Ziggy

489 13 0
                                    

Chapter Five

One month na, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Olga. One month na rin akong kinukulit ni Ziggy. At sa one month na lumipas, napatunayan ni Ziggy na mahal nya talaga ako, na hindi naman nya talaga ginusto ang nangyari sa kanila ni Olga.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Vixen? Sigurado kang babalikan mo na si Ziggy after what he did to you? And how about Olga, patatawarin mo na rin sya kahit na isang guhit ng effort wala syang ginawa para humingi man lang ng tawad sa'yo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Jing.

"Oo nga naman bruha ka, as in forgive-and-forget na lang ikaw sa panlolokong ginawa sa'yo ng malanding Olga na 'yon?" At si Kurtis naman ang nagsalita.

First time lang bilang nagkasama today, ngayon lang din sila nagkakilala pero ayan at pinagtutulungan na nila ako. "Yeah, sigurado na ako. We love each other, and that's what important naman diba? And with Olga naman, bahala na si Lord na magbigay sa kanya ng karma."

Birthday kasi ng anak ni Jing, at bilang ninang ni Ellis invited ako. Isinama ko na si Kurtis dahil ayoko namang magpunta mag-isa, and he feels like going out kaya naman hinila ko na sya. Nang ipakilala ko si Kurtis kay Jing, nagkasundo agad silang dalawa kaya ayan na nga sila ngayon.

"Mommy, mommy!" Agad ni Ellis sa atensyon naming tatlo. "Ninong Austin's outside, he gave me this beautiful doll." Pagmamalaki pa nya.

Sino naman ang Austin na 'yon? Parang wala naman sya nung binyag ni Ellis. As if on cue, may lalake na biglang pumasok. Napakunot naman ang noo ko nung makita ko sya, bakit hindi eh sa akin lang naman sya nakatingin tapos nakangiti pa. Hindi ko naman sya kilala.

Napatingin naman ako kay Jing ng tumayo sya para lapitan yung bagong dating. Nilingon ko naman si Kurtis kasi may gusto akong itanong sa kanya. Ang bruha, ang lagkit ng tingin dun sa bagong dating.

"Kurtis... huy, Kurtis!" Ayaw matinag, na-glue na yata mata nya dun sa ninong ni Ellis. "Kurtis San Simon!" Aba, nilakasan ko na ang boses ko para magising na sya sa pananaginip nya ng dilat.

"Ay Kurtis San Simon!" Hinampas nya ako bigla dahil sa gulat niya. "Bruha ka talaga! Bakit ka nanggugulat?" Masama ba ako kung sasampalin ko ang kaibigan ko?

Kasi naman, kanina pa tinatawag hindi nakikinig nakakita lang ng lalake. "May itatanong kasi ako. Malandi ka, ang lagkit ng tingin mo dun sa bagong dating. Nakakahiya ka pa, tumulo pa laway mo."

Bigla naman syang napahawak sa bibig nya. Patola. Pinalo na naman nya ako sa braso, napahiya yata. "Nakakaloka! Mabuti na lang pala at hinila mo ako dito, nabuhayan na naman ang katawang lupa ko." Sabi pa nya habang umaayos ng upo. "Ano bang pangalan nya?"

"Nakita mo lang sya nabingi ka na. Hindi mo ba narinig yung sinabi kanina ni Ellis, she called him as Ninong Austin." Kapag talaga nakakakita ng gwapo yang si Kurtis sense of sight lang ang nagpa-function. "So meaning, Austin ang pangalan ng bago mong crush." Tumayo na ako after kong sagutin ang tanong ng kaibigan ko.

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong nya.

"Susundan ko si Jing."

"Maniwala, gusto mo lang din yata makita si papa Austin ko?"

"Magsasabi lang ako na uuwi na tayo."

Bigla naman nya akong hinila pabalik sa upuan na pinanggalingan ko. "Wag kang epal friend, ngayon pa lang nagsisimula ang tunay na birthday party." Apela na naman nya, kahit kailan na lang.

The Virgin TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon