Meet The VP

326 12 0
                                    

"You think this kind of beauty would settle on a single guy?" Akala ba nya sya lang ang mayabang? Meron din ako nyan sa katawan. "And you also think that you're good enough para hindi na ako humanap at tumikim ng iba?" Ang yabang ko lang diba? Hahaha!

"If that's the case... why don't you try me to be the one and only guy in your life. Who knows, I might satisfy your needs."

Paano ba 'to naging kaibigan ni Elthon? Saksakan ng yabang. Inangkin na ang lahat ng kayabangan sa bansa! Akala mo kung sinong gwapo at yummy! Eh bakit, gwapo naman talaga at yummy si Austin. Magaling pa nga sya, diba? Epal na kunsensya. Hindi naman agad ako nakasagot.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Papayag ba ako o hindi? Kapag pumayag ako para namang ang baba kong uri ng babae, kung hindi naman ako papayag ang plastic ko naman.

"I'm not forcing you to answer now. I want you to think about it alone, baka kasi hindi makapag-isip ng maayos since kaharap mo ako." Kayabangan nya talaga umaapaw. "I'll call you after a week. One week akong hindi magpapakita sa'yo para ma-miss ko ako and you'll agree to my proposal."

"Fine!"

 

Yun na lang ang sinabi ko para lang matahimik na sya. Ka-lalake na tao ang daldal eh. Nilayasan ko na sya, di ko na ma-take ang hangin nya. Mabuti na lang hindi na sya sumunod, kasi kung sumunod sya malamang ang 'center of attraction' nya ay baka mabasag.

☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★☆★

"Kaibigang Vixen!" Bungad agad sa akin ni Kurtis ng makapasok ako ng building kung saan kami pumapasok. "Bilisan mo, parating na daw ang bago nating Vice President."

 

One week ng ganyan ang eksena dito sa building, at one week na ring walang nagpapakita na bagong Vice President. Nakaka-pitong dahilan na ang VP na meron itong biglaang meeting o kaya naman ay out-of-town ito. This time, ano naman kaya ang dahilan nya?

"Girl this time sure na sure na talaga, as in ayaaaaaan na sya!" Sigaw ni Kurtis habang may tinitingnan sa likod ko. "Ang gwapo talaga ng my loves ko."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Kurtis. May bago na naman syang crush? "Nung isang linggo lang yung Austin na iyon ang bukambibig mo, nakakita ka lang ng iba nakalimutan mo na agad yung nauna." Mahabang sabi ko sa kanya na naiiling pa grabe lang talaga sya kung magpalit ng crush.

"Good morning!"

Napaayos naman agad kaming dalawa ni Kurtis ng tayo, at saka nag-bow. Nakakahiya talaga.

"Hi!" Bati ni Kurtis dun sa bagong VP. Napatingin naman agad ako kay Kurtis dahil sa ginawa nya. Close sila? And the next thing I do ay nilingon ko ang bagong VP.

What the fuck? What the hell is he doing here? As in seriously, pinaglalaruan yata ako ng langit, lupa, at impyerno.

The Virgin TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon