GA and LS reunion DAY
I fixed my hair after kong lumabas sa bathroom dahil kakaligo ko lang galing sa jogging. Nakashorts lang ako at huge size t shirt. My comfy.
Lumabas ako para tingnan kung sino ang nag doorbell. Pagbukas ko ay wala man lang paapaalam na pumasok si mika at umupo sa couch ko.
Wala akong choice mundi sinara ang pinto at nakapameywang na humarap kay mika
"Bes.. pakuha naman akong malamig na tubig. Sobrang init aa labas grabe.. buti na lang may aircon na ditey!" Saad niya
Kapal talaga ng mukha. Syempere bilang mabait na kaibigan kinunan ko siya ng isang basong tubig. Binigay ko ito sa kaniya at tinungga niya naman ito.
Umupo ako sa harap na upuan niya
"Haaa!! Sa wakas.. nakahinga din ako." Saad niya
"Bakit ka nandito?" Masungit na tanong ko
"Makikipagchikahan lang" simpleng sagot niya
"Ano nanamang chismis ang iaabot mo mahal na reyna ng archers?" Tanong ko
"Wala akong chismis.. makikichismis pa lang" saad niya "Wala kang shinare sakin nung nakaraan. Bakit ka pumasok ng nakangiti?" Mabusisi niyang tanong
"Ha? Pinagsasabi mo?" Iwas tanong kong sagot.
Oh please. Wag mo na ipaalala yun. I'm getting rid of that feeling. Di ko sinasagot text niya.. except pag about sa anak ko
"Wag kang mag maang maangan sakin Ara ah.. kilala kita." Saad niya
Tinaas ko ang dalawa kong kamay. Suko na ako. Kilala nga niya talaga ako.
"Hinatid ako nila thomas at matty..." di ko pa natapos ang sinasabi ko ng tumili siya..
"waaahhh! Nagkakatotoo na ba kayo? Tinanggap mo na ang proposal niya?waah!!" Tili niya
"Tanga. Hindi.. wala sa sinabi mo.. hinatid nila ako.. at tinanong niya ang about sa mangyayari mamaya.. at sabi niya siya daw ang sasama sakin " kwento ko
"Malamang bakla.. nandun din siya.. ano? Di na siya Green Archer?" Pilosopong tanong niya
"Kasi nga daw baka masobrahan nanaman ako ng lasing at kung ano nanamang mangyari." Pagpatuloy ko
"Ay.. iba.. concern si kuya. Eh bat ka nga ngumiti?"
"Kasi.. may naramdaman akong iba.. di ko alam kung ano yun at bigla na lang akong nangingiti." Kwento ko habanb pinaglalaruan ang dulo ng daliri ko
"Hmm.. crush mo siya dati.. di lang crush.. patay na patay ka day!! Malamang pag nakikita mo ang crush ko kahit dati pa.. di talaga maiiwasang bumalik yung ganiyang feeling. Tanong. Bumalik nga ba? Malamang oo kasi may naramdaman kang iba. Day! Baka inlove ka bakla!" Saad niya
Inlove?
Napaisip ako sa sinabi ni mika. Ia there a chance na inlove talaga ako?
"Minsan kasi pag inlove ka.. pinipilit mo sa sarili mo na hindi kaya ayan.. palagi mong naiisip wala kang feelings fo him kasi tinatak mo ma sarili lo na dapat wala." Pagpatuloy niya
So.. all this time.. I'm just in denial?
"Wait.. so sinasabi mong inlove ako kay thomas?" Tanong ko
Ngumiti naman siya at tumingin sa phone niya
"Nag text si boyfie. Alis na ako." Saad niya at tumayo
"Bastos. Wala ka pang sagot"
"It is for you to find out." Saad niya lang at lumayas na sa condo ko.