♠ - I

3.5K 65 78
                                    

This is a work of FANFICTION only. Pinapangunahan ko na kayo, most of the scenes are only created through the writer's imagination.

Thank you! :)) — SID

[THIRD PERSON]

"Limutin na ang mundo.. nang magkasama tayo. Sunod sa bawat galaw, hindi na maliligaw.."

Nalunod ang mga tao sa audience, lalo na si Gerine na titig na titig lang sa bandang nasa stage. Unang beses niya itong makita nang personal kaya gayon na lang din ang pagkatameme ng lola niyo.

"Uy, Gerine. Anyare?" tanong ng kaibigan niyang si Ai. "Starstruck?"

Natagpuan niya ang sarili niyang tumatango. Kumikislap ang nga mata niya habang tulala pa din.

"Mundo'y magiging ikaw.." huling strum ni Blaster sa gitara pati ni Zild sa bass niya. Huling palo sa drums ni Badj, pagkatapos ay ang pagmulat ni Unique.

Hala. Mahihimatay na yata 'to sa kilig. Hindi na napigilan. "I LOVE YOOOOOUUU!" sigaw niya.

Saktong sabay-sabay na tumingin sa kaniya ang apat at halos maglupasay siya sa kilig. Lalo na nang kumaway sa kaniya si Blaster at Zild. Ang bilis. Noticed na ni senpai, aw.

"Ahhhh! Inggit ako!" sigaw ni Ai kay Gerine at hinampas hampas ito.

"CR lang muna ako. Hintayin mo na lang ako sa gate," wika ni Gerine sa kasama na tumango lang.

Hinanap niya ang CR at agad na pumasok sa loob. She leaned her hands on the sink and look at her reflection on the mirror. Napansin niya ang pamumula ng mga pisngi kaya't agad niyang hinilamusan ang sarili.

Narinig niyang bumukas ang isang pinto at nagulat siya nang lalaki ang lumabas dito.

"Fuck!" sigaw niya.

"A-anong ginagawa mo dito? For men ang pinasukan mo.." humawak siyang muli nang mas madiin sa sink at nanghina ang tuhod niya. Si Unique.. si Unique na nasa harapan niya.

"Uy, sino kausap m--"

Anak ng tinola, sunod namang iniluwa ng isa pang pinto si Blaster na gulat na gulat din sa kaniya.

Maya-maya ay nakarinig na siya ng sigawan mula sa labas ng pinto.

"Oo, nakita ko dito pumasok sina Blaster!"

Sumenyas sina Unique na 'wag niyang bubuksan ang pinto. Gusto niya nang lumabas dahil naghihintay si Ai sa may gate.

"Please.." Unique mouthed.

Tumango siya. Pagsuko. Wala naman siyang magagawa, ano din ang iisipin ng tao kung lalabas siya at nalaman nila nakasama niya ang dalawa sa loob.

"Stuck tayo.." wika ni Unique.

Hindi kumibo si Gerine at pinipilit pa ding idigest sa utak niya ang mga ganap. "Pucha," bulong niya sa sarili.

"Blaster Silonga at Unique Salonga," wika niya sa sarili.

Ite-text niya sana si Ai nang makitang lowbatt na ang phone niya na kanina pag nag-shutdown. "Deads ako kay Ai, huhu."

"Kanina pa 'to nagsasalita mag-isa. Baliw kaya 'to?" bulong ni Blaster kay Unique na natawa lang sa kaniya.

Nang lingunin sila ni Gerine ay umiwas sila ng tingin na parang wala lang ang pinagchismisan nila kanina.

Nag-vibrate ang phone ni Unique at nakita niya ang text ng manager nila na 'wag silang lalabas ng pinto.

Mundo [ A IV of Spades Fanfic ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon