(Seoul, South Korea Year 2017)
"Hindi nakagraduate ng highschool, walang experience sa kahit anong trabaho, palaging bagsak sa lahat ng subjects noong elementary. Sa tingin mo tatanggapin namin ang isang tulad mo? Ha, Ms. Kim?" Ibinato niya ang mga filed papers na ibinigay ko. Kailangang ibato? Hindi ba pwedeng ibigay nang maayos?
"Wow, ha! Grabe naman kayo magsalita! Teka, teka! Hindi ba exclusive for models 'tong studio na 'to? Eh bakit may..." Nihead to foot ko muna siya bago ituloy ang sasabihin.
"Nakapasok na chararat dito?"
Magsasalita pa sana ulit siya ngunit pinutol ko ito, "Ligpitin niyo 'yang mga binato niyong papel. Wala rin namang kwenta 'yan, puro bond paper lang ang laman niyan."
I have seen this one coming kaya hindi na ako nag-abala pang gumawa ng resumé. Nagretouch muna ako ng lipstick bago ko sila iniwan. Jusko! Kahaggard! Kahit saan yatang trabaho ako mag-apply, eh, wala na akong mapasukan. Pati yata pagiging janitress ay kinakailangan pa ng diploma para makapasa. Inis!
Kinuha ko ang pocket size mirror ko at inayos ang aking glossy, brown and curly hair. Kung ayaw nila akong gawing model edi kawalan na nila 'yon! Hindi ako informed na kasama pala ang graduation certificate kapag magmomodel na. Napabuntong-hininga ako habang inaayos ang aking bangs. At dahil sinuwerte nanaman ako sa araw na ito...
"Manang! Dalawang bote pa po ng soju at isang order ng bulgogi. Lamat!" Binuksan ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.
7:30 PM
Hinawakan ko ang temple ko at sumubo ng bulgogi. Kapagod! Kung ganito pala ang kalalabasan, sana hindi na lang ako nag-apply. Sayang lang oras ko!
"Ne, heto na order mo." Ibinigay niya ang hilaw na beef at ako na mismo ang nagluto noon. Nagsalin ako ng soju sa maliit na baso at diretsong nilagok iyon. Ay grabe, tapang! Pero hindi natatalo ng isang alak si Kim Tae Ri. Fight lang!
8:00 PM
"He-he! Alam mo ba, ikaw na lang ang nakakaintindi sa akin. Kapag ako nag-apply sayo, tanggapin mo kaagad ako, ha?" Sinundot-sundot ko ang soju sa harap ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko at sumasakit na ang ulo. Tinignan ko muli ito at nginitian.
9:00 PM
"Ikaw! Akala mo iiwan kita? Hindi 'no! Hindi pwedeng masayang ang pera ko. Kaya ikaw, sumama ka sa akin at iuuwi kita sa bahay!" Masayang sambit ko at binitbit ang natitirang bote ng soju. Lumabas na ako at nakapikit na nilagok iyon. Ah, grabe! Duling na duling na ako! Hindi ko na alam kung saan ako nagpupupunta.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may narinig akong nabasag. Huh? Lumilindol ba? Bakit parang umuga ata 'tong lamesa sa gilid ko?
"PUNYETA NAMAN, OO! HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINARAANAN MO?! NATAPON 'TONG ALAK KO DAHIL SAYO!" Pinunasan ko ang mukha ko. Kailangang sumigaw? Talsik talsik tuloy ang laway niya. Kadiri!
"FYI, Mr. Talsik-ang-laway! Lumindol kanina kaya nabasag ang alak mo. Bakit mo sakin sinisisi, ha?" Nilagyan ko ng soju ang shot glass na nasa gilid ko at diretsong nilagok iyon. Ipinakita ko iyon sa lalaki sa harap ko at tumawa pa.
Napahilamos ng kamay sa mukha ang lakaki at muli akong tinignan. Puro ngiti lang ang nagagawa ko dahil half-closed na ang mga mata ko.
"Hindi mo naman kailangan bayaran..." Aba! Hindi talaga! Ano siya eng-eng? Gawa ng natural calamity tapos sa'kin niya ipapabayad? Wala na nga akong natira maski piso sa wallet ko!
BINABASA MO ANG
Fangs: Beyond the Pale
VampireThrough an old painting that connects the present with the past, Kim Tae Ri, a jobless girl in Seoul, accidentally travels back in Goryeo Period just to find out that the king of that era is a cold-blooded vampire who exceptionally wants her blood.