CHAPTER 2 A: Called it UNEXPECTEDLY

25 6 2
                                    

Namumula parin siya sa higahan. Tila ba saglit lang ng dumaan ang dalawang oras sapagkat hindi pa rin siya nakakatulog. Naiinis siya sa sarili. Hindi niya mawaglit waglit sa isipan ang nangyari kani kanina lang. Isa yung malaking katangahan para sa kanya. Paano niya ba yun makakalimutan? Kahihiyan niya yun.

Sigurado siyang aasarin siya nito kapag nagkaharap na muli sila. At siya naman, siguradong hindi niya na ito gugustuhing makaharap pa.

Gosh! Nakakahiya talaga. Tsk.

Kinurot niya ang sarili niya ng matagal.

"Wahh! Nakakahiya talaga!" Inis na sambit niya.

Maya maya nagulat siya ng may kumatok. Di siya sumagot. Ayaw niyang lumabas ngayon. Magkukunwari siya't nagtulog tulugan.

"Cathy!" Tawag ng kanyang ina.

I'm sleeping!

"Cathy! It's dinner time. Sumunod ka nalang sa baba."

Maya maya narinig niya ang pag-alis nito.

Yes!

Nakikiramdam pa rin siya. She needs to sleep right away.

Makakaidlip na sana siya kaso maya maya may kumatok na naman.

"Hey. Hinihintay ka na nila sa sala. Are you sleeping already?" Kinilabutan siya ng mapagtanto kung sino ang nagsalita.

Si Hendrick yun!

Naramdaman niya na naman ang automatiko na pamumula at pang-iinit ng kanyang mga pisngi. Klarong klaro parin sa kanyang ala-ala ang nangyari kanina sa kuwarto nito.

Dam* it!

Yes! I'm sleeping, so go! Go now!

Maya maya narinig niya nalang ang mga yabag nito papaalis. Buti naman at nakahalata din itong hindi siya gigising.

Sabi nga nila, mahirap gisingin ang nagtutulog tulugan. May pakinabang din pala yun.

Nangingiti na siya kahit papaano dahil hindi siya napilit ng mga itong bumaba para kumain. Nagpabaling baling lang sa higaan ang kanyang ginawa sa mga oras na iyon. Hindi niya makuha kuha ang kanyang tulog.

Alas dose na ng gabi. Yata. Ramdam niya na ang gutom kaya marahil hindi niya makuha kuha pa ang tulog. Maingat niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kuwarto. Nakasindi naman ang ilaw sa labas ng mga kuwarto kung kaya't di siya nag-alin langan na bumaba at dumiretso sa kusina.

May nakatakip paring kanin at ulam doon. Nakangiting binuksan niya iyon at puwesto ng upo.

Maingat at sarap na sarap siyang kumain doon. Kahit na tanging gasera lang ang nagsisilbing tanglaw niya sa mga pagkain na nakahain.

"Nagugutom ka pala pero hindi ka bumaba kanina." Hiniling niya na hindi lang bumuka ang lupa sa mga oras na iyon kundi tuluyan na siyang kainin.

Ang binatang binata na boses nito ang muntik ng magpapanaw ng kanyang ulirat.

Automatikong nang-init ang kanyang buong pisngi at ramdam niya ang pamumula nun. Napakagat siya ng labi niya ng maalala ang pangyayari kanina na hinding hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya.

Naiinis na nilingon niya ang pinanggalingan ng boses.

Hating gabi na a. Bat gising parin ito hanggang ngayon?

"N-nakatulog ako. Kaya ngayon pa lang ako kakain. Bakit ba?" Pabalang at nagtatapang tapangan na sambit niya rito.

Pilit na nilalabanan ang hiyang unti unting kumakain sa kanyang sistema.

IMPERFECT [VILLANUEVA SERIES I ] UNDER REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon