Chapter 1

3.5K 139 21
                                    

CHAPTER 1

MAUNDY'S POV

Late na naman ako. Bad shot na bad shot na talaga ako kay Chairman nito. Sinubukan ko siyang tawagan, pero mukhang busy dahil hindi niya sinasagot. Nagpadala na lang ako ng mensahe sa kanya at sinabi ang sitwasyon ko ngayon nang hindi naman siya magalit nang sobra. 

Akalain mo kasi iyon 6:30 a.m. nandito na ako, pero 7:10 a.m. na at nandito pa rin ako sa terminal ng jeep! Punong-puno na nga ang jeep, pero panay tawag pa rin si Mamang Konduktor ng bagong pasahero.

At, halos masira ang eardrums ko nang sumigaw na naman ito ng, “Oh, may pasaherong darating, usog kayo!”

Para na talaga kaming sardinas ngayon sa sobrang sikip. Isang pisnge ng pwet ko na lang din ang nakakaupo, okay lang sana kung kalahati na lang ang babayaran ko, pero hindi, eh. 

“May bakante pa ba?” Tanong ni Manong Drayber habang tinitingnan kami gamit wrangler rear view mirror ng jeep.

“Wala na po, Manong, baka po pwede na tayong umalis at late na po talaga ang ilan dito sa amin,” pakiusap ko at halos lahat ng mga pasahero ay sumang-ayon sa akin.

Napakamot naman sa sintido niya si Manong Drayber at saka pinaandar ang jeep. Finally!

Mabuti na lang talaga at sementado ang daang dinadaanan namin dahil kung hindi baka ay nahulog na ako ngayon sa kinauupuan ko, todo kapit tuloy ako sa hawakan. At,  kahit mahangin naman ay pinagpapawisan ako dahil na rin siguro sa nararamdaman kong kaba na baka tuluyan akong mahulog dito. Nakakahiya!

“Miss, okay ka lang? May gusto bang lumabas?” Tanong pa ng lalaking katabi ko.

Mabuti na lang at binulong niya lang iyon dahil medyo nakakahiya ang tanong niya. Tss. Pero, kaya niya siguro na-i-tanong iyon dahil napansin niya ang butil ng pawis sa noo ko at inakala niyang tinatawag ako ng kalikasan. 

“W-Wala,” nahihiya kong sagot.

“Bakit ka pinagpapawisan eh malakas naman ang hangin?” Tanong na naman niya. 

“Natatakot akong mahulog.”

“Sa akin?”

Boang (baliw) ba ito si Kuya?

May ilan tuloy sa mga pasahero ang napatingin sa amin sabay napapangiti. Akala siguro nila ay Jeepney love story ito. Tss.

Tumahimik na lang ako at ipinagdasal na walang mangyayaring nakakahiya sa akin. Hindi niya na rin naman ako kinausap. Naramdaman niya sigurong hindi ko siya gustong kausap.

Mabuti na lang at dininig ng Diyos ang panalangin ko dahil nakarating ako sa kompanya ng safe and sound! Kaya lang ay sobrang late na talaga ako. OMG!

Patakbo akong pumunta sa may entrance nang biglang may sasakyang dumaan at muntik na talaga akong masagasaan. Ito na yata ang pinakamalas kong araw!

Hindi ko na lang pinansin ang nangyari at aalis na sana ako nang may biglang tumawag sa akin.

“Miss purple hair!”

Alam kong ako iyan dahil ako lang ang may ganyang kulay ng buhok sa kompanyang ito. Hinanap ko naman siya agad. Kasalukuyan siyang nakasandal sa kotseng muntik nang bumangga sa akin. 

Medyo natulala ako nang makita siya. Aminado ako na kapag nakakakita ako ng lalaking gwapo ay talagang napapatigil ang mundo ko saglit. Hindi naman sa maharot ako, na-a-appreciate ko lang talaga ang itsura nila. Tss.

Bittersweet Twists And Turns (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon