Chapter 4

136 10 2
                                    

Nakisabay na ako sa mga lady spikers na nag sasayawan.. konti palang naman nainom ko pero nakakaramdam na ako ng hilo kaya sumasayaw na muna ako. Siguro dahil lang sa disco lights kung bakit ako nahihilo.

"Wooo.. ito shot pa." Sigaw ni carol na may dalang bote ng beer at baso.

At todo hataw sa pag sayaw.

"Ara! Madaya ka talaga. Uminom ka naman." Sigaw ni mika

Oo.. nagsisigawan kami dahil sa lakas ng tugtog

"Hindi! Ayoko na! Hilo na ako!" Sigaw ko sa kanila

Pero knowing carol ayaw patalo kaya nilagyan niya ng beer yung baso at kalahati pa.

"Shot na.. walang KJ.. minsan lang tayong ganito oh!" Sigaw ni kimmy at inabot sakin ang baso

Wala naman akong nagawa at nilagok lahat ng laman kaya nuubo ubo ako sa katakawan ko.

"Wait.. washroom lang ako." Bulong ko kay mika and she just nod.

Umalis ako sa crowd na nagsasayawan at pumunta sa washroom at naghilamos. Ayoko malasing!!!

Naghilamos ulit ako para mawala yung hilo ko.

"Looks like you're having fun"

Napalingon naman ako sa pinto ng washroom.

What is she doing here? Akala ko ba Green archers and Lady spikers lang dito?

"Nagtataka ka kung bakit ako nandito? Wala naman kasing security kaya pumasok na ako.. taga la salle naman ako diba?" Maarte niyang sagot.

"Ok." Maikling sagot ko at lalabas na sana ako ng washroom pero hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit at pinabalik..

Muntik pa akong ma out balance dahil sa hilo.

"Ano ba bea?" Inis na saad ko

She crossed her arms.

"Nakipag break sakin si thomas... without any reason... akala ko ba wala kang balak agawin siya? Tapos ngayon? Magkasama pa kayong pumunta dito! Mang aagaw!" Sigaw niya sakin pero tinaawanan ko lang siya na siyang kinakunot ng noo niya.

"Wala akong inaagaw sayo. Pwede ba? Magising ka naman sa katotohanang ikaw lang ang nagmamahal kay thomas umpisa pa lang.. wala akong inaagaw sayo kasi siya naman yung nagsabing magkasama kami ngayon. At una sa lahat, ako ang nauna sa kaniya.. bago ka dumating sa buhay niya.. magkakilala na kami samantalang ikaw hangin ka lang sa kaniya." Saad ko

"Nauna ka pero minahal ka ba niya? Naging kayo ba? May nangyari sa inyo dahil lasing kayo pareho .. naisip mo na ba na naaawa lang talaga siya sayo kaya ka niya inalok na magpakasal kayo? Concern siya kay matty.. hindi sayo!" Sabi niya habang namumula na sa galit

"Oh? Anong ikinapuputok ng bunganga mo? Wala naman pala akong kinalaman ehh.. bakit ka sa akin na gagalit? Diba dapat kausapin mo si Thomas at hindi ako?" Tanong ko sa kaniya kaya natigilan siya

"Bat natigilan ka? Kasi ayaw mong marinig ang totoo na hindi ka niya mahal. Simple as that. Bea.. kung ako sayo. Maghanap ka ng lalaking titiisin yang malabasura mong ugali.  Maghanap ka ng garbage collector." Saad ko at lumabas na ng washroom.

Nawala yung hilo ko sa kagagahan ng babaeng yun.

"Ara.. where have you been?" Nilingon ko naman yung nagtanong sakin

"Washroom " walang gana kong sagot sa kaniya.

Pumunta ako sa stool dito sa counter at umupo.

"Don't get drunk." Paalala niya

World ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon