Chapter 24: For A Day

2.3K 77 1
                                    

Jonathan's POV

I miss him.
Alam niyo na, yung feeling na gusto mo siyang i-hug, nang sobra-sobra.
Na gusto mo siyang makita o kaya'y marinig lang ang boses niya.

I really like him.
Kahit na pareho kami ng gender, alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.

Napakamot ako sa ulo ko.
Hahaay, I wanna see him.

Binuksan ko ang phone ko tsaka nag fb.
Tiningnan ko kung inaccept na ba ni Klair yung request ko but sadly, wala pa rin.
Siguro 'di lang talaga siya mahilig mag fb o mag social media.
Pansin ko rin kasi na hindi gaano kadami friends niya dito sa facebook.
Pumunta ako sa wall niya tsaka nakita ang iba't-ibang posts at ang mga nakalagay,

'Happy Birthday'
'HBD'
'Happy Birthday Klair!'

Ilan lang yun sa mga posts.
Tapos meron ding napakataas na post na galing sa mom and dad niya base sa nakasulat.

Teka? Birthday ni Klair? Ba't 'di siya nagsabi?

Napangiti ako.
At last!, meron na akong reason upang makita uli siya.
Ano kaya kung isusurprise ko siya?
Hmmm.

Tumayo ako mula sa kama tsaka agad na nagbihis.
Isinuot ko yung blue tux ko na isang beses ko lang naisuot tsaka blue slacks din at black tic tac shoes.

I smiled while facing myself in the mirror.

'Ang pogi ko naman.', bulong ko.

'And I hope, this handsome face will make you fall for me.', I whispered again.

Dumiretso ako sa isang sikat na restaurant tsaka ipinaclose ang buong venue na'to.
Wala akong pakialam sa magagasta kong pera basta ang gusto ko lang, mapasaya ang minamahal ko.
I also requested the staff to decorate the whole place with romantic flowers and lovely designs. Kasi, napakahalaga ng araw na'to.
Pinili ko rin ang pinakaexpensive na area kung saan kami kakain ni Klair.
While nagdedecorate sila sa lugar, umalis muna ako upang bumili ng gift. Maybe, a teddy bear? Haha. Wala na kasi akong ibang maisip eh. At hindi ko rin naman alam kung ano ang gusto niya.

Pero, sana naman, magustuhan niya.

Hance's POV

"Halika na Klair, let's celebrate your day.", sabi ko habang tinititigan ang gulat niyang mukha.

"Nang naka couple shirts?", he asked.

"Ha? couple shirts ba 'tong nabili ko?", kunwari kong tanong.

Siguro naman, kahit parang gusto niya yung Jonathan eh payagan niya parin akong kahit papano ay maipakita sa kanyang mahal ko pa rin siya.

"'Di ba obvious sa design nila? Huhubarin ko na 'to.", pero bago pa siya makapasok ulit sa kuwarto niya eh pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya.

"Di ba pwedeng for friendship shirts lang 'to? Di naman sa lahat ng oras eh couple shirts na agad ang may ganitong design. Maliban nalang kung may malisya diyan sa isip mo?", I said habang ngumingiti.

Natigilan siya tsaka nag-isip.

"Wa-wala no? Ano kasi eh,"

"What?"

"Uhmm, sige na nga. For friendship shirts lang naman 'to di ba?", tanong niya.

"Yes. Pero kung gusto mong gawing for couple eh pwede rin.", biro ko na hindi niya alam eh totoo.

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon