Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana. Bumangon na ako at tinignan kung anong oras na.
7:45 A.M
Oh my Bloody Hell! 7:45 na?! Kailangan ko ng maligo! May pasok pa ako--
Wait?! Anong date ngayon? Kinuha ko ang phone ko at nakitang Saturday pala ngayong araw. Wala akong pasok. Hay salamat naman!
Pero parang may mali. Teka?!
Tinignan ko ulit ang phone ko at nakitang December 16 na pala ngayon.
OH MY FREAKING GOSH! BIRTHDAY KO NGAYON!
Bakit hindi ko yon naalala? At teka sila mommy at daddy? Bakit hindi nila ako ginising? O grineet (greet) man lang? Ahhhh baka may suprise sila sakin.
Dali-dali akong pumasok sa banyo at naghilamos at nagtoothbrush. Nang matapos na ako lumabas na ako sa room at dumeretso sa kusina.
Nakita kong nagluluto pa si mommy while si daddy naman ay nagbabasa ng diyaryo. Lumapit ako kay daddy at kiniss ang cheek niya.
"Goodmorning daddy!"masiglang bati ko kay daddy.
"Goodmorning princess"bati rin niya sakin at kiniss ang cheek ko.
"Daddy, do you know what day today is?"tanong ko sa kanya.
"Ummm today is........"nag-iisip pa siya while hinimas-himas ang chin niya.
"Ahhh may board meeting pala kami ngayon. Thank you for reminding me anak."sabi niya at tumayo na siya. Board meeting? Dad, birthday ko ngayon!
"Hon, pupunta na ako sa company."sabi ni dad at lumapit kay mommy at kiniss sa cheek.
"Oh sige mag-iingat ka. Tharia, kumain ka na anak."sabi ni mommy sakin.
Umakyat na si daddy sa taas while si mommy naman ay meron pang niluto. Hindi ba talaga niya naalala kung anong meron ngayon? Na birthday ko ngayon?
Pumasok si kuya dito sa kitchen at kumuha ng isang pancake at uminom ng kape.
"Kuya, bakit nagmamadali ka?"tanong ko sakanya.
"Pupunta na ako sa office malalate na ako. Sa office nalang ako kakain mom. Mauna na ako."sabi ni kuya at pumunta kay mommy. Kiniss niya ito sa cheek at pumunta naman siya sakin at kiniss rin ako sa cheek.
"Bye baby sis."paalam niya sakin.
"Kuya--"hindi ko na natuloy ang dapat itanong ko sakanya kase lumabas na siya sa kitchen.
*sigh
Lumapit nalang ako kay mommy at hinug siya patalikod.
"Mom, do you know what day today is?"tanong ko kay mommy at umaasa na sana naalala niya pa ang birthday.
"Ahhhh...let me think......"sabi sabi niya at hinimas ang chin niya kagaya kay daddy kanina. Ngumiti siya sakin kaya napangiti rin ako. At last! May nakaalala rin na birthday ko ngayon. Magsalita na sana ako pero inunahan na niya ako.
"Pupunta pala ako ngayon sa Vampire Realm. May meeting kase at hindi makapunta ang daddy mo kaya ako ang pupunta. Gusto mo bang sumama? Para narin makita mo na ang Vampire Realm."nakangising sabi niya.
Nabawasan naman ang saya ko pero at least makapunta na ako sa Vampire Realm. Ngumiti nalang ako ng pilit at tumango kay mommy.
"Great! Sige kumain ka na anak para makapaghanda ka na."sabi niya at tinuonan na ulit ng pansin ang pagluluto niya ng pancake. Umupo na ako at nagsimulang kumain.
Kunti lang ang kinain ko kase wala akong ganang kumain. Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa taas para magready na.
First time kong makapunta sa Vampire Realm kaya kinakabahan ako.
.
.
.
.
"Tharia! Lets go!"Kinuha ko na ang black sling bag ko at tumingin ulit sa salamin. Naka black jeans at white sweat shirt lang ako with black timberland shoes. Hindi ko na tinali ang buhok ka kase basa pa ito.
Bumaba na ako at nakita kong may lalakeng kausap si mommy. Nakatalikod ito sakin kaya hindi ko nakita ang mukha niya pero familiar ang likod niya.
Napatingin si mommy sa direksiyon ko at napangiti.
"Tharia I forgot to tell you. May gusto palang sumama satin."
Napalingon ang lalake sa direksiyon ko at nagulat ako kung sino ang lalakeng gusto sumama samin
Kayden
"Hindi kita matour sa Vampire Realm so nagvolunteer si Kayden na siya muna ang magtour sayo."masayang sabi ni mommy sakin.
Ngumiti lang sakin si Kayden kaya ngumiti nalang rin ako.
Hindi ko namalayan na kanina na pala kami nagkatinginan sa isa't isa ni Kayden kay nagsalita na si mommy
"Lets go! Remember, Time is gold."sabi ni mommy at naglakad na patungo sa pinto palabas.
Sumunod nalang kami ni Kayden kay mommy at lumabas na. Sumakay na sa front seat si mommy kaya wala kaming choice ni Kayden kung di sumakay nalang sa backseat.The whole ride was quite.
Napansin kong puro puno na ang nasa gilid ng daan. Saan kami pupunta? Akala ko sa Vampire Realm?
Huminto kami sa isang malaking gate. May nakalagay sa gilid na "No Trespassing". Ang laki rin ng wall.
"Akala ko sa Vampire Realm tayo pupunta? Anong ginagawa natin dito?"nagtatakang tanong ko. Napatingin naman sakin si Kayden.
"Ito ang daan patungong Vampire Realm."sabi niya.
What? Diyan sa loob ang daan patungong Vampire Realm? Paano?
"Malalaman mo rin."nakangising sabi ni Kayden na parang nababasa niya ang laman ng utak ko.
Napatingin ako kay mommy, tumango at ngumiti lang siya sakin.
To be continued.......
YOU ARE READING
When The Night Falls(On Going)
VampirosSi Tharia Ysabelle Peige simple, maganda, mabait, anak ng isang mayaman at masayang pamilya . Pero hindi alam ni Tharia ang totoong pagkatao niya at sa hindi inaasahang pangyayari, nakatakdang mapang-asawa sa isa sa mga mayamang anak ng Bampira, si...