Copyright 2018
All Rights ReservedPlagiarism is a crime!
A/N:
Hindi ako professional writer kung may mga grammatical errors man kayong nabasa't nakita. Malaya kayong ikomento ito at aking babaguhin. Salamat sa mga taong babasahin ang istoryang ito.
Ito ang kauna-unahang kwento na ginawa/gagawin ko. Sana magustuhan niyo. Kung naooeyan (OA) man kayo. Kayo na ang bahala humusga. Salamat.😊
CHAPTER 1-Childhood Days
-Aki Koda's PoV-
"Aki!anong gingagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Kuya Kyro. Nakaluhod siya at nakaharap sakin, parang nag-aalala
"Ano pa ba kuya!edi kumakain!" Sigaw ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya kasi inubusan na naman niya ako ng pagkain. Lagi na lang niya yon ginagawa sakin kaya tuwing kakain ako, dito ako nagtatago sa kusina, sa ilalim ng lamesa.
"Eh bakit diyan ka kumakain? Tara nga dito" akmang aangal sana ako kaya lang...hinila niya yung dalawa kong kamay para makalabas sa ilalim ng lamesa. Hinigpitan ko yung hawak sa sandwich ko baka kasi kunin ni Kuya.
"Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni daddy hays pasaway ka talaga Aki,nilibot kona tong bahay tapos dito ka lang pala nagtatago,alam mo bang alalang alala na kami ni daddy sayo. Hindi ka kasi mabiro porket inubusan lang kita kanina nagtampo kana agad. Ikaw naman ang may kasalanan ayaw mong galawin yung pagkain mo" sabi ni Kuya Kyro na akala mo magulang kung makapagsalita.
"Oh bakit ka umiiyak? Pinagsasabihan lang kita Aki tumahan kana baka isipin ni daddy inaaway kita" Hinawakan ni Kuya Kyro ang magkabila kong pisngi at pinunasan iyon.
"Kasi kuya nakaka-touch ka eh" sabi ko habang humihikbi pa ng kaunti.
"Haha nag-aalala ako sayo kasi little sister kita.Tara na nga,may ibibigay sayo si daddy" hinawakan ni kuya ang kaliwang kamay ko kaya wala kong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Dito ako dinala ni Kuya Kyro sa garden. Nilibot ko ang mga mata ko pero wala naman si daddy sa paligid, ni anino niya wala naman. Pinagloloko na naman ata ako ni Kuya gggrrrr....tumingin ako kay kuya nakatingin din pala siya sakin. Tapos nakangiti siya ng nakakaloko.
"Sabi na eh! Niloloko mo lang ako!" Inis na sigaw ko sa kanya. Nakayukom na ang dalawa kong kamao handa na ko para suntukin siya pero may dinukot sya mula sa bulsa niya.
"Ako na lang ang magbibigay sayo nito hehe binilin sakin ni daddy to kasi malelate na sya sa work" inilabas na niya yung box na maliit,kulay pula ito. Nagkunot ang noo ko nung makita ko yon. Ang tanging pumapasok lang isip ko ay singsing. Bubuksan na sana niya yung maliit na box...
"Teka! Bat di mo na lang binigay sakin yan kanina dinala mo pako dito sa garden!" Pagtataka ko kasi pwede naman doon! Pinagod niya pakong maglakad kahit kailan talaga ang daming kaartehan nito ni kuya!
"Hhmm para romantic!" Nagulat naman ako sa sinagot ni Kuya. Romantic? Eh diba
"Eh diba para lang yun sa isang babae tapos isang lalakeng nagmamahalan! Eh tayo magkapatid lang!"
"Bakit? Hindi ba pwedeng maging romantic tayong dalawa bilang magkapatid? Ikaw na nga nagsabi na isang babae at isang lalakeng nagmamahalan. Eh nagmamahalan naman tayong magkapatid ah." Oo nga no. Bakit hindi ko naisip yon. Tumango-tango na lang ako.
"Okay!" Iyan na lang ang lumabas sa bibig ko
"Good girl, bubuksan ko na to para masuot ko na sayo" tumango ako at hinihintay kung ano ba yung laman non.
YOU ARE READING
Endless Love
FantasyThis story is about two siblings named Kyro Koda and Aki Koda. Until she falls in love with Kyro, her brother.