Chapter 7~ Efforts

325 17 8
                                    

Chapter 7~ Efforts

BOMI POV

"Alam mo ba na birthday na pala ni Kai next week? January 14 birthday niya. Alam mo yun diba?" tanong ko kay Kyungsoo ng ilang ulit na pero di pa din siya nagsasalita. Ano na namn bang problema nitong kwago na'to?

"Hey, are you mute? O bingi ka lang?" tanong ko pero tumingin siya sakin. Yung nakakatakot na tingin. Akala niya naman matatakot ako. Kung SatanSOO siya ako DemonYOON. Okay :3

"Bakit? Ako ba nagluwal sa kanya para malaman ko?" sigaw niya kaya napatawa ako. High blood na naman siya. 

"Pfft. Hahaha. Hindi, pero mukhang nanay ee." sabi ko kaya lalo siyang nagalit. 

"Umalis ka nga dito. Nakakabadtrip yang mukha mo. Ang ingay mo pa." sabi niya pero pinigilan ko siyang hatakin ako. 

"Ayoko nga nu. Sa ganda kong 'to mababadtrip ka sa mukha ko? Tsaka tuturuan mo pa ko diba diba. Please?" sabi ko at nagcute eyes sa kanya kaya yun napabuntong hininga na lang.

"Ano bang lulutuin?" tanong niya at naglakad ako papunta sa tabi niya. Sabi ko na nga ba di ako matitiis nito ee.

"Spaghetti?" sagot ko and he just sighed again.

"For Kai. Again." sabi niya at tumingin sakin.

"Yeah. It's his birthday. Yung spaghetti pang may birthday diba?" sagot ko at kinuha yung pasta sa lalagyanan.

"Spaghetti are only for kids -_-" sabi niya ng nakapoker face.

"Edi bata na pala ako ganun? Yun kaya yung unang dish na niluto mo sakin." sabi ko at umirap lang siya. Tss. kalalaking tao, irap irap pa. Bakla talaga.

"Because you're childish. You act like you're a 6 year old kid." sabi niya at tumawa ako.

"But still, I look cute." sabi ko at umiling lang ulit si Kyungsoo. Aangal pa eh totoo naman.

"Hintayin mong lumambot yung pasta." sabi niya at tumango lang ako. 

"Ibibigay mo ba sa kanya yan ngayon?" tanong niya.

"No. Para sa'yo 'to." sabi ko at ngumiti si Kyungsoo. "Tikman mo muna kung masarap, baka pag sa kanya agad, hindi ee." sabi ko at sumimangot na naman siya. hahaha. Sarap asarin.

Natapos akong magluto at tinikman niya na kung anong lasa.

"Masarap?" tanong ko pero umiling siya at uminom ng tubig. Ako naman tinikman ung spaghetti. Shemay! Ang sama nga ng lasa. Baka pag binigay ko 'to kay Kai di na magpakita sakin yun.

"Bakit ganun? Iniisip ko naman si Kai habang ginagawa ko yan. Diba mas masarap pag may halong pagmamahal yung niluluto mo?" Edi wow, hinaluan pa kasi ng pagmamahal. 

Food Lovers (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon