Chapter 3: Hugotero In Class

2K 51 5
                                    

Di ako makatulog sa kakaisip kay Prince Charming pero pumasok naman din ako at nang nasa school na ako di parinpumasok si Kuya at nakita ko si Jayson sa may sulok nilapitan ko siya

" Hoy Yabang lonely mo"

" Wala to nalaman ko lang naman yung babaeng mahal ko may ibang mahal "

" Pssh yun lang ba ?"

" Wala talagang Permanente sa mundo katulad ng Relasyon namin "

" Aba nahugot ka din pala "

" Oo para talaga kaming domino nahulog ako sa kanya pero sa iba naman siya nahulog "

" Lalim non ahh "

" Pero bakit ganon ang relasyon namin parang Bagyo kahit may PAGASA mahirap parin I- predict ".

" Makaalis na nga malalate pa ako eh "

" Wait dito ka lang sa tabi ko "

" Ayoko nga madetention pa ako dahil sayo eh "

" Bahala ka nga dyang panget ka "

Pumunta ako sa room at guesa what andito na si Jayson este hugotero

"San ka nag shortcut ??"

" Bagal mo kasi maglakad eh "

Ayan math na

" Math lagi humahanap ng solusyon kahit wala na talagang paraan "hay nako humugit nanaman isa pang hugot neto babatukan ko na to

Problem on the board
" X + 3 = 10
20 - X = 10
What is X means"

Tumaas ng kamay si Jayaon at guess what siya yung tinawag ni Mam

" Mam zero "

" Bakit Zero"

" Because my ex doesnt have meaning anymore "

Pssh hugot nanaman pag ako di nakapagtimpi babatukan ko na to

Nag bell na ****
Ayan lunch na pumunta ako sa Library at nandon din Si Jayson

" Miss may libro ba kayo ng hugot dito "

Wow ha hugot nanaman hanap neto bahala siya di ko na sia pinakeelaman at nang nagbell na iniwan ko na siya dyan at pumunta na ako sa room

Hayy boring
Fast Forward *****

Nag beep yung phone ko may nagtext

From : Kuya Tanda
Hoy Manang sumabay ka nalang kela Jayson at kakausapin ko yung mga yon

Nireplyan ko siya tapos nanaman yung klase eh

To: Kuya Tanda
Ok

Hinabol ko sila Jayson tama nasa parking lot at sumakay ako sa kotse ni Tristan at sinabi ko sakanila ang text ni Kuya at ok lang daw nang aalis na kami huhugot pa dapat si Jayson binatukan ko na eh

" Kanina ka pa nahugot ahh "

" Problema mo may pinagdadaanan ako eh "

At hinatid na nila ako sa bahat nagusap lang sila nila kuya ewan ko topic ng mga yun bahala na nasa kwarto lang ako nagccp at natulog na ako

Nagising ako ng buhusan nanaman ako ni Tanda ng Tubig grrr lamig

" Kuya ano ba "

" May pasok hanap ka na ni Tristan  sa baba " Haa si Tristan ihahatid ako sa school nanaginip ba ako

" Ahhh sige bibilisan ko na "
Naligo ako ng madalian at ayoko maghintay si PRINCE CHARMING pagkatapos ko maligo kumain na ako Bacon ang nakahain ayoko ng Bacon si Kuya lang may gusto niyan eh

Lumabas na ako at di ako nagkamali si Tristan

" Kanina ka pa dyan "

" Hindi ikaw talaga sadya ko tara sabay tau pumasok sa school " Psssh kinikilig akohhhh

Binuksan niya yung kotse at pinasakay ako whooo Gentlemen talaga siya

" Bakit mo ako ihahatid sa school ?"

" Gusto ko lang simula ngayon lagi na kita isasabay pag papasok sa school nagpaalam na ako kay Tanda pumayag naman siya " whooo kinikilig akooo sasabog na ang puso kohhh

Nakarating na kami sa school at sumalubong samin sila Jayson

" Hoy Panget "

" Yabang "

" Manang "

" Bad boy "

" Nerdy "

" Baliw "

" Snobber "

" Tang* "

" I hate you "

" I hate you too "

" I hate you the most "

" I hate you Even more "

" I Hate you Forever "

" I hate you Forever and ever "

" I Love You "

" I Love you too "

" I Love you the Most "

" I Love you Even more "

" I Love you Forever "

" I Love you Forever and ever " Ano bat ginawa ko at sinabi ko yun lahat mahal niya ako weh dinga parang di ako makahinga nahihili ako at nawalan nanaman ako ng malay naramdaman kong di ako bumagsak sa sahig at buhat buhat ako ng taong to ang laki ng Katawan niya at sinabi ko

" Tristan Ikaw ba yan ? "

Di siya umimik

" I Like You Tristan ".... Tuluyan na ako nawalan ng malay

Nagisng ako sa isang kwarto sana panaginip lang lahat ng iyon

Pero Wait di ko to Kwarto pagdilat ko ng Mata ko may mga stars sa kisame at sa taas ng head board sa may pader may naka lettering JAYNEL wait nasan ako ito din yung pendant nung kwintas na nakita ko sa kwarto ahhh
Nasan ba akohhh

Falling For A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon