You're Mine- Chapter 2 (The Start of Something New and Something Bad)

261 8 1
                                    

Choi Sulli

 

 

What the hell?

Yan ang mga salitang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Mr. Delon. Sa tingin ko puputok ngayon ang mga  mata ko sa sobrang pagkagulat. I mean, ako? Ok, ok. Krystal’s right. I like Minho. Sino ba namang hindi? Look at him. Strong jaw line, perfect posture, caramel like skin, stone hard body, kissable. . . . . . . . .ok that’s not my point. Oo gusto ko siya pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na kausapin o lapitan man lang siya. Now this? I’m so screwed!

“Me? Tutor niya? Classes has just began. I don’t have anything to teach him. And why me?” tarantang tanong ko sa principal namin. Hanggang ngayon hindi pa nagsisink in sa utak ko na ina appoint ako ng principal namin na tutor buddy ni Dima. At tsaka pwede naman sila mag hire ng private tutor ah. Ang yaman kaya nila!

“Here’s the thing. His parents already tried to hire private tutors pero walang nakakatagal sa kanya.” Paliwanag ng principal sa akin. Walang nakakatagal? Then what made him think na makakatagal ako sa kanya? Tsss. Pero bakit walang nakakatagal sa kanya? Ganun na ba kasama ugali niya? I mean, he’s the bad boy of the campus. Some even call him man whore. Nilalandi rin niya  pati mga nagiging tutors niya? Ewww. That’s gross. Pero pano? Or baka wala na talaga siyang pag asa?

“Because he’s too dumb?” nasabi ko na lang na nakatingin sa principal. Huli na nang marealize ko ang nasabi ko. Shet shet shet. Bakit ba hindi ko mapigilan ang dila ko? Damn Sulli. Nasa harapan mo lang siya remember? Aist. Ang tanga tanga.

“Sorry” sabi ko na tumingin kay Minho and that was a wrong move. Pagtingin na pagtingin ko sa kanya, nakita kong nakatitig din siya sa akin with a poker face. I literally froze on the spot and felt my blood rushing towards my face probably making me blush like crazy. Bakit siya nakatingin sa akin? Gusto kong mag iwas tingin pero like what I’ve said, I literally froze on the spot. Hindi ako makagalaw. Shit lang ehh.

“I’m not dumb.”  Sabi niya sa akin with a cold voice. Ohw. So that explains the stare. He’s pissed at me for calling him dumb. Nice start Sulli. Nice start.

Pero I’m curious. What does he have to say about this? Hindi pa nga siya nagsasalita about dito eh. Maybe he’ll disagree with it. Why? Kasi alam niyang isa ako sa mga babaeng he can’t hit on, the other being Krystal.

“So anong mangyayari?” narinig ko na lang na sabi niya. Wait wait wait!! Anong nangyayari?

“You’re actually agreeing with this? Hindi ka tumututol dito?” gulat na tanong ko.

“Yes, I’m agreeing with this. At bakit ako tututol? Kung sa tingin ni MR. Delon ikaw ang makakatulong sa akin then so do I and I’d gladly accept you as my tutor.” Sabi niya na nakatitig sa akin habang nakasandal ang likod niya sa upuan. Kung nakatayo lang siguro ako ngayon siguro natumba na ako. Bakit? Kasi nanlalambot na po ang mga tuhod ko. Bakit kailangan ganyan kaitense ang mga titig niya?

“Wait, he’ll just torture me. He’s a jackass.” Sabi ko na tumingin sa principal. Damn damn damn! Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. What’s wrong with me today? But this time hindi na ako tumingin sa kanya. Nakakahiya shit!

You're Mine (Minsul, f(x) Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon