My Girlfriend is The Boss!

1.4K 69 29
                                    

Masungit siya...

Selosa siya...

Mainitin ang ulo niya...

Bilmoko siya...

Pikon siya... 

Sadista siya....

Pero kahit na UNDER ako ng girlfriend ko.... Mahal na mahal ko parin siya

Louie's POV

"Naguutom ako, bilhan mo ako ng siopao"

utos sa'kin bigla ng girlfriend kong si Maureen.. Naman oh! Kakarating lang namin sa first subject namin tapos uutusan ako ngayon para bumili ng letcheng siopao?! nasa labas pa naman yung canteen -___________-

"Oh??? Bibili ka o ano?"

"Sabi ko.. ito na nga bibili na"

Haayy may magagawa pa ba ako?? Tumayo na ngalang ako at lumabas ng campus para bumili  ng siopao.. Buntis ba siya para manghinggi bigla ng siopao??? Buti nalang 7:15 palang kaya pwede pang lumabas..  Tapos nung pagkatapos kong bumili, narinig ko nang tumunog yung bell.. Haisst Late na ako! Patakbo ako ngayong pumunta tuloy sa classroom ko.. 

"Louie!"

biglang may tumawag sakin.. ayy classmate ko pala

"Oh ikaw pala yan Earl.. Tara na dali late na tayo"

"Ok lang Louie.. May meeting pa ngayon yung mga teachers... Tsaka.. oh?? Ba''t may dala-dala kang siopao?? Umagang umaga ah.. di ka ba nag-almusal?"

"Ahh hindi.. Pinapabili lang ni babe ko"

"Inutusan ka nanaman???"

"Anong ibig mong sabihing nanaman??"

"I mean.. Lagi ka nalang kasing utusan ni Maureen.. Lagi ka nalang kinakawawa ng girlfriend mo eh.. Simula nung naging kayo wala nang ibang nasusunod kundi siya.. At ikaw naman sunod-sunuran ka.. Dude! MAgtira ka naman ng pagmamahal sa sarili mo"

Oo nga noh... Natigilan ako sa sinabi ni Earl.. Tama nga naman siya eh.. simula nung naging kami ni babes lagi nalang na siya yung nasusunod.. Eh hindi ko naman yun iniisip eh... Mahal ko lang talaga si babes...

[FLASHBACKS]

[1]

"Babe samahan mo ako sa mall"

biglang aya ni babes

She's The Boss! [LuYoon Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon