DAY 09

6 0 0
                                    

Pagising ko sa umaga may bagyo at sinabi sa balita walang pasok so binuksan ko na lang messenger ko para makausap si Marie.

7:00 AM

Marie
Active now

" Marie musta ka diyan? "
  Seen
       
                                   Marie is typing.......

" Tagal Naman oh "
  Seen

                                      Marie is typing.....

" Seenzoned naman ako nito umasa ako na makausap ka man lang Kasi ghostown yung GC natin sa seksyon eh Maya na Lang "
Seen

                                      

                   " Hi, oi sorry busy kasi ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


                   " Hi, oi sorry busy kasi ako..nagluluto pa ako ng sopas para Kay mommy at daddy...geh Maya na Lang "

Sa tagal niya magreply naghanap ako ng kausap sa near group or NG.

" Katamad Naman ngayong araw makapag Near Group na nga Lang "

1st stranger:

" Hi "

                                                  " Hello, asl "

" 12, Female,  Sunnybrook 1, Cavite "

" Ano hanap mo dito? Bored Kasi ako eh "

" Same "

End chat

" Wtf... Nagend agad siya sayang malapit pa naman sa amin. Magkagawa na nga lang ng Tula tungkol sa Love or whatever para may makausap.. Let's try pangbroken hearted hahah "

Gumawa si Ian ng Tula pang broken hearted.

8:00 AM

Near Group

" Write post "

" APAT NA SALITA: Pinagtagpo pero walang TAYO!
By Ian

Isa
Isang salita na hinihintay ko
Isang salita na sinisigaw ng pusong Ito
Isang salita  na ikaw lang Ang pinapangarap ko
Dahil ako'y laging nandirito
Dalawa
Dalawang salita na nagsasabing ikaw na Ang aking sinta
Dalawang salita na ikaw na pero Hindi matupad tupad dahil lahat ng sinasabi ko ay puro salita
Puro salita
Puro salita
Puro salita
Salitang kailanman di matutupad
Dahil ang tingin mo para sa akin ay kaibigan lang
Dahil ang tingin mo sa akin kaklase lang
Pero Ang totoo, nahulog na ko sayo
Hindi bilang kaibigan at kaklase kundi nahulog dahil Mahal kita
Gustong gusto Kita
Tatlo,
Tatlong Salita na nagsasabing Mahal na Kita
Mahal na Mahal dahil ikaw Ang nagbigay daan tungo sa aking pagbabago
Nagbigay daan para mga sikreto ko'y iyong itago
Nananaginip na Naman ako sa kathang isip na Ito
Oo nga pala pangarap nga lang pala Kita
Dahil tayoy pinagtagpo ayon Kay tadhana
Tayoy pinagtagpo dahil din Kay bathala
Pero tayong dalawa ay walang Wala
Dahil Sabi ko nga pinagtagpo lang at walang sinabing magiging TAYO
Walang Tayo dahil Alam Kong may hihigit pa sa pagmamahal kong hinandog sayo
Dahil may makakatagpo ka pa na mas hihigit pa sa inaasahan ko
Asahan mo, sa susunod na taon
Wala na ! Walang Wala na Ang pusong Ito
Walang Wala na ang taong Ito
Dahil magbabago na ako para sayo
Hindi lang sayo kundi sa lahat ng taong naririto
Apat,
Apat na salita
Apat na salita
Na nagsasabing walang walang Tayo
Dahil yan lang Naman Ang kanilang payo
Para sa akin Pinagtagpo ako para sayo
Kahit sabihin man nilang walang Tayo
Para sa akin naging TAYO
Maraming alaala ang lumipas na
Pero Hindi mawala sa isip ko Ang tanong na "Paano na?"
Di ko Alam Kung tuluyan ka ng kakalimutan
At isipin ko na lang na ikaw lang ang aking kaibigan
Na ikaw lang ang aking kaibigan
Kaibigan na lagi na lamang sumusubaybay
Kaibigan na lagi na lang sumusoporta
Sa kahit anong meron akong tagumpay
Tanggap ko Naman na hanggang talento lang ako
Tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang ako
Tanggap ko Naman
Na
Ako
Ang nagiisang makata
Na ako ay hanggang Tula lang
Pero Ito lang masasabi ko...dito ko lang naipapakita Ang tunay Kong nararandaman para sa iyo
Maraming salamat
Maraming maraming salamat
Maraming salamat kahit Hindi naging TAYO

Isa dalawa tatlo...apat
Apat na Salita : Pinagtagpo pero walang TAYO "

Seen by a strangers

Biglang nagreply sa akin ang Limang babae as in sabay sabay at mga tanong nila ay....

1st stranger
" How to be you po..can I get your fb name para maregister kita dito. "

2nd stranger
" Kuya I can fix your broken heart, add me "

3rd stranger
" Kawawa ka Naman po siguro Kung ako yan iba title niyan...Pinagtagpo at naging Tayo bali Limang Salita "

4th stranger
" Ganda po kyah...paturo po magtula "

5th stranger
" Huwag ka po umiyak kyah! Nandito ako lagi, add me then I will love you better than her "

Napatawa ako sa kanila Kasi di naman talaga ako broken. Gusto ko Lang ng may kausap. So I decided to chat to stranger 1 at Yung iba nireject ko kasi landi lang habol nila.

Stranger 1:
Name: Divine  Gracia
Location: GFMNHS ANNEX
Age: 45
Job: Teacher

" Gusto Kita iregister sa contest naming pinamagatang
" TULAAN 2015 "..Kung interest ka iregister na Kita ngayon no entrance fee...manalo may 2000 pesos na matatanggap plus isang set ng Sharpie "

" Ganun po ba ma'am...salamat po kaso ibang skul po ako eh GFMNHS din Main nga lang "

" Outsiders are not allowed sayang iho "

" Ok po ma'am Divine Gracia "

End chat

Sayang naman iyon limpak limpak Yung premyo. Anong oras na kaya?

Tumingin si Ian sa orasan at di niya namalayan na 9 na ng umaga. Agad siyang nagluto at nagsaing para may makain ang kanyang kapatid at Tatay.
Pagkatapos kumain  naghugas ng pinggan si Pol samantalang ako nakababad lang ulit sa messenger.

Binuksan ko ulit yung conversation namin ni Marie...

Marie
Active now

  " Hi, oi sorry busy kasi ako..nagluluto pa ako ng sopas para Kay mommy at daddy...geh Maya na Lang "

" Ganun ba haha sorry late reply "

                       " Hi, may sasabihin ako.."

" Ano Yun Marie? "

                                " about sa letter mo"

" Anong letter? "

    " Letter mo na nakalagay sa pink na papel"

" Ok naalala ko na...di ako magaling Tumula ah "

       " Luh. Mas magaling ka feeling ko"

" Bakit feeling Lang haha ? "

                                                   " Actually "

" Actually what? "

                   " Nawawala ung message mo...may copy ka ba nun? "

" Aw <\3 haha Wala eh "

" Sorry ah Sana may makadampot nun "
Seen

End chat....

Quote # 9: When you lost one thing from a man, you just lost one special moment he gave to you


 

365 DAYS TO WRITETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon