Chapter 34.5: OPERATION: Getting rid of LEECH XD

261 3 0
                                    

Chapter 34.5: OPERATION: Getting rid of LEECH XD

Alliyha's P----

Teka nga! bakit lagi nalang ako ang nagkukwento dito?! ako lang ba character?! Yah! Napapagod rin ako ano! Iba pagdiskitahan mong awtor ka! Talagang tuwang-tuwa ka na paglaruan ako ah! and---blah blah blah!!

( M/A: FAYN! Eto na nga oh! iibahin ko na! Daming berber eh! berber means maraming sinasabi narinig ko lang sa inay ko! XD )

Kurt's POV

Hay....

Bakit 'hay..' ? kasi Sakit,ingit at galit ang nakikita ko ngayon..

Sakit dahil pinagsisiksikan ng mahal mo ang sarili niya sa taong....Walang kasiguraduhan na...mapapaligaya siya, tulad ngayon sa nakikita ko...parang walang pakielam si Kevin kay Alliyha...at nasasaktan ako, para rin sa kanya..

Inggit...kay Kevin...sa dinami-dami ng taong pwedeng mahalin ni Alliyha ay sa kanya pa...na kabarkada at bestfriend ko na halos kapatid na ang turing ko sa kanya...Ano bang meron si Kevin ng wala ako? Is it his coldness? nakaka-inggit siya, nasa kanya na ang lahat hindi niya namalayan na pati mahal ko nakuha na niya...

Galit dahil sa nakikita ko ngayon...Gusto kong sumugod sa kanya at suntukin sa ginagawa niya kay Alliyha...sa mga pinagsasasabi niya, sa mga kinikilos niya. At ngayon nakikita kong malungkot ang mahal ko pero lumalaban pa rin..Nakakainis! nakaka-galit! Manhid ba siya o hindi niya lang gustong ramdamin ang damdamin ni Alliyha?

I hate this feeling...sarili kong kaibigan ginaganito ko..ganito na ba talaga epekto ng pagmamahal? kahit mga taong malalapit sayo...Napapalayo na?

Tss! Hindi ko na kaya pang panuorin si Alliyha na nagkakaganyan para sa g*g*ng kaibigan ko, kaya munabuti ko nang lumayo sa kinalalagyan nila.

Pumunta ako sa may resto-bar dito sa may malapit sa beach, kahit may araw pa ay pinili ko nalang uminom ng makalimot ako sa sakit na nararamdaman ko...even for the mean time...

Habang umiinom ako, bigla nalang na may nagsusumigaw ng tulong...paglingon ko si....Axel? Nakaramdam aoo ng biglang kaba.Kaya nilapitan ko siya.

My Unexpected Prince (MUP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon