Kulay

3 0 0
                                    

Sa madilim kong kaharian
Liwanag ay iyong pinaulan
Tinanglawan ang madilim na daan
Kasama ang mapait na karanasan
Binago mo ang aking pananaw
Ako ay namangha habang ikaw ay tinatanaw
Habang binibigyan ng kulay ang aking mundo
Lahat sa'yo'y aking isinasaulo
Dahil ayoko na ang lahat ng ito
Ay mapunta lang sa dulo...
Dulo na kahit isang sulyap lang sa'yo ay hindi ko matatamo.

Asul na mga mata mo ay sakin lumulunod.
Kung ganyan din lang ay hindi ako magpapasaklolo kahit pa sa mga tanod.
At sa tuwing nakikita na kita...
Pula na labi mo ang nagdidikta ng mga pangako na aking isinasaulo.
Saksi  ang kulay kahel na na kalangitan sa mga salitang binigkas mo.
Ngayon naman, magkasama tayo sa ilalim ng madilim  na gabi habang pinapanood ang mga bituin kung paano nagliliwanag nang hindi man lang nalalaglag.
Ang mga puno sa paligid natin ay berde pa din sa kabila ng kadilimang bumabalot sa 'tin.
Nais kong tumulad tayo sa kayumanggi nitong katawan at sanga na nananatiling matatag sa kabila ng nga unos o delubyo na hatid ng kalikasan at mga kapwa natin tao.

At ngayon... Lumisan ka man ay ayos lang.
Iwan mo man ako ay ayos lang.
Basagin mo man ang mga pangako mo at ang puso ko ay ayos lang... Basta ba ikaw ay maging masaya.
Ayos na.
Dahil kasama ko ang bahaghari... Nagbibigay ng iba't ibang kulay, pag-asa, kapayapaan, at kahinahunan.
Salamat sa pagbibigay ng kasiyahan sakin kahit sa sandaling panahong nagdaan... Ngayon naman ay ikaw ang maghanap ng sarili mong ligaya.
Salamat sa mga emosyong pinaramdam mo na bago sa akin.
Salamat sa pagbibigay ng pag-asa na sa madilim na mundo ay may liwanag na darating.
Salamat sa kaunting oras na binigay mo na nagparamdam sa akin na kahit papaano pala ay may nagmamahal din sakin.

Unsaid Words of a Loud GirlWhere stories live. Discover now