Curiosity Kills#4:Killer

182 4 0
                                    


Lumuwas galing Batangas si Nathalia, nais nyang bisitahin ang pimakamamahal nyang kapatid,Simula kasi nung umalis ito sa kanila ay di sya matigil sa pag-iyak dahil miss na miss nya na talaga ito,ito lang kasi ang kakampi nya sa bahay na iyon

nakangiti sya habang bumabyahe,di nya maitago ang kasiyahan nya dahil alam nyang malapit nya na muling mayakap ang kapatid nya,ang pangalan ng kapatid ay Nathalie

Simula nung bats nalang sila ay lagi silang magkakampi,pinoprotektahan nila ang isa't isa,at di lang sila basta basta magkapatid kundi kambal sila,magkamukang magkamuka sila,may pagkakapareho sa ugali nila ngunit,may magkaiba din,matapang siya samantalang si Nathalie ay hinahayaan lamang na maapi sya ng iba kaya ito ang nagpoprotekta sa kanya

mas lalong lumaki ang ngiting sumilay sa kanyang labi ng makita niya na malapit na sya sa apartment ng kapatid

mayamaya ay bumaba na sya ng sinasakyang trycicle,ng nakangiti,tiningnan nya muna ang kabuuang itsura ng apartment mukang maganda,may ikalawang palapag, at halatang pagmamay-ari ng mayaman,huminga sya ng malalim tsaka naglakad papalapit sa pinto,kumatok sya duon,ngunit walang nagbubukas ng pinto.

Hinawakan nya ang seradura at sinubukang ipihit ito,napihit nya ito kaya napag disisyonan nyang pumasok nalang

tila paulit ulit syang sinasaksak ng kutsilyo sa kanyang dibdib sa nakita nya,Nanlulumo sya at biglang napaluhod sa nakahandusay na duguang katawan ng kanyang kakambal,napakabrutal ng pagpatay dito duguan din ang hinaharap nito kaya alam na nya kung anong ginawa dito,may katabi din itong lalaki,sa pagkakatanda nya ay ito ang nobyo ng kanyang kakambal,may laslas ito sa leeg at patuloy parin ang pag-agos ng dugo,tila isang halimaw na nagtangis ang ngipin nito,

"Mga hayop,mga hayop ang gumawa nito sa into," naghihinagpis at nagliliyab ang mata nito sa galit habang binabanggit ang mga salitang ito,di nya inaasahan na isang malamig na bangkay na ang kanyang mayayakap ngayon

"Jusko!patawarin nyo ako sa magagawa ko sa mga gumawa nito sa kanya" nanggigigil na wika nito sa kanyang sarili

Pagkatapos ng libing,ay may biglang lumapit sa kanya,isang ginang"kapatid po ba kayo ni Nathalie? "magalang na tanong nito" A-ako nga po,bakit?"nagtatakang tanong nito,nakita ko po kung sinong gumahasa sa kapatid mo"tugon nito

"S-sino,sino sila??" nagpipigil ng galit na tanong nito"ang kabarkada ng nobyo nito,tatlo sila,sina Ivan,kurt at Paul"pagdedetalye nito

"Tama kilala ko sila,isa sila sa mga nanligaw sa kapatid ko noon at pati sa akin,humanda sila" nanggagalaiting wika nito at umalis na

pagkaalis ni Nathalia ay biglang napangisi ang babae,Maladimonyo at talagang parang gusto nya ang nangyayari

"humanda kayo,makakaharap nyo na si satanas" nanggagalaiting tugon nito

Pumunta sya sa apartment na pinapinag,-upahan ng kapatid nya,at naghanda ng mga gagamitin nya parang sa paghaharap nila ng tatlong gumahasa sa kapatid nito

Ilang araw nya lang itong pinagplanuhan dahil excited na syang mahakaharap ang mga ito at maipaghiganti ang kakambal nya

~NEXT~

Curiosity KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon