Nasan na yung "Tayo"?

3 1 0
                                    

Iniisip ko Dati pano kaya kung di tayo magkatuluyan. Ano kayang magiging dahilan ng break up natin? Hindi talaga sumagi sa isip ko na susukuan mo ko. Na hindi mo pala ko kaya hintayin. Na ikaw ang unang bibitiw.

Hindi ko Alam kung bakit bigla ka bumitaw. Ng ganun ganun na lang. Hindi ikaw yun eh. Meron na bang iba kaya ganun mo na lang ko kayang iwan o tiisin? Nag dahilan ka lang ba? Alam ko baliw na baliw ka sakin, na mahal na mahal mo ko, na hindi mo kaya mawala ko sa buhay mo. Kasi ganun tayo dalawa noon.

Pero Hindi ko naisip na magbabago ka rin. Na tao ka lang din. Kasabay ng pag babago na yun eh ang nararamdaman mo pagmamahal sakin. Iniiwasan ko hilingin o isama sa dasal ko na sana makalimutan na kita, na sana mawala na 'tong pagmamahal ko na nararamdaman ko sayo. Kasi sa to too lang ayoko mawala to.

Gusto kita mahalin hanggat kaya't ko. Kahit may iba ka na, kahit pinagpalit mo na ko sa taong di mo pa naman nakikita. Gusto pa rin kita, mahal pa rin kita. Pero sana maging masaya na din sana ko katulad mo. Sana ako din. Sana ako naman.

Napapagod na ko Maging malungkot, napapagod na ko maging ganito.. Alipin ng mga ala-ala mong iniwan sakin. Gusto ko mapalitan yun ng bago, gusto ko din maging masaya... Bakit ba kasi tayo iniiwan ng taong mahal natin. Ang sakit sakit eh. Ang sakit. *iyak na nman*

Iniwan + Sinukuan = SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon