You're Mine- Chapter 1 (What the hell?!)

731 8 0
                                    

Choi Sulli

Nasa isang napakadilim na lugar ako. Wala akong makita. Takot ang bumabalot sa buong pagkatao ko. Hanggang sa may lumiwanag. Bigla ko lang nakita ang sarili ko na nasa harapan ko na. Nakaluhod ako sa harapan NIYA. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha na pumatak mula sa mga mata ko. Napatakip ang isang kamay ko sa bibig ko.

Hindi!

Ayoko na itong makita! Ayoko na itong maalala! Ayoko na siyang maalala! Sinusubukan kong kalimutan ang lahat. Sinusubukan kong paniwalaan ang mga sinabi nila na hindi ako ang may kasalanan, na hindi ako ang pumatay sa kanya. Pero hindi. Ako ang may kasalanan. Ako ang pumatay sa kanya. Hindi ko siya nailigtas. Kasalanan ko ang lahat.

“Alex please. Huwag kang ganyan! Hintayin mo ko rito. Tatawag ako ng tulong. Mabubuhay ka. Just don’t close your eyes!” rinig kong sigaw ko, pero hindi sa akin galing ang mga yun. Galing yun sa babaeng kamukhang kamukha ko na nakaluhod na  nasa harapan ko na nakahawak sa duguang si Alex na nakahiga sa sahig. Mali. Ako yun. Isa itong ala ala. Ala alang gusto kong kalimutan pero hindi ko magawa. Ala alang pinapakita sa akin kapag pinipikit ko ang mga mata ko para parusahan ako.

Nakita kong tumayo ako at patakbong tinungo ang pintuan. Gusto ko siyang pigilan. Kung mapipigilan ko siya baka masalba ko pa si Alex. Sinubukan kong hawakan ang kamay ng babaeng kamukha ko pero tumagos lang ito. Tama. Isa lang itong ala ala. Hindi ko ito mababago. Pinapakita lang ito lagi sa akin para parusahan ako. Yun lang.

Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko. Wala na akong magagawa. Patay na si Alex. Ako ang may kasalanan. Ako.

Halos mapatalon ako sa gulat nang pagtalikod ko nasa harapan ko siya. Tumutulo pa ang dugo sa iba't- ibang parte ng katawan niya.  Napatakip na naman ako sa bibig ko sa nakita ko. Masama ang tingin niya sa akin. Parang gusto niya akong patayin.

“Kasalanan mo ang lahat. Ang lahat lahat. Hindi mo ko niligtas. Pinabayaan mo ako. Kasalanan mo lahat!” pasigaw niyang sabi sa akin. Halos mabingi ang mga tenga ko.

Paulit ulit niyang sinasabi sa akin ang mga salitang yun. Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mga tenga ko. Unti unti akong napaluhod. Ayoko na! Tama na! please lang. Ayoko na.

“Tama na. Please lang. Tama na. Ayoko na.” halos pabulong ko nang sabi habang nakaluhod ako at nakatakip pa rin sa mga tenga ko ang mga kamay ko. Pero ayaw niya pa ring tumigil. Rinig na rinig ko pa rin ng sobrang linaw ang mga salitang lumalabas a mga bibig niya.

Tama na.

Please.

BLAG!

Hingalo akong napabangon at napatayo sa higaan ko. Naka aircon ang buong kwarto pero tagatak ng pawis ang buong katawan ko. Nang tingnan ko ang pinanggalingan ng nahulog isang vase ang nakita ko at nasa tabi nito si Dave, ang pusa ko.  

You're Mine (Minsul, f(x) Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon