Trip
"I now pronounce you man and wife. You may now kiss your bride." The priest said
My groom is about to kiss me, itinaas niya na ang aking veil. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. I smiled at him and leaned towards him, para tanggapin ang kanyang halik ng...
"Katrina, bumangon kana diyan. Nako kang bata ka, puro ka puyat. Ano bang pinagpupuyatan mo at wala ka namang boyfriend na kausap." Maingay na bungad sa akin ng mommy ko, habang inaayos ang ilan sa mga unan ko na nahulog mula sa aking kama.
"Mi naman eh napakaingay mo, nawala tuloy yung panaginip ko." busangot ko sakanya at nagtakip ng unan sa mukha. Umaasang maibabalik pa ang panaginip ko.
"Nako kang bata ka, anong oras na. Mahuhuli na kayo sa flight niyo. Nandyan na sa baba ang mga pinsan at mga kaibigan mo hinihintay ka." Napabangon ako sa sinabi ni mommy. Saktong pagbangon ko ay may tumamang unan sa mukha ko.
"ARAAAAAAY!" Sigaw ko at pagdilat ko sa mga mata ko ay nakita ko ang mukha ng peste kong pinsan
"Tulog mantika ka talaga kahit kailan. Hoy Katrina anong petsa na, maghanda kana." nakasandal siya sa pintuan ng aking kwarto at may hawak na sandwich sa kanyang kanang kamay.
"Ang aga-aga nambubwisit ka na naman, umalis ka nga sa pamamahay ko. Nakikikain kana nga, nambubwisit ka pang leche ka." Sabay hagis ko din ng unan sa peste kong pinsan.
Tumawa siya ng hindi man lang nangalahati yung bato ko sakanya ng unan. "Sige ba aalis na kami para hindi kana makasama at maiwan ka na lang dito." Pang aasar niya ulit. I make face at him, tinawanan lang naman niya ako at bumaba na.
Nagmadali akong mag ayos dahil ako na lang ang hinihintay nila. Mabuti na lamang at nakapag impake ako kahit papaano kagabi bago matulog. I took a bath sa pinakamadaling paraan na kaya ko.
Wearing a white shirt, black ripped jeans, paired with a really nice kicks. Kinuha ko na ang maleta ko at bumaba na ng basa pa ang buhok at hindi pa nakapagsuklay. Wala na akong time mag patuyo pa ng buhok dahil kung tatagalan ko pa ay baka dina kami makaabot sa aming flight.
I have a backpack din kung saan nakalagay ang mga kailangan ko sa long flight. Passport, cellphone, headphone, wallet at laptop ko.
I like wearing super chill, athletic and streetwear kind of clothing.
"Good morning." Bati ko sa mga pinsan kong andito at sa mga girlfriend nilang kaibigan ko din.
"Good morning, Trina. Have some breakfast bago tayo umalis." Sabi ni Kath. Ang girlfriend ng pinsan kong si Dj na nambwisit sa akin ng napaka aga.
"Kath break mo na nga tong pinsan ko." Bulong ko kay Kath ng tumabi ako sakanya para makakain ng breakfast.
"Ano na namang binubulong bulong mo dyan Katrina?" may sa bampira ata tong pinsan ko, ang lakas ng pandinig.
"Wala sabi ko napakagwapo mo." Sabay irap ko sakanya. Nginitian niya lang naman ako ng nakakaloko
"Katrina ano ba naman yang itsura mo. Basa pa yang buhok mo, hindi ka man lang makapagsuklay. Anong silbi ng mga damit na pinamili ko at make up ha? Kaya hindi ka nagkakaboyfriend." sermon sakin ng nanay ko na kakapasok dito sa dining area.
Tinawanan lang naman ako ng mga letse kong pinsan.
"Tita ano ka ba, relax ka lang. Lalaki kaya yang si Katrina." Pang aasar ni JC at sabay apir sakanyang Kuya Dj
Inirapan ko lang naman ang magkapatid. "Mi I have no time para mag ayos, tamo oh anong oras na. Alis na kami ha. Love you." Hinalikan ko ang mommy ko sa pisngi.
"Kahit naman may oras ka hindi ka nag aayos. Baka tumanda kang dalaga niyan."
"Mi, I'm just 23."
"Exactly Trina, you're 23 and no boyfriend since birth."
"Whatever mom, alis na po kami."
Hindi ko alam kung bakit piniproblema ng lahat ang pagiging NBSB ko at 23. I'm still young, I have the whole time para mahanap ang aking the one.
"Oh ito hair brush alam kong wala ka niyan sa bag mo." Abot sa akin ni Kath ng nasa sasakyan na kami.
"Thanks bestfriend." Sagot ko.
"Bali, palit muna kayo ni Trina ng seat. Tutulungan ko lang siya mag-ayos ng buhok." Sabi ni Kath kay Dj.
"She can do it na Bal. Hayaan mo na nga yang pinsan ko." Sagot naman ng peste kong pinsan.
"Tangiii, be kind to your cousin." Sermon ni Kath sa kanyang boyfriend. Parang baby namang nagpacute ang pinsan ko, paka baby damulag talaga nito pagdating kay Kath.
While I am brushing my hair, may kinuha si Kath sakanyang bag at nilagay sa pisngi ko.
"It's a cheek tint, para naman magkakulay yang mukha mo. You look so pale oh." Sabi niya. "I gave you so many tints ha, nasaan na? Bakit hindi mo ginagamit?" dagdag niya pa.
"I have one in my bag, the others nasa bahay. Ginagamit ko kaya, minsan nga lang." nakangiti kong sagot sakanya
"That's why I gave you tints because it's easy to use. Alam ko namang wala kang hilig sa makeups. You can use that to color your cheeks and also your lips. Then you're good to go. Use that ha."
"Bal are you done? Gusto ko tabi tayo." singit ng kurimaw kong pinsan
"I'll just sit here na nga lang sa middle niyo ni Trina, bali." at yun nagpalit kami ni Kath.
"Pat and Arisse are already in the airport, Arisse texted. Jays si Nath dadaanan ba natin?"
"No, ihahatid siya ng Kuya niya." sagot ni Jc
"I'll just message Marlann or Kuya Bry na lang para may magsundo sa atin sa airport." Si Kath.
"Bal, Trina's driver will pick us up at the airport. Wag mo na silang itext."
"Okay tangi."
Pupunta kaming San Francisco for a little vacation. And a celebration for Marlann and Kuya Bry's engagement. Ngayon lang kami makokompleto ulit sa isang trip. Since adulting making us all so busy. Living our own life, achieving our dreams and goals. Though nagkikita kita din naman kami paminsan minsan. Madalas hindi nga lang nakokompleto.
I've put my headphones on and closed my eyes. Isang mahabang flight ang magaganap.
YOU ARE READING
Catch Me!
RomanceAnyone can catch your eye, but it takes someone special to catch your heart.