UNCONDITIONAL LOVE
NAIMULAT ni Mia ang mga mata. Napaungol siya nang maramdaman ang sakit sa ulo at katawan. Sinubukan niyang i-focus ang mga mata kahit na hilong-hilo siya. Lalong umikot ang paningin niya nang maamoy ang dugo.
Naalala niya kung ano ang nangyari. Pauwi na siya mula sa isang party nang mabunggo ang sinasakyan nila ng mga kaibigan. Paniguradong magagalit ang daddy at mommy niya kapag nalaman ng mga ito na hindi naman group study ang pinuntahan niya. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Inaantok na siya.
“Don’t worry, Mia. Everything is going to be alright.” Narinig niyang bulong sa tainga niya.
Sinubukan ni Mia na imulat ang mga mata pero para iyong nakadikit. Hindi niya alam kung bakit pero napayapa siya nang marinig ang boses na iyon. Tuluyan na siyang nagpagupo sa antok na nararamdaman. Maybe it was one of her friends assuring her.
Susunod siyang nagising sa puting paligid. Nasaan na ba siya? Sa nanlalabong mga mata ay iginala niya ang tingin sa paligid. Then someone caught her eye. Isang babae ang nakatayo sa may gilid ng uluhan niya. Base sa suot nito ay alam niyang isa itong nurse. hinaplos nito ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit pero itinaas niya ang kamay. Ginagap iyon ng nurse.
“Huwag kang mag-alala. Ililigtas ka nila kaya ang mabuti pa ay magpahinga ka.”
Tumango siya at muling ipinikit ang mga mata.
Hindi na matandaan ni Mia kung gaano na siya katagal na natutulog. Nang muli siyang magising ay nasa isang private suite na siya. Iginala niya ang tingin sa paligid. Nakita niyang natutulog ang papa niya sa may couch. Sinubukan niyang gumalaw pero napangiwi siya nang maramdaman ang hapdi sa katawan.Napansin niya ang babae na nakatayo sa may gilid ng couch. Sinubukan niyang i-focus ang mga mata. Pamilyar ito sa kanya. Tsaka lang niya naalaala na ito rin ang babaeng nakita niya noong nasa emergency room siya.
Naramdaman siguro nito ang tingin niya dahil lumingon ito sa gawi niya. ilang saglit na nagtama ang mga mata nila. sinubukan niyang magsalita pero walang lumabas na boses sa lalamunan niya.“Hindi ka dapat gumagalaw at baka lumala ang injury mo.”
“T-tubig,” bulong niya.
Itinuro nito ang isang baso ng tubig sa may bedside table. Sa nanghihinang kamay ay inabot niya iyon. Gusto niyang itong pagsabihan na ito dapat ang gumagawa niyon pero wala siyang lakas para magmaldita.
Pagkatapos makainom ay gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya. tumikhim siya at muling tiningnan ang nurse. “Hindi mo man lang ba tatawagin ang doctor para sabihing gising na ako?”
Ngumiti ito. “Actually padating na ang doctor.”
Napatingin siya sa may couch kung saan nakaupo ang mommy at daddy niya. Parang may mainit na bagay ang humaplos sa puso niya nang makita ang mga ito.
“You’ve been sleeping for three days. Hindi sila umalis sa tabi mo. Paniguradong matutuwa silal na malamang gising ka na.”
Napatingin siya sa nurse. “For sure pagagalitan lang nila ako kapag nagising sila.” Napangiwi siya nang maimagine kung paano siya pagagalitan ng mga magulang dahil sa ginawa niya. sa mata ng magulang niya ay wala na siyang nagagawang tama.
“Kung nakita mo lang kung paano sila nag-alala sa iyo, Mia.”
Muli niya itong tiningnan. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
She grinned. “Nasa records mo.”
Gusto niyang batukan ang sarili. Of course. Bakit ba hindi niya iyon kaagad naisip?
Magsasalita sana siya nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor.

BINABASA MO ANG
Unconditional Love (One Shot)
SpiritualWhat is unconditional love? For me it is the kind of love that is selfless. A love where you don't expect anything in return. The kind of love that inspires other people to be a better person. I am Mia. And this is how I knew what unconditional l...