THUNDER(oneshot)

55 2 2
                                    

♪♬Your voice was the soundtrack of my summer

Do you know youre unlike any other?

Youll always be my thunder, and i said

Your eyes are the brightest of all the colors

I dont wanna ever love another

Youll always be my thunder

So bring on the rain

And bring on the thunder ♪♬

--

Maaga akung nagising hindi dahil sa ingay ng mga manok,hindi din dahil sa aking alarm clock at lalong hindi dahil sa ingay ni mama. Nagising ako,dahil sa ingay ng mga tambay sa likod ng bahay. pupungas pungas kung tiningnan ang aking alarm clock,6 palang ng umaga,nauna pa ang ingay nila kaysa pagtunog ng aking alarm. Ilang linggo na ako dito sa probinsya at ilang araw na din akung nagigising sa ingay nila. Akala ko dahil bakasyon na makakapagpahinga ako ng maayos, hindi pala.umuwi pa ako dito sa probinsya para mabawasan ang stress sa pagaaral,pero nadadagdagan ang stress ko dahil sa mga tambay na yan. Dahil sa inis at di na din ako makatulog napagdisisyunan ko ng tuluyang gumising.lumabas na ako ng kwarto at tumuloy sa kusina para magalmusal.

Naabutan ko doon si papa naumiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

"goodmorning pa" bati ko dito, pagkatapos kung magtimpla ng kape ay kumuha ako ng pandisal at tumuloy sa sala para manuod ng tv. tawa ako ng tawa habang nanunuod,kaya hindi ko na namalayan ang oras..tanghali na pala.

pagkatapos magtanghalian pumunta ako sa kwarto at nahiga sa aking kama habang nakataas ang aking mga paa at nakaunan ang aking ulo sa aking mga kamay. nasa ganun akung pwesto ng biglang may tumugtug na gitara mula sa likod ng bahay at kumanta ang isang tao na lagi kung inaabangan.

♪♬bakit pa kailangan magbihis sayang din naman ang porma

lagi lang namang may sisingit

sa tuwing tayoy magkasama

bakit pakailangan ng rosas

kung marami namang nagaalay sayo

uupo nalang at aawit

maghihintay ng pagkakataon

hahayaan nalang silang magkandarapa na manligaw sayo

idadaan nalang kita sa awitin kung ito

sabay ang tugtug ng gitara

idadaan nalang sa gitara♪♬

napakaganda ng boses niya at hindi nakakasawa. araw araw siyang kumakanta at naging routine ko nadin ang pakinggan siya.

Sino ba nagmamayari ng boses na yun,kanino bang boses yun.gusto ko siyang makilala,gusto ko malaman kung sino siya. pero tuwing gagawin ko yun nawawalan ako ng lakas ng loob at sasabihing bukas nalang.

--

umaga na naman at tulad ng mga nakaraan nagising na naman ako sa ingay ng mga tambay sa labas. ilang oras lang ang nakalipas narinig ko na naman ang boses niya.

♪♬maghihintay ako kahit kailan

kahit na umabot pang akoy nasalangit na

at kung hindi ka makita

makikiusap kay bathala

na ikaw ay hanapin♪♬

kumakanta na naman siya. nakangiti akung sinasabayan ito sa pagkanta,hindi ko alam kung bakit ako masaya pagnaririnig ang boses niya, posible ba yun na magkagusto ka sa isang boses? pwede bang mahalin mo siya dahil lang sa boses niya?

napagdisisyunan ko ng puntahan siya para makilala,ng bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto ko si mama.

"tapos ka naba?alis na daw kayo ng kuya mo" sabi niya

"opo sunod na ako" sagot ko nalang, babalik na ako ng mariveles tapos na ang bakasyon at mukhang hindi ko na makikilala ang lalaking nagmamayari ng boses na yun,ang boses na hinangaan ko at minahal sa loob ng ilang linggo. malungkot akung nagayos ng gamit ko at naghanda ng umalis ng..

"galing mo talagang kumanta jae" sabi ng isang lalaki sa likod.

lumakas ang tibok ng puso ko,at napangiti ako sa aking narinig, yun pala ang pangalan niya.

'JAE' masaya akung malaman ang pangalan mo.mamimis ko ang boses mo, naging maganda at masaya ang bakasyon ko, dahil sayo nawawala ang stress ko na dala ng mga tambay,sana sa susunod magkatagpo pa tayo at mapakinggan ang boses mo,sana makilala na kita talaga sa panahong yun.hanggang sa susunod na bakasyon jae.

*END*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THUNDER(oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon