Unknown

0 0 0
                                    

Sa libo libong tao, na dumadaan

Nandito ako, sinusulyapan ang bawat tao na nag lalakad

May mag ka sintahan na masaya

May mag kaibigan na tumatawa

Matatanda na namimili ng pinamimili nila

Meron namang nag lalakad habang kumakain

May hawak na talong na pinamili nila

Sa pag papanuod sa mga taong dumaraan sa pam publikong pamilihan

Habang hawak ang dalawang mabigat na pinamili

At habang hinahanap ang kasama

Di ko namalayan nalilibang na pala ako sa panunuod sa iba

Lumingon ako sa kanan

Lumingon ako sa kaliwa

At dun nag kasalubong ang aming mga mata

Bakit nga ba?

Sa lahat ng aking nakita

Sya na nag lalakad

Isa, dalawa,tatlo

Pumikit ako ng tatlong segundo

At sa pag pikit ko ng aking mata

Sya  naman ang pagkita ko sakanya

Na may kasamang iba

Baka kasi namamasyal sila,

Napatingin ako sa ilang tao na nag daraan

Sa libo libong tao na napanuod ko

Sakanya lang humalo halo ang aking nadarama

Tila ba gumaan ang aking dala

Sa pag tama ng aming mga mata

Napa higpit ang aking hawak

Na tila nag pupuyos sa nadarama

Sinundan ang mga tingin

Na tila walang pakialam kung ano man ang kanyang sabihin

Tila ba hangin ang taong dumaraan

Napahinga ng malalim

Di na nakayanan

Iiwasan ko na lamang ang aking tingin.

Unspoken Words Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon