"Dismiss.Goodbye" paalam ng last teacher namin. Hindi na kami nakapagpaalam kasi ang bilis ni Maam makaalis.
Natapos din ang klase ngayong araw. Nandito pa din ako ngayon sa room hinihintay ko si Kyro. Yung mga kaklase ko nag-aayos na para makauwi. Isa isa silang lumalabas hanggang sa kami na lang ni Carol ang naiwan dito. Sinalampak ko yung mukha ko sa ibabaw ng lamesa. Kapagod talaga. Hindi lang katawan ko ang napagod pati yung utak ko kahit hindi naman ako masyadong nakinig.
"Ang tagal naman niya" walang malay na sambit ko sa sarili ko.
"Si Kyro ba Aki? Yiee" tanong ni Carol. Akmang susundutin niya sana yung bewang ko pero kinunutan ko lang siya ng noo.
"Bakit may yiie? Kuya ko yon" tumayo ako sa lamesa at kinuha yung bag ko. Naglakad ako papalabas ng room. Ako na nga lang pupunta sa room niya.
"Aki sandali! San ka pupunta?" Kinuha na din ni Carol yung bag niya at hinabol ako.
"Pupuntahan ko siya sa room niya."
"Ah. Ahm sige una na ako Aki ah. May gagawin pa kasi ako next time na lang tayo pumunta sa Coffee Shop tutal kasabay mo naman si Kyro eh" sumeryoso yung mukha ni Carol. Siguro nga may mahalaga talaga siyang gagawin ngayon. Kaya hindi nako inasar kay Kyro.
"Sige sige mag-iingat ka" lumakad na si Carol ng mabilis. Nag wave ako sa kanya nung lumingon siya sakin ng pangalawang beses. Ganun din yung ginawa niya.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad papunta sa third floor. Paakyat nako sa fourth floor.Doon kasi yung room ni Kyro ang room ko naman sa second floor. Ang tahimik na sa hallway wala na ding mga estudyante. Diretso pa din ako sa paglalakad hanggang makarating sa dulo pero bigo akong mahanap si Kyro. Bawat classroom locked na din ang pintuan kaya bumaba nako ng hagdanan.
Nakarating nako sa third floor, Second floor at First floor. Hindi ko pa rin nakikita ang anino ni Kyro. Kinakabahan na tuloy ako baka may masamang nangyari sa kanya at saka wala din akong kasabay umuwi huhuhu...
Naglakad na ulit ako at palinga-linga kahit saang direksyon. Nagbabakasakaling mahagilap ng mga mata ko si Kyro pero wala pa din siya. Anong gagawin ko? Malapit ng magdilim. Gusto ko ng umiyak huhu bilang na lang yung mga estudyanteng nandito pa sa school. Malapit nako makalabas ng gate hindi ko pa rin siya nakikita. Mag-isa na nga lang akong uuwi.
Hindi ko pa rin tinigil ang paglibot ng mga mata ko sa paligid habang naglalakad. Nakalabas nako ng school ng maaninag ko si Kyro nasa tapat ng Convenient Store... may kausap na babae...si Coleen. Kaharap lang ng school yung Convenient Store kaya madali ko siyang nakita. Hindi naman ganoon kalayo ang distansya pero bigo akong marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila. Tiningnan ko lang silang dalawa para mapansin ni Kyro na kanina pako naghihintay sa kanya tsk.
Pinagmasdan ko lang sila... Nagulat ako sa ginawa ni Coleen! Nanlaki ang mga mata ko. Akmang hahalikan niya sana si Kyro sa pisngi pero umiwas si Kyro.
"Sorry,kanina pa yata naghihintay yung kapatid ko" nilakasan ni Kyro yung pagkasabi niya para marinig ko. Tumingin si Kyro sa gawi ko, ganoon din ang ginawa ni Coleen. Nagulat ata siya ng makita ako. Biglang namula yung mukha niya dahil sa hiya. Siguradong alam niyang nakita ko yung ginawa niya kanina.Tumango si Coleen kay Kyro at nag wave. Hindi naman ito pinansin ni Kyro at tumango lang. Tumawid na si Kyro...
"Tara na" sambit ni Kyro. Tumango ako at naglakad, magkapantay lang kami kaya tiningnan ko siya ng palihim. Ang seryoso ng mukha niya. Ano bang nangyari? Wala ba siyang balak sabihin sakin kung bakit sila magkasama?
Ang tahimik lang namin ni Kyro habang naglalakad. Walang nagsasalita di katulad noon. Siya pa ang laging nauunang magsalita. Weird ano kayang ginawa ni Coleen kay Kyro? Hinypnotize kaya niya. Hindi magalaw yung katawan o kahit yung braso niya. Diretso lang yung tingin niya sa daanan , parang siyang robot. Hindi din ngumingiti. Hindi din lumilingon kahit saang direksyon. Hindi ko naman napapansin kung kumukurap pa ba yung mata niya eh.Hindi nga rin ata niya napapansin na kanina pako nakatingin sa kanya pati yung mga taong dumadaan sa gilid niya.
Nandito na kami sa tapat ng bahay. Sa wakas gumalaw din siya. Kinuha niya sa bag niya ang susi at binuksan ang gate.
Gusto ko sana magtanong. Kaya lang...nagsalita na siya."Sorry, pinaghintay kita" isinarado na niya ang gate. Saka humarap sakin. Tiningnan ko siya ng masama.
"It's okay but not okay." inis na sabi ko. Kanina ko pa siya hinahanap tapos sorry lang? Bakit hindi siya nagpaalam? Mas inuna niya pa si Coleen kaysa sakin. Yung basketball niya nga nagagawa niyang isantabi para sakin. Tapos si Coleen lang pala yung makakapigil kay Kyro? Damn!
"I'm really sorry, pumasok na tayo" hinawakan ni Kyro ang wrist ko. Pinipilit kong bumitaw sa pagkakahawak niya pero hindi ko magawang kumawala , sobrang higpit. Kaya hinayaan kona lang. Hinila niya ako papasok sa loob ng bahay. Saka niya tinanggal ang pagkakahawak sakin.
"Ang sakit ah!" inis na sambit ko. Bumakat yung kamay niya sa bandang pulso ko sa braso. Namumula ito.
"Sorry"
"Bakit mo bako hinatak!?" Sigaw ko. Tingnan ko siya ng masama.
"Wa-wala lang" napayuko si Kyro.
"Wala lang? Eh halos matanggal na nga yung braso ko" wala lang naman pala hinila pako ng ganon kasakit. Hindi kona hinintay yung sagot niya tumalikod ako sa kanya at lumakad papuntang kwarto. Pagpasok ko sa loob kasunod ko na pala si Kyro sa likod. Ibinaba kona ang bag ko sa lamesa. Wala kaming imikan. Inilagay din ni Kyro ang bag niya sa likod ng pintuan. Kumaha ako ng damit pantulog sa cabinet at pumasok sa loob ng cr para magpalit.
YOU ARE READING
Endless Love
FantasíaThis story is about two siblings named Kyro Koda and Aki Koda. Until she falls in love with Kyro, her brother.