Chapter 6

3 0 0
                                    


Kiana POV

Nakita ko si Devin na nagpropose kay Pia. Para akong sinaksak ng sampung kutsilyo sa dibdib.

Kasama ko si Mam Rosie na nagdinner sa isang mamahaling restaurant na kung saan din nagdate ang dalawa.

Masakit man sa akin. Pero kailangan ko ng tanggapin. Wala na sya saken. At kahit kelan. Hindi na sya babalik pa. Nalungkot naman ako para kay Ethan. Alam ko darating din ang araw na tatanungin nya ako tungkol sa tatay nya.

Pero bahala na, sa ngayon. Nagdadalamhati pa rin ang puso kong winasak nya.
Hindi ko alam kung anong dahilan. Hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon. O baka gawa gawa nya lang na niloko ko sya para lang maghiwalay kami.

"Iha are you okay?"
Tanong lang saken ni Mam Rosie.

"O-opo Ma'am. Okay lang po ako. Naalala ko lang yung anak ko. Sana po sinama natin sya dito" pinunasan ko naman ang luha na unti unti ng papatak.

"Kaya nga. Dibale next time. Isama mo sya ng makilala ko naman. So ready kana sa friday?"

Tumango na lang ako. Nagkwentuhan lang kami ni Mam Rosie.

Napakabait, mahilig sya sa mga alahas. Asawa sya ng bilyonaryo kaya naman talaga maibibigay sa kanya lahat ng gusto nya.
Sinabi nya saken na sana ako daw ang nawawalang anak nila.

Kahit ako din, hindi naman sa yaman ang habol ko sa kanila. Kundi matagal din akong nangulila sa mga magulang ko. Buong buhay ko. Wala akong ibang hinangad kundi makilala sila.

Maramdaman din ang magkaroon ng magulang.

Hinatid nila ako apartment na tinitirhan ki. Iniwan ko kay Megan si Ethan.

Pagdating ko ay sumalubong saken ito at tila ba galak na galak ng makita ako.

"Mama"

Niyakap nya lang ako. Kahit kelan ay napakasarap umuwi sa bahay kapag ganito ang sasalubong sayo. Wala ng mas sasaya pa.

"Oh kumusta naman yung Mam Rosie ba yon?" Tanong ni Megan.

"Okay naman" yon lang ag nasagot ko. Dahil sumagi nanaman sa isip ko ang mukha ni Devin na kanina lang ay nagpropose sa PA nyang si Pia na ngayon ay fiance na nya.

"Hoy" bigla akong nagulat ng tapikin ako ni Pia

"Ano bang nangyayare sayo ha? Alis na ako. May date kami ni Franco mamaya. Baka magpropose na saken." Knikilig na sabi nito.

"Anong oras na? Ang sabihin mo mag babar ka lang" patawang sabi ko sa kanya

Tumawa din to "oo kasama ko sya. Date pa rin yon" at doon, nagpaalam na rin to kay Ethan na abalang naglalaro sa sala.

Nanood lang kami ng palabas sa TV nang ipalabas ang balita tungkol kay Devin Spencer na nagpropose sa gf nyang si Pia.

Agad naman akong natahimik.

"Mama okay ka lang ba?" Tinanong lang ako ni Ethan. Napansin din pala nito

"Ahh. Oo anak. May naalala lang ako"

Sumunod na tanong nya ay napainom na lang ako ng tubig.

"Mama nasan po ba yung Papa ko? Bakit di po natin sya kasama dito?"

Hindi ko masagot ang tanong nya. Anong oras na rin at sinabi kong matulog na kami.

Pina inom ko sya ng gatas.
Saka ko sya pinatulog.

X-WifeWhere stories live. Discover now