailangan ka?" Atubili man ay napilitan syang lumapit sa gate, para na rin nyang naririnig ang sermon ng magulang nila about 'good manners and right conduct.'

  "Wala ba? Nag-text kasi sya sakin kanina and he said...oh well, sige, di bale na lang. Just please tell him na dumaan ako. If he asks about me, sa clubhouse ako pupunta."

     Tumango lang sya at ngiti ng pilit, some sort of a dismissal look. Kumaway na ito at nagsula ng mag-jogging. Noon nya narinig ang papalapit na tunog ng bolang kanina pa hindi matahimik kay Daniel. Hinarap nya ito at inagaw ang bola.

"Bwisit ka talagang daga ka! Muntikan na akong mahalata kanina!"

"Ako?"

Ayyy hinde...hindi ikaw yung aso!mapangasar na sabi nito.

"Bakit?" takang-taka ito na napaturo pa ang kamay sa sarili. "Wala naman akong ginagawa ehh?"

"Bakit kasi hindi ka na lang sumagot na wala dito si Kuya! Kung ako si Cindy, makakahalata ako na nandito nga si Kuya!" Bahagya nyang idinabog ang mga paa at saka padarag na ibinalik ang bola kay Daniel.

"Bakit kasi nagsinungaling ka pa? Nasa loob naman talaga ang kuya mo, di ba? Paano kung makausap nya si Cindy at malaman ang ginawa mo?" nakangiti nitong sabi.

Umingos sya bago nagsalita. "Hindi yon magagalit sakin. He knows very well I don't like his current girlfriend. Masyadong flirt. Dapat pa nga nya kong pasalamatan ehh."

Napailing si Daniel. Naramdaman lang nya ang pag-akbay nito.

"Hindi mo yon dapat ginawa, Kitty. You're becoming too possessive. Miguel is older than you but look, hindi sya ganyan ka-weird sa pagbabantay sa'yo. Don't overdo it, okay."

Napasimangot na naman sya.

" You know what? I think you just need to fall in love. Siguro, maiintindihan mo na ang kuya mo kapag nangyari yon. Hindi mo na sya babakuran at higit sa lahat, magdadalaga ka na."

Natahimik syang bigla. Hindi alam ni Daniel ang pinagsasasabi nito. Anong magdadalaga? Anong ma-i-in love? Kung alam lang nito ang nasasaloob nya, tiyak na katakot-takot na kantyaw ang aabutin nya rito. Mabilis nyang inalis ang braso nitong nakasampay sa balikat nya.

"I don't need to be in love just to understand my brother, okay. You know why? Dahil hindi naman sya in love! Isa lang ang Cindy na yon sa mga babaeng pinaglilibangan ni Kuya dahil hanggang ngayon, alam ko na si Nadine parin ang mahal nya."

Si Daniel naman ang napailing. He knew the story between the two. They fell in love with each other five years ago. It was just sad that Nadine had to leave for California. Nandon kasi ang mga magulang nya pero nangako itong babalik at marahil ay iyon ang hinihintay ng kuya nya. Syang dahilan marahil kung bakit ngayon ay hindi ito nakukuntento sa iisang babae.

"I hate the word, all right. Ano bang mahal-mahal. Sabi mo nga, hindi nakukuntento ang kuya mo sa iisa. Meaning, di sya masaya. Tell me what could these people get from being in love?"

"E'di sakit, ano pa ba?"

Nang lumingon sa kanya si Daniel sa nagtatakang anyo ay kinindatan nga ito.

"Sakit sa puso- tulad ni Kuya!"sabi nya at saka tumawa. Noon lumabas ang kuya nya, pupungas-pungas pa pero naka-jersey na.

"I'm ready! Dumaan ba si Cindy dito?" tanong nito.

"Ewan!" halos sabay nilang sagot ni Daniel.

.........

                       :)bebigirl

                        The Mouse and The KittenWhere stories live. Discover now