Chapter 2

43 18 0
                                    

Nagpalakad-lakad ako habang hinahawakan ang aking labi. Ilang oras na ba 'kong narito? Ang naalala ko ay nakatulog lang ako tapos...

"Uhh..." Narinig ko muli ang malakas na daing ng hindi ko talaga malaman kung tao o hayop. Nagdalawang-isip pa ako kung susundan ko ba ang tunog na iyon o hihilata na lang ulit dito kung sakaling may required time na kailangan para makabalik muli sa realidad.

Siguro ay wala pang isang oras kaya hindi pa 'ko nakababalik? Ang chaka naman netong panaginip ko! May required na oras talaga! Humiga muli ako sa damuhan at sinubukang matulog. Palakas nang palakas ang ungol kaya tinakpan ko ang aking tainga. Sinubukan kong baliwalain ang tunog ngunit nabigo ako. Nang hindi ko na natiis ay tumayo ako.

Sinundan ko ang tunog at pumulot ng isang malaking stick. Mahirap na, mamaya ay isang mabangis na hayop pala ang makasalubong ko rito.

"Hello? May tao ba riyan?" Hindi ko maaninag nang maayos ang aking diraanan dahil wala maski isang ilaw. Tanging ang buwan lamang ang aking nagiging gabay. Iniangat ko ang aking hanbok habang nagpapatuloy sa paglalakad. Lumalayo na ba 'ko? Bakit parang hindi ko na naririnig ang ungol na 'yon?

Napalingon ako sa likod nang makarinig ng kumaluskos na dahon. Nagtapang-tapangan pa ako at itinaas ang aking stick, "Lumabas ka riyan! 'Di ako natatakot sa'yo!" Kumaluskos muli kaya napatingin ako sa direksyon na iyon. Ipinagdikit ko ang dalawang labi ko at taimtim na nagdarasal na sana hindi ito tigre o kung ano mang mabangis na hayop. Nang hindi na nakarinig ng ingay ay dahan-dahan akong tumalikod at naglakad muli.

"Ay anak ni tekla!" Napahawak ako sa dibdib nang makita ang sariling anino. Ganito ba kapangit ang anino ko kaya pati rito ay nagugulat ako? Kung hindi man ako malapa ng tigre ngayon ay baka mamatay naman ako sa sariling katatakutan ko!

Aalis na sana ako nang biglang may humablot sa paa ko. Sa gulat ko ay hindi na ako nakapag-react. Dahan-dahan kong tinignan ang nakahawak sa'kin at nagsisisigaw nang makitang kamay ito na duguan. Napapikit ako sa takot at pinagsisisipa ang kamay. Hindi pa ako nakuntento at hinampas-hampas ko pa ito gamit ang dala kong stick.

"GUSTO KO NA MAGISING! MOMMY, HELP!!!" Unti-unting bumitaw sa'kin ang kamay kaya iminulat ko ang isa kong mata. Nagulat ako nang makitang hindi pala ito multo kundi tao! Tao, oo! As in, alive! Hindi deads!

"Hala, ayos ka lang ba? Ikaw kasi, eh! Akala ko multo ka na!" Tinulungan kong makatayo ang lalaking kakaunti na lamang ang malay ngunit napadaing siya sa aking ginawa. Tyaka ko lamang napansin ang saksak niya sa kanyang tagiliran. That explain the bloody hands! My gosh, Tae Ri! Ang tanga!

Nagsimula na akong magpanic nang marealize na hindi ko alam ang gagawin! Kinaway-kawayan ko pa siya upang makasiguro na buhay pa siya.

"Hello? Buhay ka pa ba?" Nakita kong umawang nang kaunti ang bibig niya at napansin ko ang mabilis niyang paghinga. Come on, Tae Ri! Think! Nang makaisip ng paraan ay dali-dali akong kumilos. Hindi pa ako sure kung tama ba 'tong ginagawa ko pero bahala na! Risk-taker ang tawag dito! Nagsisisi na tuloy ako kung bakit hindi ako nakinig sa Higschool Health Teacher namin noon!

Huminga muna ako nang malalim bago punitin ang kanyang damit. Pagtapos ay pumunit din ako ng makapal na tela sa aking hanbok. Itinupi ko ito sa dalawa at idiniin sa kanyang sugat. Ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang sugat at ang isa naman ay nakahawak sa kanyang tiyan upang bumagal ang pagdurugo. Itinuloy ko ang prosesong ito hanggang sa tumigil ang paglabas ng dugo. Tinitignan-tignan ko rin kung humihinga pa ba siya habang ginagawa ko ito.

Nang makitang bumagal na ang pagdurugo ay pumunit muli ako ng mahabang tela sa aking hanbok. Ipinalibot ko ito sa kanyang sugat habang nag-aapply pa rin ng kaunting pressure. Nang masatisfy na ay tinignan ko siyang muli. Nakapikit pa rin siya at tila nahihirapang huminga. Tumayo ako at aalis na sana upang humingi ng tulong ngunit hinawakan niya ang aking kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangs: Beyond the PaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon