Akala ko mababasa niya buti na lang di nya nabasa. Panget kasi ung tula ko... Makapunta na nga lang sa bahay niya since maaraw na din naman.
" Tao po"
" Ano yun Ian?May kailangan ka ba? "
" Si Marie po? "
" Ah tulog pa.."
" Eh 6:00 Am na po...may pasok pa po kami "
Pinayagan ako ni Stella ( Nanay ni Marie ) na umakyat at pumasok sa kwarto ni Marie...
" Marie gising na "
" Anong ginagawa mo dito Ian? "
" 6 AM na bilisan mo na ah malalate pa Tayo eh "
" Sorry puyat ako kagabi "
" Bakit ka naman puyat kagabi "
" Never mind "
" Sa letter ko noh "
" Hmm.... Maybe, Hindi , Oo? "
"Huwag mo na intindihin iyon di naman kaspecial yun ah "
" Talaga "
" Maligo ka na hintayin na lang kita sa labas "
" O sige "
Naligo na si Marie at nagayus na ng sarili. Pagbaba ni Marie nagpaalam na ito sa kanyang ina at sabay na sila naglakad papunta sa kanilang paaralan.
" Oo nga pala Marie may tanong ako?"
" Ano iyon Ian? "
" Paano mo nga pala malalaman na siya na ang iyong destiny? "
" Curious ka ba sa ganyan? "
" Di Naman masyado napatanong ko Lang bigla "
" Ah ang destiny ay di ko alam haha "
" Luh. Hahaha "
Kung ano man yung salitang iyon di ko alam kung bakit nakatatak sa isip ko iyon. " What is destiny? " Ang nakatatak sa isip ko at nagtataka ako bakit may ganyan sa isip ko ngayon...
Pagpasok namin sa paaralan absent si Sir. Kris Kasi may sakit siya at yung ibang teacher naman nagtuturo as always. Boring talaga ang grade 7 life kasi ang mga tinuturo ay panggrade 1. Di naman ako matalino sadyang basic lang talaga.
Since Wala si Sir. Kris I decided to talk to LJ and Day...
Pagpasok ko sa room nila silang apat ang agad kong nakita sila Day, LJ, Pats, at Nica.
Si Pats ay outsider ng paaralan namin kaya siya pumupunta sa room nila Day at LJ kasi may gusto siya kay Day. Kaso maaga pa kaya hanggang usap lang muna sila ni Day. Si Nica naman magaling sa English, matahimik, at laging nadikit kina Day at LJ kasi sila lang ang kaibigan niya sa kanilang room.
" Musta kayo LJ at Day, Sino sila? "
" Ah. Ito nga pala si Pats at ito naman ay si Nica "
" Ganun ba? Pwedeng magusap muna tayo sa canteen wala kasi ako makausap "
" Ah ganun ba wait Lang ah " sabi ni LJ habang naguusap sila Day at Pats
Nagkeyboard si LJ at tumugtog ng
" Perfect " ni Ed Sheeran at that moment my tears fell without noticing it by everyone. Tapos na magpatugtog si LJ ng kanta ni Ed Sheeran namangha talaga ako kasi yung tono ay pangkasal para bang ganun. Lumapit na sa akin si LJ." Day! Punta lang kami sa canteen ni Ian ah "
" O sige Bes, dito lang ako kausap si Pats "
Pumunta na kami ni LJ sa canteen....
" LJ bakit ang ganda ng pagtugtog mo sa keyboard? "
" Ah. Nagpraktis kasi ako maigi hanggang sa matutunan ko ang pagtunog ng kantang gusto ko gamit ang keyboard "
"Ah ganun ba "
" Bakit may luha ang mata mo? Umiyak ka ba kanina? "
" Ah Wala lang to namangha kasi ako sa pagtugtog mo ng musika, pwede mo ba akong turuan kapag may free time? "
" Sure naman haha "
" Haha yes naman "
" May bayad "
" Eh. Huwag na "
" Joke lang haha "
" Haha "
" Ano pa ba gagawin natin dito maliban sa kumain at magusap ? "
" Wala na sige mauna ka na ah "
" Haha geh geh Ian "
Si LJ ay bumalik na sa room niya ganun din ako. Napansin ng mga kaklase ko na may patak ng luha yung aking mata. Lumapit si Toni..
" Tol bakit basa ang iyong mata? "
" Ah. Wala lang to namangha kasi ako
sa husay ni LJ sa pagkeyboard "" Ah ok akala ko pinaiyak ka res backan ko sana "
" Huwag na haha "
" Tol, basahin mo nga Tula ko kung ayos ba? "
" Bakit ako? "
" Kasi alam kong Makata ka rin eh "
" O sige "
" Ito oh basahin mo "
""Ngiti"
Sa aking bawat ngiti,
Itinatago ko ang nadaramang pighati,
Pinili nalang ang pagngiti,
Habang puso ko ay nagmimistulang sasabog,
Habang ang luha ko ay pinipigilang mahulog,Sabihin na nating ako ay naging duwag at nagtago,
Ngunit di kailanman iniwasan ang balang nagpaagos sa aking dugo,
Kahit masakit, di ko hinahayaang ako ay manlumo,
At ang mumunting pagasa ay akin paring binubuo,
Kahit ito ay sinisira ng tadhanang napakamapaglaro,Ngunit bakit nga ba lahat ng tula ko ay mapait,
Kung sa piling mo, nadarama ko ay langit,
Na kahit tuksuhin mo ako, di ako nagagalit,
Dahil di ko kayang ipagkait sayo ang kasiyahan,
Kasiyahang binigay mo sa tulad ko, dahil ika'y andyan,At kung hundi man maging tayo ngayon,
Hayaan mo, ako ay babalik sa paglipas ng panahon,
Papatunayan sayo na sa puso ko, ikaw parin ang naroroon,
Kahit sa iba ang puso mo nakatuon,
Dahil manatiling nasa tabi hanggang dulo ang aking layon... "" Wow! May pinaninindigan ka ba Toni? "
" Wala haha trip ko lang yan pero ginawa ko yan dahil sabi ni Puso "
" Sino yung nasa puso? "
" Wala haha "
Namangha rin ako sa Tula ni Toni at pagkatapos non umuwi kami ni Marie ...
Di ako makamove on sa tugtog ng keyboard ni LJ sadyang maganda. Nangangarap ako na balang araw maging kasinghusay ko siya....
Quote # 10: Beautiful music will make your tears fell eventually
BINABASA MO ANG
365 DAYS TO WRITE
Teen FictionStory tungkol sa buhay ni Ian..simpleng estudyante na maraming pinagdadaanan..di niya alam kung ano ang kanyang nagawa bandang huli.