Chapter 41: STwRONG Timing

1.9K 67 5
                                    


Klair's POV

Pagkagising ko ay agad akong humarap sa salamin upang ayusin ang mukha ko.

Medyo inaantok pa ako pero base sa sinag ng araw mula sa labas, tanghali na yata.

"Haaay", sambit ko habang binibinat ang aking mga braso.

Nang matapos na ako sa pag-ayos sa itsura ko ay lumabas na ako ng kuwarto.

At pagdating ko sa may kusina,
.
.
.
.
.

Natulala ako.

Natulala ako sa nakita ko.

.
.
.
.
.

Si Hance,
.
.
.
.
.
naka uniform ng pang-chef!

Oo, ng pang-chef! habang may hinahandang pagkain na lulutuin niya siguro.

Ha?

Anong meron?

At sa'n niya naman nakuha ang costume niya?

"Hance?", medyo gulat kong tanong.

"Uy? gising ka na pala rabbit?", nakangiti niya namang tugon habang ipinagpapatuloy ang ginagawa niya.

Nilakihan ko pa lalo ang mga mata ko para masiguro kong hindi talaga ako nagdedaydream. Baka kasi unti-unti na akong nababaliw dahil sa mga kaganapan sa buhay ko.

At mas naging klaro na totoo nga ang nakikita ko.

"We-wait, anong meron?", tanong ko.

Nginitian lang ako ni Hance.

Ha?

Para sa'n naman ang ngiti na 'yon?

Dahan-dahan akong lumapit sa mesa tsaka inusisa ang mga ingredients na nasa iba-ibang lalagyan.

May flour.

May mga itlog.

Mayroon ding asukal.

At iba-iba pa.

At napansin kong, parang mga sangkap sa pagbake ng cake ang mga inihanda niya.

"Cake?", maikli kong tanong na umagaw naman sandali sa atensyon niya.

"Ha? ah, oo. Gusto mo naman ng cake 'di ba?", tanong niya naman.

"Oo naman, pero..."

Inihinto niya muna ang ginagawa niya tsaka tumingin sa akin.

"Pero?"

"Pero ba't nagluluto ka ngayon? may okasyon ka bang biglang naalala? Tapos with costume pa ha?", pagtatanong ko para iparating sa kanyang litong-lito na talaga ako. Kahapon lang, galit siya, tapos ngayon, parang masaya ata siya at mukhang naengganyo siyang maging isang cook? Anong nangyari sa kanya?

"Wala. Wala akong naalalang kahit na anong okasyon.", direkta niyang saad tapos ipinagpatuloy na niya ang naputol niyang gawain.

"Masaya lang ako.", dagdag niya pa.

"Bakit ka masaya?"

"Masaya ako kasi nakilala kita."
.
.
.
Ano daw?

Bakit napunta kami sa pagiging masaya niya dahil nakilala niya ako eh ang pinag-uusapan naman namin ay bakit siya nagluluto ng cake tapos de proper attire pa?

The Amnesia Guy (BOYXBOY) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon