Curiosity Kills #9:Third Eye(2)

139 3 0
                                    


Napabalikwas sa mahimbing na pagkakatulog sina Karen,Christian at Carl dahil sa sigaw ni Lyka na nanggagaling sa loob ng kwarto nito

Nagkasalubong silang tatlo at patakbong tinahak ang silid ni Lyka...

Pagkabukas ng pinto ay ganun nalamang ang panlulumo nila ng makita ang kabuuan ni Lyka

Nakabitin sa kisame...lasog-lasog ang ibabang bahagi ng katawan nito...ulwa ang mga mata at nakalabas ng bahagya ang dila...tuloy-tuloy din ang pag-agos ng masaganang dugo mula sa katawan nito

Napatakip sila sa kanilang mga bibig dahil sa sobrang awa sa dalaga

“Oh my god!! Who did this to Lyka?”umiiyak na tanong ni Karen

“One down...two left”Boses ng isang babae ang umalingaw-ngaw sa kanilang pandinig

di nila malaman ang gagawin kaya napatakbo sila sa madilim na kabahayan

“Karen?Carl?Nasan kayo”Nangangapa sa dilim na tawag ni Christian sa kanyang mga kaibigan ngunit walang ni isang sagot ang namutawi sa bawat sulok ng kanyang kinatatayuan

“WHAHAHAHAHA”Isang malakas na halhak ng babae lamang ang kanyang narinig

“S-sino k-ka ?A-anong kailangan mo sa a-amin?”nanginginig na tanong nito

“Nacucurios ka ba kung sino ako?Sige lang macurious ka lang...dahil yang kyuryosidad mo ang mismong papatay sayo!WHAHAHAHAHA!”nakakakilabot na sagot nito

“T-tigilan mo na kami!K-kung gusto mo aalis na lang kami dito...wag mo lang naming sasaktan!”pakiusap ng binata

“WHAHAHAHAH!!Hindi kayo makakalabas ng buhay dito!”

“Tama na!”umiiyak na tugon na ng binata

“Simula pa lang!”sagot ng babae

mayamaya ay nakapa na ni Christian ang switch ng ilaw...napagtanto nyang nasa sala pala sya at wala namang kasama...nakahinga sya ng malalim sa pag-aakalang tapos na ngunit gayun nalamang ang gulat nya ng may pulang likido ang patuloy na tumataas na tila ba isang baha...malapot na likido

Patyloy paring tumataas ang pulang likido hanggang sa maabot na nito ng leeg ng binata...napansin nyang may isang bagay na lumulutang sa dugo at gayun nalamang ang pandidiri nya ng mapagtantong pugot na ulo pala ang bagay na iyon...mayamaya ay may isang babae ang lumitaw sa kanyang harapan at hinigit sya pailalim sa pulang dugo at tila ba nasa dagat na nilulunod nito

Habol ang hininga na ininulat nya ang kanyang mga mata...wala na ang dugong baha ngunit duguan parin ang kanyang kabuuan

huminga sya ng malalim bago humarap sa kanyang kaliwa ngunit napahandusay nalamang sya sa malamig na sahig nang may isang matalas na kutsilyo ang tumama sa kanyang noo...umagos at sumirit ang dugo sa kanyang sentido

“Third eye!”nakangising wika ng babae bago naglaho na parang hangin

----------------------

“Carl?Christian? Nasan na kayo??natatakot na ako..huhuhuhu!”humahagulhol sa takot na tawag nito sa kanyang mga kaibigan

“Karen?Nandito na ako!”Bumangin ang ganyan kanyang tapang ng marinig ang isang pamilyar na boses na iyon...at hindi nga sya nagkakamali...si Carl nga ito

Agad syang yumakap dito dahil sa takot!

“Carl!Asan si Christian?U-umalis na tayo dito natatakot na ako”umahagulhol paring wika ni Karen

“Wag kang mag-alala!Nandito na ako at ako...ako mismo ...ang papatay sayo ”Nakakakilabot na sagot nito kaya agad na naitulak ni Karen ang binata

“Third eye!”Sabi ng binata pagkatapos ay pinukpok ang gitnang noo ng dalaga

~ITUTULOY~


Curiosity KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon