CHAPTER 1 - Bagong Mukha sa Walkway

81 0 0
                                    

"Haay late na naman ako!! Nasaan na nga ba yung book ko?! Tsk!"

...

"Oh teka, diary ko 'to dati ah? 2006?! Wew! Natago ko pa pala 'to"

May nahulog na CD at may nakadrawing pa ditong smiley. Ano kaya 'to? At sa sobrang pagkacurious ko kung ano laman non, sinalang ko pa rin saglit sa DVD.

♫ Naalala mo pa ba nung tayo'y magkasama pa, iyong sinabi't pinangako na nalimot mo na sya. Kahit naglaho ka na, muling sumama sa kanya, sa aking puso ay ikaw pa rin. Ikaw pa riiiin. ♫

Haay narinig ko na naman to. At naalala ko na naman kung bakit ako naghihintay sa wala ngayon. Naalala nya pa kaya? Pitong taon na pala. At tandang-tanda ko pa...

CHAPTER 1 - Bagong Mukha sa Walkway

Kriiiing!!

[ Mitchi's POV ]

Grabe 9am na pala! At lilipad na naman ako kakatakbo sa walkway nito papuntang room! Ano nga ba unang subject? Analytical Geometry, 5th floor?! Wew!!

Takbo, takbo, takbo..

"Hoy Michi! Late ka na naman!"

"Nako oo nga e. Sige ah, una na ko!"

...

"ARAAAAY! Kasi naman nakaharang e!!"

"Excuse me miss, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo!"

 "Kalalaki mong tao bastos ka! Di man lang magsorry! Antipatiko!!"

Antipatikong lalaki yun! Teka, ngayon ko lang nakita sa campus yon ah? And infairness, may itsura sya! Fair skinned, medyo matangos ilong, malamlam ang mata, matangkad, ayos katawan. Pero hmp! Nevermind. Hindi man lang nga sya nagsorry sakin kanina e.

Kriiiing!!

Sa wakas break na din! Kain nga muna ko. Uy Jana! Tara kain na tayo!

[ Mio's POV ]

"Hi Mio! You're looking good!"

"Di ka pa nasanay Kim! Alam mo namang ikaw inspirasyon ko sa pagpapagwapo e!"

Boog! Nagulat na lang ako ng may biglang bumunggo sa likod ko! Badtrip. Pagkakataon ko nang mabola tong si Kim e. Lintik na babae to, sya na nga nakabunggo sakin, sya pa may gana magalit?

Ang dami talagang pinagbago dito sa school na 'to. Isang taon lang naman ako nawala, akalain mong may nag-exist na agad na ganon kamalditang babae dito? Tss. Pero okay sya ah. Palaban. Di nga lang maganda. Ang liit pa.

Kriiiing!!

"Pare, grabe ka talaga kanina. Di ka man lang nagsorry kay MItchi"

"Ha? E sino ba yun?"

"Yung nabunggo mo kanina! Officer kaya ng dancequad yun! Kahit titignan mong maliit yun, mataray din yun"

"Wala akong pakialam dun. Sya naman bumunggo sakin, sya dapat magsorry!"

"Wag ganyan pare! Nililigawan nung katropa natin yun! Pa-good shot ka naman men!"

"Ah yon pala yung nililigawan ni Andrew. Okay."

"Kain muna tayo pare!"

[ Michi's POV ]

 Grabe pagkainis ko talaga! Inumpisahan to nung lalaking antipatiko e. Makakakain na nga lang. Bente na lang pala pera ko, potato fries at softdrinks na naman ang lunch ko ngayon. Haay.

Biglang may nag-abot ng toblerone mula sa likod ko. Pagtalikod ko,

"Oh Andrew! Ikaw pala yan! Para sa akin ba to?"

"Hi Michi! Favorite mo yan diba? Sabay na tayo kumain!"

"Uhh next time na lang Andrew. Kasama ko kasi si Jana e. Thank you dito ha?"

"Ah sige. Chat na lang mamaya. Ingat Mich!"

Nakakagulat! Friend pala ni Andrew yung antipatikong lalaki na yun! Grabe kapal talaga ng mukha! Nakita na ko ulit, di man lang nagsorry. Hmp! Ano na kayang gagawin ko para mapatigil si Andrew sa panliligaw? Sinabi ko naman na sa kanyang hanggang magkaibigan lang talaga. Haay. Haynako ewan!

[ Mio's POV ]

Nagulat ako nung nakita ko na naman yung Michi na yun sa canteen. Ang ganda pala nya ngumiti. Kahit di sya maputi, makinis naman pala. MakapagOL nga muna.

...

Wow anu to? Picture ni Andrew at Michi? At nakatag pa sa babaeng yun! Add ko nga to.

Michi Ko. Anu to? Surname nya Ko? O may dugo lang talaga syang pagkajejemon? Gayahin ko nga rin surname nya. Wahaha.

[ Michi's POV ]

Lintik na assignments yan! Research na naman? Eh puro Facebook na naman gagawin ko nito e.

...

Ay may nag-add sakin. Mio Ko? Who the hell? Kamag-anak ko ba to? Teka, mutual friend si Andrew Cruz? Naknangtokwa! Si antipatiko boy to ah! Super wow! Napakalalim pala ng dimples nya! Aabangan ko nga sa personal tong mga dimples na to. Okay ah. Cute din naman pala. Pero mukhang babaero! Tignan mo naman comment nya sa picture nya na nilike nung girl,

thank you sa like! I like you too!

Grabe pagkabolero nito ah. Accept ko na nga.

You're Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon