Sketch I (My Dream)

716 32 8
                                    

Nakita 'ko nanaman yung babae, napaka inosente niya talaga at nakasuot siya ng pink na dress.

Gustong-gusto 'ko siyang lapitan pero hindi 'ko magawa. Gusto 'ko siyang samahan at tanungin kung bakit nag-iisa siya.

Iyak siya ng iyak habang nakaupo sa isang puno at nakayuko. Gabing-gabi na pero nasa ganitong lugar pa siya.

Sa hindi kalayuan may dalawang lalakeng lasing na papalapit sa babaeng umiiyak.

"Hi *hik* miss."

"Leave me alone." Habang pinipigilan niya ang pag-iyak.

"Pare pa english, english pa 'to oh!"

Hinawakan ng isang lalaki yung palad ng babae. Nung inangat ng babae yung mukha niya, gulat na gulat siya at tumili ng tumili.

"Help me!"

"Miss walang makakarinig sayo rito hahahaha! kaya kung ako sayo tatahimik nalang ako."

"Help me! Help me YAEL!"

Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan 'ko pero hindi kami magkakilala. At kahit kailan hindi 'ko pa siya nakikita.

Pilit hinuhubaran ng dalawang lalaki yung walang kalaban-laban na babae. Gustong-gusto 'ko silang suntukin.

Naaawa ako sa babae. Nangigigil at naiinis ako bat nila ginagawa yan sa babaeng walang kalaban laban!

Pilit siyang kumakawala, hanggang sa natulak niya yung isang lalake. Makakatakas na siya at nasa kalagitnaan na siya ng kalsada at sa hindi kalayuan may truck at---.

"WAAAAAAAAAH!!"

"Hey kuya, kuya are you okay. Wake up."

Hinahabol 'ko ang hininga ko at napabangon ng kama. Panaginip nanaman. Grabe pinagpawisan ako roon. Lagi na lang. Napabuntong hininga nalamang ako.

"Kuya ano ba'ng nangyayari sayo? Ang ingay mo tapos sigaw ka pa ng sigaw ng mga bad words."

"Wala, nananaginip lang si kuya. Don't worry, i'm fine."

"Lagi ka nalang nananaginip kuya, nakikita mo ba mukha niya ha? Ha?."

Nakababata 'ko siyang kapatid. 2nd year high school na siya at ako naman ay 2nd year college.

"Bakit mo naman natanong?" Pagtataka 'ko.

"Kasi sabi samin ng teacher namin kapag nananaginip ka at kitang-kita mo yung mukha niya ibig sabihin may connect siya sayo at ang mga panaginip niya."

"Impusible yan Trish. Anong oras na ba?"

"Bahala ka kuya. 7am na, sige baba na 'ko."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Trish. What if totoo yung sinabi ni Trish. Ako at yung babae sa panaginip 'ko ay may koneksyon.

Natatakot ako na one day makita 'ko siya at paano kung lahat pala ng nangyayari sakanya ako may kasalanan?

Ang feeling 'ko naman. Wala na kong maisip na matino! Nakakabuang!

Ang gulo-gulo ng buhay 'ko, nakakaistress. Dapat sa school works ako naiistress at hindi sa kakaisip sa misteryosang babae na nasa panaginip 'ko.

Kailangan niyo muna siguro akong makilala ng maunawaan niyo ang mga bagay na nagpapagulo ng mundo 'ko.

Ako si Ezmael janz Corpuz, Yael tawag sakin ng karamihan. 17 years old. Kinukuha kong course ay cartoonist. Drawing is my passion.

May girlfriend din ako siya si Kayla Laxamana, at ang kapatid 'ko kanina si Trisha janz Corpuz.

The Girl I Sketch (FINISH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon