Chapter 3-Master

4 0 0
                                    

****

"Di-Diane...Ralph. You-You're late."

Nagulat kami sa nakita namin. Meron kasing isang lalaki, mas matangkad lang kay henry ng onti, pero sakal sakal niya si Henry sa leeg at naka-hang lang sa midair. Siguradong hirap na huminga si henry.

Duguan ang mukha. May hiwa sa magkabilang tagiliran. Bali ang kanang
Binti, ganyan ang kalagayan ni Henry pag dating namin.

Nagulat ako ng bigla na lang nilabas ni Diane ang sword niya, nag transform na agad siya sa 50% na powers niya, sinugod niya ng napakabilis ang lalaki.

Ralph, i'll buy some time, kunin mo agad si Henry.

Narinig ko ang boses ni Diane sa isip ko. Medyo nag cra-crack na ang boses niya.

Diane wield her sword but the guy blocks it with just the tip of his finger.

"Ouch." Halatang nang aasar ang lalaki. Nag labas siya ng pressure at tumalsik palayo si Diane.

Agad din naman nakarecover si Diane. Hindi pa din binibitawan ng lalaki si Henry.

Ralph bilisan mo!!

Gusto ko silang tulungan. Pero. Natatakot ako. Ayaw gumalaw ng mga tuhod ko. Alam kong malakas ang LS pero bakit ganito? Ano bang nangyayari?

Ayoko pang mamatay. Masyadong malakas yung kalaban namin. Di namin to kaya.

!!SHOOOOOOSHH!!

Malakas na enerhiya ang lumabas mula kay Diane. Nagiba na naman siya ng hitsura. Dati kulay violet pa ang buhok niya, kulay puti na ngayon. Mapapansin mo din ang pag babago ng aura niya. Kulay Puti na rin pati ang mana niya.

"D-Diane.. Yung Ra-ragnarok?" Napansin kong wala na siyang hawak na espada. Mahaba na ang kanyang kuko na kamukha ng sa mga lobo. Hindi. Isa na siyang taong lobo.

Natigilan naman ang lalaki sa nakita niya at bakas sa kanyang mga mukha ang takot. Lumuwag ang kapit niya kay Henry. Ito na siguro ang pagkakataon ko.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya. At nakita kong lumundag na rin si Diane papunta sa lalaki. Makukuha ko na sana si henry ng narinig ko siyang mag salita.

"RALPHH-!" napatingin ako sa kanya. Alam kong hirap na hirap na siyang mag salita pero nagawa pa niyang sumigaw.

Nakita ko ang lalaki na nakangiti sakin.

"ACK-!" isang malakas na suntok sa aking sikmura. Tumalsik ako ng sobrang layo, then namalayan ko na lang na hindi na pala ako makagalaw. Nakita kong naglalaban sila ni Diane, pero....Wala paring kaya si diane. Isang kamay pa din ang ginagamit ng lalaki. Hindi na niya sinasakal si Henry pero nakahawak siya sa ulo nito.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari, tumalsik si Diane. At putol ang kaliwa niyang paa..

"UGHH!! RALPH!" Diane shouts in pain.

"R-Ralph. Tumak- tumakbo ka na..." pinipilit pa din na magsalita ni henry kahit sa ganun niyang kalagayan.

"Hi. It's an Honor to meet you. My name is Canis Lex. Please, let me kill you." Bigkas ng lalaki na may kahalong nakakalokong ngiti.

Canis...
Canis.......
C-CANIS!!?!

binuhat niya si diane at henry sa magkabila niyang kamay. Nawalan na ng malay si Henry at bumalik na sa dating itsura si Diane na mayroong blonde na buhok.

"So you are the LS. The Dynamic F*ckin duo? What a weakling." At hingipitan niya ang pagsakal kay Diane. Tumawa siya ng malakas.

Nanginginig na ako sa takot. Pero.

One PercentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon