Prologue
Kanina pa ako nag lalakad ng pag kahaba-haba hindi ko alam pero pakiramdam ko ayaw ako paalisin ng mga paa ko dito sa lugar na ito. I already entered 3 coffee shop pero parang may hinahanap talaga ako. This is the last one, bibili na talaga ako dito.
"Excuse me Ms." Pagkalapit ko sa counter, hindi ko maintindihan pero parang pamilyar. "One Machiatto pls."
"Coming up, name po"
"Just put, Keilyan" I answered
Im already sitting ng may pumasok, nakuha nila yung atensyon ko dahil sa dami at ingay nila. Pero di ko naisipang tingnan sila.
"Hey, bro. Anong sayo?"
"San tayo, pag katapos dito?"
"Alam niyo ang dami niyong ganap,ugh."
"Napapagod ka na ba? Walang pumilit sayo."
"Nakakainis ka, tabi nga!"
"Tara, order.""Ms. Keilyan" Tawag ng cashier, hudyat na kukunin ko na ang order ko. Lumapit na ako sa chashier ng biglang lumapit ang isa sa kanila.
"Keilyan?, omg Keil is that you. Long time no see." Nakakagulat man pero unti-onti ko silang nakikilalang lahat. They are my Highschool batchmate.
Pero hindi sa kanila natuon ang atensyon ko, but to the man who just entered. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam, after all this years. Bakit ganito kabilis ang puso ko, hindi ito maganda. Hindi magandang pahiwatig ito.
Pakiramdam ko nag slow-motion ang paligid. Siya at ako lang ang nandirito, siya lang ang tinitingnan ng mata ko. Fast. Heartbeat.
"Shan! Guess what?"
"Keilyan is here!"Naririnig ko sila, but my heartbeat is much louder than their voices. Habang papalapit ng papalapit siya. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata. Na mas lalong nag papabilis ng tibok ng puso ko. And finally he's infront of me.
"Hey keil, long time no see. How are you?"
Damn, bakit ko pa rin ba nararamdaman ito. Bakit ganito kahit paulit ulit akong nasaktan. Bakit ganito pa rin. Marami na akong napagdaanang sakit. Pero bakit sayo at sayo pa rin bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi pa nga ba tapos ang nararamdaman ko sayo.
Ayoko na, pagod na ako. Tama na itong lahat, maayos na ang buhay ko. Hindi, Hindi ko na gusto maging parte ng buhay niya. Tama na lahat ng naramdamang sakit. Kota na ako.
Then I finally realize that this is not good. My fast Heartbeat. Nagiging malabo ang paligid. Nahihilo ako. Dumidilim ang paligid.
Simula na para, kalimutan ang lahat. Kalimutan ang nararamdaman, ang sakit at saya na kasama siya. Then my eyes close, I already collapsed.
