Who's the killer?

10 1 0
                                    

↞ ✾ ✿ ✾ ↠

Who's the killer?

Carlo's POV

NANONOOD ako ng balita ngayon sa Tv, at nagba-baka sakaling may tumawag saakin para ipa-lutas ako ng kaso.

Laking tuwa ko nang mag-ring ang cellphone ko, kaya sinagot ko kaagad iyon.

“Hello?” bungad ko. “Detective Ramos, we nee—” pinutol ko ang sinabi niya, “Case?” tanong ko na may halong pagka-tuwa sa boses. “Y-yes Mr. Ramos” napa-ngisi naman ako. “I-text mo saakin ang location. Bye”

NANDITO ako ngayon sa kwarto kung saan naganap ang pag-patay sa isang batang babaeng limang taong gulang. Nandito parin ang katawan niya, sinabi ko talaga sa mga pulis na huwag muna kunin ang katawan.

“May nakuha ba kayong mga ebidensya?” tanong ko sa mga pulis na kasama ko ngayon sa loob ng kwarto.

“Iyon nga po Mr. Ramos, sobrang linis ang pag-patay kaya kahit isang ebidensya wala kaming nakuha” sagot saakin ni PO3 Carbez. Napa-tango naman ako.

“Osige Mr. Ramos, mauna muna kami at may aasikasuhin pa kami tungkol sa kaso,” sinabi saakin ng commander. Tumango lang ulit ako.

“Ipapa-sama nalang kita kay PO3 Carbez” dagdag pa ni Commander. Nagka-tinginan naman kami ni PO3 Carbez, pero agad siyang umiwas ng tingin.

“Sige. Goodluck Mr. Ramos” naka-ngiting sinabi saakin ni Commander at saka ito umalis kasama ang iba pang pulis.

Ang natira nalang dito sa kwarto ay ako, si PO3 Carbez, at ang bangkay.

Tinitigan ko si Carbez, nag-punas ito ng panyo sa noo. “Pinag pa-pawisan ka?” tanong ko sa kanya habang nakati-tig sa kanya. “Ah-e, Opo” kinakabahan niyang sinabi.

Hindi ko na siya pinansin at saka pumunta sa bangkay. Umupo ako sa tabi ng bangkay, tapat ng salamin sa kaliwa ko. Sumunod naman saakin si Carbez at umupo sa tabi ng salamin. Ang salamin ay isang body mirror.

Not minding PO3 Carbez, hinawakan ko na ang bangkay at saka pumikit.

Isa ito sa dahilan kung bakit naging kilala akong detective. May namana akong curse sa nanay ko, I can see a dead body's past, kaya ginamit ko na ito sa trabaho ko.

Unti-unti akong may nakikitang vision...

[The vision]

“Goodnight anak, sweet dreams” sinabi ng isang babae na may katandaan na.

“Goodnight po Mommy, sweet dreams!” magiliw na sinabi ng bata at saka hinalikan niya sa pisngi ang nanay niya.

Tumayo na ang nanay saka lumabas sa kwarto ng kanyang anak, pero bago niya isara ang pinto nito ay kumaway muna siya sa anak.

Pinatay na ng batang babae ang lampshade na nakalagay sa side table niya at saka siya humiga sa kanyang kama sabay balot niya sa sarili niya ng kumot.

Ngunit napa-dilat siya nang may narinig siyang nag-bukas ng bintana niya.

Bigla siyang kinabahan at saka nag-sign of the cross.

Kaya bumangon siya sa kama niya ng dahan dahan at saka sinilip ang labas ng bintana niya, bigla siyang napa-lingon ng may narinig siyang kaluskos, pero hinayaan niya nalang iyon.

Ibinalik niya ang atensyon niya sa labas ng bintana, nang wala siyang makita ay agad niyang sinarado ang kanyang bintana.

Bumalik na muli ang bata sa kanyang kama at saka nag-balot ulit ng kumot.

Who's the killer? [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon