CHAPTER 2 - Ang Nakapaskil sa Freedom Board

59 1 2
                                    

[ Mio's POV ]

Ayun inaccept na ko! Ichat ko kaya 'to? Hmm..

Hi Michi..

Ay delete, wag ganon. Hmm..

Hi miss ganda! :))

O sige okay na 'to. Aww! Chat offline na pala! Sayang naman. Haay. Pero nakakapagtaka talaga. Ano nagustuhan ni Andrew dun? E mas mukhang approachable yung kasama nya palagi. Si Jana na super daldal. Makatulog na nga. Bakit ko na kasi lagi iniisip yung Michi na yun? Tsk.

[ Michi's POV ]

Wahaha! Makapag-chat offline na nga lang. Pa-hi miss ganda, hi miss ganda pang nalalaman tong antipatiko na to. Hmm.. Replyan ko nga.

Sinong animal to?

Hahaha! Nakakaloka! Gusto ko talaga makita dimples ng taong to e. Makatulog na nga.

[ Michi's POV ]

Takbo, takbo, takbo..

Late na late na naman ako!

Bugooom!

Aray koooooo!!

"Oh Michi, okay ka lang ba? Madulas talaga yang sahig dyan e"

"Aray, Ahhh. Okay lang ako. Ang sakit lang sa pwet. Thank you Jana ah"

Haynako naman talaga! Pagkamalas malas na umaga! Buti na lang at konti lang nakakita sakin. Eh sino tong naglalakad? Grrrr! Si antipatiko boy pala! At wow! Ang cute pala talaga ng dimples nya ah! Sana naging dimples na lang tong taong to. At teka? Bakit nakangiti to? Nakita nya kaya kong nadapa kanina? Grrrr talaga!!

"Michi! Okay ka lang ba? Tutulungan sana kita kaso itinayo ka na ni Jana. Okay ka na ba?"

"Uhh okay lang Andrew. Sinadya ko talaga yun. Wehehehe."

Waaaahh grabe talaga! nakita pala ko nila Andrew. Haaaayy.

[ Mio's POV ]

"Pare, ano ba nagustuhan mo dun sa Michi na yun?"

"Misteryosa kasi sya pare! Para syang childsih na malditang ewan e. Teka, pansin ko lang pre ah. Palagi mong bukambibing yang si Michi Ko.

Buuuuugg!!

Natawa ko! Hahaha! Nakakaawa talaga tong Michi na 'to. Palibasa palaging late. Ayan tuloy/ Ilang isda kaya nahuli nito? Kawawa talaga sya. Gustong gusto ko syang lapitan para tulungan. Kaso baka magalit lang sakin to lalo. Ang cute pala talaga ng babaeng to. Haaaynako.

[ Michi's POV ]

Grabe late na naman ako!

Takbo, takbo, takbo..

♫ Naalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa, iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na sya. Kahit naglaho ka na, muling sumama sa kanya, sa aking puso ay ikaw pa rin. Ikaw pa riiiin. ♫

Uy ang ganda nung boses ah. Sinabayan pa ng gitara. Sino kaya yun? Ano ba yan nakatalikod. Pero mukhang gwapo ah. Teka lakad pa konti saka na lang ako lilingon patalikod para makiat sya. Syeeeett! Si antipatiko  boy?! Gosh! Ay okay, may mga lumapit na babae. Babae forever talaga yun. Hmp.

Ang dami namang tao sa freedom board! Ano bang meron?

"Michi! Michiiii! Tignan mo picture mo oh! Wahahaha!"

Ang daming estudyanteng nakaharang sa board at nagtatawanan. Pagtingin ko sa board, waaaaaahh! Picture ko to ah?!! Picture ko nung nadapa ako sa walkway! Teka, may message pa sa gilid!

Michi Ko, mataray ka. masungit. hindi maganda. di ko alam kung bakit kita lagi naiisip. ang alam ko lang, gusto kita. Excited ako pumasok araw araw para lang makita kang late na late na tumatakbo sa walkway. Nung araw na nadapa ka, lalapitan sana kita. Pero wala akong sapat na lakas ng loob. Buti na lang may tumulong na sayo. Next time, mag-ingat ka na ha? :))

Nakakagulat! Sino kaya nagpost nun? Hindi kaya si Andrew? Pero bakit naman sya mawawalan ng lakas ng loob? O ayun pala si Andrew! Bakit sya nakangiti?

"Andrew!!"

- Abangan ang susunod na kabanata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon