Pagkatapos ko magpalit. Nakita kong nakaupo si Kyro sa kama niya, nakasandal ang likod niya sa unan. Hawak ang isang libro. Nag-aadvance reading na naman yata siya.Pumunta na ako sa kama ko at nahiga. Naalala ko yung ginawa ni Coleen kay Kyro kanina posible kayang sila na? Bakit kasi may pahalik pa siya.
"Kyro...." tawag ko sa kanya ng hindi lumilingon. Nakatingin lamang ako sa kisame.
"Hindi mo na talaga ako tinatawag na kuya huh. Anyway,bakit?" Naaaninag ko siya sa peripheral vision ko. Nakatingin lamang siya sa hawak niyang libro.
"B-Bakit kayo magkasama ni Coleen kanina?" This time tiningnan ko na siya. Binitawan niya ang libro na kanina lang ay hawak niya at inilapag niya iyon sa lamesa na nasa gilid niya. Nahiga siya sa kama niya at kinumutan ang sarili. Ang tagal niyang sumagot.
"May pinag-usapan lang kami" tugon niya. Bakit kailangan nilang mag-usap? Anong meron hmm.
"P-pinag-usapan? P-para saan? K-kaya ba hindi mo nako napuntahan sa room kanina kasi mas mahalaga yung pag-uusapan niyo ni Coleen?" Nakatingin lamang ako sa kanya pero walang ekspresyon ang mukha niya. Hindi man lang siya nagulat o nabigla sa tanong ko.
"Not really" akala ko hindi niya masasagot ang tanong ko.
"Kung hindi naman pala. Bakit hindi ka nagpaalam? Para hindi na kita hinanap kanina." Pakiramdam ko tuloy wala lang ako sa kanya. Hindi niya naman ako basta basta iiwan pero ng dahil kay Coleen, naranasan kong iwan ako tsk.
"Sorry, pupuntahan na sana kita pero paglabas ko ng room. Hinarang ako ni Coleen sabi niya may sasabihin siya."
"Tapos?" Nakatingin lamang kaming dalawa sa isa't isa.
"Hinawakan niya yung kamay ko. Hinila niya ko hanggang makababa kami sa first floor. Sabi ko sa kanya pupuntahan muna kita pero pinigilan niya ko. Ang higpit ng pagkakahawak niya kaya hinayaan kona lang."
"Bakit hindi ka pumalag!? Sana tinext moko para hindi nako nag-alala sayo. Halos libutin ko na nga ang buong school kakahanap sayo" kunwari buong school haha...
"Nag-alala? May care ka pa rin pala sa Kuya mo haha" tumawa siya ng mahina at kumurba ang labi ni Kyro. Napangiti naman ako ng konti kasi nakita ko siyang tumawa ng dahil sa akin.
"Natural! Kapatid kita" palusot ko. Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya.
Hindi naman talaga ako nag-alala sa kanya bilang kapatid niya. May mas malalim pang dahilan.
" itetext na dapat kita pero nung pagsend ko. Naalala ko, expired na pala yung load ko." Tsk kung kailan kailangan saka pa nawalan ng load.
"Bakit nga hindi ka pumalag!?" Ulit ko.
"Alam mo naman na hindi ko pinapatulan ang mga babae" Ngumiti si Kyro labas ang mga ngipin. Parang pinapalabas niya na napakabait niyang tao. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako kasi ang gentleman niya o maiinis kasi pinaghintay niya ko. Pumasok tuloy sa isip ko na parang hindi niya kayang tanggihan si Coleen. Tsk.
"Tsk pakitang tao kapa!"
"No. I'm not" seryosong sagot niya
"So ano pala yung pinag-usapan niyo?" Bigla kong tanong. Nacu-curious kasi ako kanina pa.
"Gusto mo ba talagang malaman?" Tanong ni Kyro. Hindi nako nagdalawang-isip pa na Oo ang isasagot ko kaya tumango ako. Napahinga ng malalim si Kyro. Dahil doon kinabahan ako. Mukhang napakaseryoso nga ng pinag-usapan nila kanina?
YOU ARE READING
Endless Love
FantasyThis story is about two siblings named Kyro Koda and Aki Koda. Until she falls in love with Kyro, her brother.