You're Mine- Chapter 3 (Meet Venom)

278 8 1
                                    

YOU’RE MINE – Chapter 3 (Meet Venom)

 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ngayon sa itsura ko. Nakatulala lang ako at nakatingin sa pader kung saan nakasulat ang sinabi kong salita. Pulang pula ito. Halatang dugo talaga  ang ginamit. Pero hindi ko alam kung galling ito sa dugo ng tao o hayop.

Dugo.

Bumabalik na naman ang mga ala-ala niya. Bumabalik na naman sa akin ang lahat ng mga nadatnan ko nang gabing nakita ko siyang halos bawian na ng buhay at naliligo sa sarili niyang dugo. Naaalala ko na naman yung gabing yun. Ayoko nang maalala siya. Ayoko nang bumalik ang mga ala-alang nagpapakonsensya sa akin. Naramdaman ko na lang ang paglalambot ng mga tuhod ko at ang panginginig ng bawat parte ng katawan ko. Nagbalik siya. Galit siya sa akin. Gusto niya akong gantihan. Pero mahal ko siya. At sa pagkaka-alam ko kahit konti lang, meron pa ring kaunting pagmamahal na natitira sa akin para sa kanya. At sabi niya noon sa akin bago nangyari ang lahat na mahal na mahal niya ako. Kaya ba niyang gawin sa akin ito? Kaya niya ba akong saktan?

Oo. Kaya na niya. Hinayaan ko siyang mamatay. Hinayaan ko lang siyang bawian ng buhay. Wala akong ginawa.

Napaluhod na lang ako at napayakap sa sariling katawan ko. Nanginginig ako at punong puno ng takot. Binabalikan na niya ako. Parang may naririnig akong nagsasalita pero hindi ko masabi kung sino. Parang alalang alala siya. Nakapikit ngayon ang mga mata ko. Ayokong idilat ang mga ito dahil na rin sa kadahilanang  takot akong makita kung ano man ang nangyayari ngayon.

“Jinri.” Rinig kong sabi na naman ng boses na kanina pa sumusubok na kausapin ako. “Jinri, makinig ka. Huwag kang matakot. Follow my voice. Nandito ako. Wala siya rito Jinri. Hindi ka na niya magagalaw. Wala na siyang magagawa. I wouldn’t even let him touch you kung nandito man siya. Open your eyes Jinri. Follow my voice. Fight it. Fight him. Fight his memories. Pls Jinri. Don’t let him scare you. Just follow my voice.” Napakaganda ng boses niya. Bawat salitang sinabi niya ay unti unting nagpapakalma sa akin. Unti unting nawala ang panginginig ko. Nakaramdam rin ako ng dalawang kamay na humawak sa upper arm ko. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko pero hindi ko napigilan ang mga  luhang dumaloy pababa sa mga ito. Nakita kong nasa harapan ko na si Krystal, at para bang nabuksan ang isip ko at bumalik ako sa riyalidad. Hindi na niya ako mahahawakan. Hindi na niya ako magagalaw. Patay na siya.

Hindi ko na napigilang mapahagulgol nang yakapin ako ni Krystal. Hanggang ngayon takot pa rin ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matakasan ang mga nangyari nung gabing yun. Dalawang taon na ang nakakalipas pero pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat. Ayoko na. pagod na pagod na ako.

“Krystal. Ayoko na. Ayoko na siyang maalala. Pagod na pagod na ako. Ayoko nang matakot.” Sabi ko in between sobs kay Krystal. Hinahagod hagod naman niya ang likuran ko. Nakaluhod kami ngayong dalawa at nagyayakapan habang humahagulgol ako sa bandang balikat niya.

Nang medyo kumalma na ako at tumigil na sa pag-iyak, agad akong inalalayan ni Krystal pababa dahil na rin sa medyo nanghihina pa ako dahil na rin sa mga nangyayari. Nung makababa na kami ng hagdan agad agad naman niya akong pina-upo sa sofa. Ilang minuto pa ang lumipas may mga nakaunipormeng lalaki ang nagsidatingan mula sa iba’t-ibang  parte ng bahay.

“Every where’s clear ma’am.” Rinig kong sabi ng  isang lalaki kay Krystal. Ahhh, mga body guards ng mga Jungs. Nakita ko lang tumango si Krystal sa nagsalita bago siya umupo sa tabi ko at nginitian ako ng isang pilit na ngiti. Ngumiti rin ako ng pilit sa kanya. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Gulantang pa rin ako sa mga  nangyari. Sino yung lalaking nakamaskara? Anong kailangan niya? At mine? Anong ibig sabihin nun? Anong gusto niyang iparating? Anong ibig niyang sabihin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Mine (Minsul, f(x) Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon