Chapter-4 "Portal"

1.1K 30 0
                                    

☆࿐ཽ༵༆༒04༒༆࿐ཽ༵☆

Giashae POV

Grabe yung away nila kanina ngayon ko pa nakita si mama na magalit sa tanang buhay ko.

Pagkatapos ng malakas na kulog na may kasamang malaking kidlat kanina na siya ang dahilan kung bakit malapit sila mama matamaan, ay agad na kaming pumasok, sa takot narin na baka sa susunod ay matamaan na kami ng kidlat.

Narito ako ngayon sa kwarto ko.

Hindi pa ako natutulog at nag re-review nalang yung sinulat namin kanina, sabi daw kasi ni Inègo may quiz daw kami bukas.

So habang naghihintay na pumasok si Inay mag re-review nalang ako...

∘₊✧──────✧₊∘

*toktoga! Owkk! * (Sfx yan ng manok)

"Wahhh..." Sabay inat ko sa mga kamay ko.

Nakatulog pala ako kagabi,
teka bakit wala si Inay sa'king tabi?

Tinignan ko yung kabilang side ng kama ko, wala talaga siya.

Don't Tell Me...

Panaginip lang ang lahat ng 'yon?

Agad naman akong nagulat nung may kumatok sa labas ng pinto.

"Nak! Bumaba ka na agad diyan at oh wait, mag empake kana dahil aalis na tayo dito"

Huhuu.... Buti naman di ako nanaginip at totoong nandiyan si inay.

"Teka, Nay saan po tayo pupunta?"

Pumasok siya at binigyan ako ng matamis na ngiti habang nilalagay yung buhok na humaharang sa mukha ko sa gilid ng tainga ko.

"Sa bago nating bahay anak" binigyan niya ako ng matamis na ngti.

Bahay? Bakit biglaan yung pag-alis namin, di ba nila naayos yung alitan nila kagabi?

∘₊✧──────✧₊∘

Pagkalipas ng 20 minuto ay tapos na ako mag empake at maglinis.

"Nak! Tapos kanaba diyan?!" Sigaw ni Ina galing sa baba.

"OPO!" Agad ko naman binuksan yung pinto at kinuha yung maleta.

Pagbaba ko ng hagdan kitang-kita ko kung gaano ako tinignan ni ate ng napakasama.

Sabi ko na nga ba may hindi nanamang maganda nangyari kagabi.

At ang kapatid ni Inay... Si Tiya, masama rin ang tingin sa akin.

Well mukhang palagi lang naman, di pa ako nasanay diyan eh mukha naman yang dinosaur kahit kailan HAHAHAHAHA.

━◦○◦━◦○◦━◦○◦━◦○◦━◦○◦━◦○◦━

Habang bumabyahe kami ni Inay papunta sa bagong bahay namin, nagulat nalang ako sa nakita ko dahil ang nakikita ko ngayon ay parang hindi kaaya-ayang tignan talaga, isang bilog na may kulay lila at parang hinihigop ako neto, teka diba nakikita ng mga tao ang nakikita ko ngayon? Ang dami kaya namin dito sa jeep tapos di pa nila napansin?

"Ah, Nay! nakikita mo ba ang nakikita ko?"

"Hah? Saan anak? wala naman akong nakikitang kakaiba, but I see that we're in a traffic right now"

Hindi nga nila nakikita...

Mabuti naman at umandar na yung jeep dahil natatakot ako sa bagay nayun.

The Long Lost Princess of TechniciansWhere stories live. Discover now