Kiana POV
Magtatatlong taon na kaming kasal ni Dev, isa syang CEO sa kompanya nila. Nagiisang anak ng Bilyonaryong si Don Luke Spencer.
Nagkakilala kami sa isang cafe shop na pinagttrabahuan ko. Naging boyfriend ko sya ng isang taon at pagkalaan noon ay inaya na akong magpakasal.
He's my Everything. The love of my life.
Napakalaki ng bahay na binili nya para sa aming dalawa.
Wala akong magawa dito kaya sinubukan ko muna syang tawagan dahil sobrang namimiss ko na sya.*Ring....ring....ring*
"Hello" galit na sabi nya
"Babe, ano oras ka uuwi mamaya?" Walang imik
"What do you want? Im busy right now" galit nyang sinabi and after nun, saka nya ako pinatayan.
Ano kayang problema nya. Nkakapanibago, hindi naman sya ganun. At wala akong natatandaang kasalanan sa kanya para maging ganun sya. Siguro ay stress lang to sa trabaho.
Nakaramdam ako ng biglang pagkahilo, halos buong linggo nakong ganito.
Pagkagising ko sa umaga, mapapatakbo na lang ako sa cr para dumuwal.Umupo ako saglit at napa-isip. Isang buwan nakong hindi dinadatnan.
Tinignan ko ang kalendaryo at tama nga.
Nakaramdam naman ako ng pagka galak.Alam kong magiging masaya si Devin kapag nalaman nya to. Malakas din ang kutob kong buntis ako....
--------
"Congrats Mrs. Spencer, you're 4 weeks pregnant"
Masaya naman ako sa naging resulta.
"Bumalik ka sa friday for your check-up and bibigyan na rin kita ng gamot"
Matapos yon, ay nagpaalam na rin ako kay Doctor Fuentes.
Dumaan ako saglit sa Pizza House, paborito to ni Devin kaya gusto ko sana syang uwian.
After 1hr, nakauwi ako ng bahay.
"Andyan na ba Sir nyo?" Tanong ko kay Letty, isa sa kasambahay
"Opo ma'am hinahanap kayo. Mukhang mainit ang ulo"
Kinutuban naman ako ng di maganda. Ano kayang problema ng asawa ko.
Pumasok nako ng bahay at sinabihan si Letty na ihanda ang pizza na dala ko at dalhin kay Devin.Dumiretso ako ng kwarto at naroon siya sa may mini-living room namin.
"There you are!" Sa tono ng pananalita nya ay halatang galit nga ito.
"Babe, napa aga ata uwi mo ah. Binilhan kita ng favorite mong Pizza. Tska may good news ako sayo" umupo ako sa tabi nya pero biglang tumayo ito na tila ba naiirita sa akin.
"SIGN THOSE PAPERS B*TCH" Nagulat ako sa narinig ko.
"W-What are those?" Tanong ko sa kanya. Kinuha nya ang envelope at nilabas ang mga papers na hinagis sa mukha ko.
"DIVORCE PAPER, JUST SIGN THEM AND GET THE F*CK OUT OF MY HOUSE!!" Galit na sinabi nya.
Napaluha naman ako.
Totoo ba lahat to?
Nananaginip ba ako?
Bakit?Saglit akong natigilan.
"YOU JUST MARRY ME FOR MONEY RIGHT?!.. ALL THIS TIME!!! YOU CHEATED ON ME YOU F*CKING SLUT"
"Babe, what's wrong ba?" Pagalala kong snabi sa kanya
"SIGN THEM!!! AND GET THE FUCK OUT OF MY HOUSE!!! I DONT WANT TO SEE YOUR UGLY FACE ANYMORE"
Inabot nya sa akin ang ballpen. Sa galit nya. Hindi ako sanay na ganito sya.
Ano bang ginawa ko. Hindi naman ako nagcheat sa kanya. Kanino? At sino? Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay. Lahat ng pinupuntahan ko sinasabi ko sa kanya."Ano bang sinasabi mo Devin? Hindi ako nagtaksil sayo. Paano ko magagawa yon? E mahal na mahal kita" napaiyak na lang ako habang sinasabi ko sa kanya.
Pero tila ba walang epekto sa kanya yon. Parang wala na talaga syang pake.
"Please babe, wag mo naman gawin saken to oh" umiiyak na ako sa harapan nya.
"NO!!! B*TCH JUST SIGN THOSE F*CKING PAPERS AND GET OUT OF MY HOUSE"
Pasigaw nyang sinabi. Wala na akong magawa.Matapos kong pirmahan yon. Hindi sya nakatingin sa akin. Iyak lang ako ng iyak pero wala syang pake-alam
"Pwede ba akong magstay kahit ngayong gabi lang? Promise aalis din ako bukas na bukas"
Umiling lang ito at kumunot ang noo nya.
"No! Get out. I dont want to see your ugly face anymore. Get out slut" napaiyak na lang ako. Doon ay kinuyog nya ako palabas ng bahay hanggang sa gate.
"D-Devin please" wala syang naririnig. Nakasalampak lang ako sa labas ng gate.
Iniwan nya ako don.
Ano nang gagawin ko!
Bakit nagkaganito lahat.
Kagabi lang ay ang saya saya naming dalawa.Naglakad ako palayo sa bahay na yon.
Gang sa nakaramdam nako ng pagod.May kalayuan mula sa bayan ang bahay namin ni Devin. Bahay nya na pala ngayon. Dahil wala na kami. Tinapos nya nang lahat ng samin. Paano na ako?
San ako ppnta. E wala naman akong kilalang kamag-anak ko. Dahil namulat na ako sa Ampunan.Bakit ba ganito ang buhay ko?
Paano na kami ng magiging baby ko.
Napahawak na lang ako sa tiyan ko.Sumagi naman sa isip ko si Megan.
Kasamahan ko dati sa Café.Sa town pa ang bahay nya. Pero kakayanin kong pumunta don. Wala akong kadala dala ni damit pera pa kaya.
Nilakasan ko ang loob ko.
At pagkaraan ng isang oras, manhid na ang mga paa kong kanina pa naglalakad. Nakarating din ako ng bayan.
Sa Dilaw na pintura ng isang building.
Pumasok ako doon at nagtanong.Binigay saken ang room number ni Megan.
Kaya umakyat ako papunta doon. Sa limang palapag pa ito.
No choice naman ako, dahil sira ang elevator nila. Ginamit ko ang hagdan.---------
Kumatok ako sa pinto nya at bumukas ito matapos ang tatlong katok ko.
Bumungad ang Megan na nakasuot na pantulog. Doon ko nalaman na madaling araw na pala.
"Oh Anna, anong nangyare sayo? Lika pasok ka"
Namumugto ang mga mata ko kaya halatang umiyak talaga ako.
Magdamag akong umiiyak habang naglalakad kanina. Hanggang sa wala ng pumatak na luha.
Kwinento ko sa kanya ang nangyare.
Hindi rin makapaniwala ito dahil nung una'y alam nyang mahal na mahal ako ni Devin.Si Megan ang saksi sa lahat. Mula sa panliligaw hanggang sa kasalan na namin.
"Alam nya ba na buntis ka?" Umiling lang ako.
"Dapat sinabi mo sa kanya, baka nagbago pa isip nya" napahagulgol na lamang ako.
Pinagpahinga nya ako. Sa sala na ako natulog. Isang kwarto lang kasi ang meron don.
Gulong gulo ang isip ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko......
YOU ARE READING
X-Wife
General Fiction3 years nang kasal si Kiana kay Devin. at dahil sa isang kasinungalingan ay nasira ang kanilang relasyon......