Second

25 4 0
                                    

Nagising ako nang makarinig ako ng pagsabog sa tabi ko.

Pag mulat ng mata ko nakita ko ang walang hiyang si Brianna na may hawak na baril at yung alarm clock ko yung binaril nya!

"I know badtrip ka, pero kailangan mo mag handa." Sabi nya. Nasa iisang bahay lang kami, ako, si amanda,Brianna, at yung dalawa nilang kapatid na lalaki.

Pinagsama sama kami nila mommy dito, dahil nasa ibang lugar sila. Our group of families underground also known as Fiéras.

Dahil sa pinagsamang surname ng pamilya namin. Magkapatid sila Amanda, Zinc, Brianna Fiendo.

At kaming mga Saavedra.

Tumalikod na sya sakin at akmang lalabas na ng pinto pero hell no! Give and take tayo dito.

Mabilis kong kinuha ang baril sa ilalim ng unan ko at nang hahawakan nya na ang doorknob...

*bang!*

"WHAT THE HELL!?" sigaw nya. Pffft. Natatawa ako sakanya, ang layo ng natalon nya palayo sa pinto hahahahaha.

Tawa padin ako ng tawa ng tutukan nya ko ng baril, well hindi na bago saming dalawa 'to, we always pla--

"PWEDE BA ANG INGAY NG MGA BARIL NYO! WAG NA KAYO MAG LARO JAN AT KUMILOS NA KAYO!" pag katapos 'non ay sunod sunod na putok ng baril ang tumama sa pintuan ko.

Zinc the rude, psh.

Grade 12 student pero nag lalaro ng baril? Hell.

"Look what you did to my room!" Sigaw ko kay Brianna at sinugod sya.

At..

Kiniliti.

"Stop hhahahahah- deyiana hahahaha kumilos kana!" Sabi nya sabay tulak sakin at lumabas ng pinto.

Pag kalabas naman nya ay hindi ko mapigilang mapangisi.

I can't afford to lose them.

Naligo lang ako at nagbihis.

Bukod saming mga anak ng Fieras, ay may kasama rin kaming mga tauhan dito.

Nakapambahay lang akong lumabas dahil sa basement lang naman ang punta ko, pero kaya kami pinaghahanda dahil hindi namin ugaling humarap isa isa sa mga kalaban, sabay sabay kaming naghahatol.

Pag baba ko sa basement nandun si Brianna, Amanda, at Zinc.

"Where's JG?" I asked.

"May inutos yung Daddy mo sakanya gurl."

"Let's go." Sabi ni Zinc at tumuloy na sa loob ng basement.

Bago kami makapasok sa basement, isa isa kaming inabutan ng baril ng mga tauhan namin.

Tinignan ko sya at binalik yung baril.

"Ubusin mo bala nyan at mag tira kalang ng dalawa." Sabi ko.

Agad nyang kinasa ang baril at sunod sunod na pinaputukan ang isang sulok at binalik sakin.

Napangisi ako.

"Too bad, tatlo pa ang natira. San mo gusto gamitin yung isa?" Sabi ko at tinutok sa tauhan namin yung baril na hawak ko.

"Baka lang po kailanganin nyo ng extra ma'am." Mayabang na sambit nya.

"Wala kang tiwala sa kakayahan ko?" Tanong ko habang nakatutok padin ang baril sakanya. "Luis Miguel right? May dalawa kang anak at asawa. You still want to see them?" I asked.

"p-pasensya nap-po ma'am, hindi napo m-mauulit." Sabi nya.

Dinedma ko nalang sya at naglakad papunta sa basement.

"I know na masakit para sayo na makaharap ang mga tauhan ng Villaverde pero please, wag mo idamay ang mga kakampi at tumutulong satin dahil sa sama ng loob mo." Sabi ni Zinc at sinabayan ako sa paglalakad.

"How? Everytime na naiisip ko na pamilya nya ang may gawa ng mga planong pag papapatay samin nasasaktan ako. Damn! Ang gusto ko lang naman ay maayos na buhay." Sabi ko. Niyakap ako ni Zinc.

"Bakit kasi may sabit pa ang minahal mo?" Bulong nya. "I hate you." Sabi nya at pinat ang ulo ko.

Bestfriend ko rin si Zinc pero mas close ako sa girls, kapatid nya si Amanda at Brianna.

"Let's go." Sabi ko at binuksan ang basement.

Nakita ko ang dalawang tauhan na tinira nila Amanda kahapon. Umupo ako sa harap nila.

"Kumain naba kayo?" Tanong ko.

"Para saan pa? Papatayin nyo rin naman kami." Sabi ng lalaki na sa tingin ko ay nasa 30+ na ang edad.

"May pamilya ba kayo?" Tanong ko ulit. Nakita kong nanonood lang sila Amanda sa ginagawa ko.

"WAG NA WAG NYONG GAGALAWIN ANG PAMILYA NAMIN FIERAS!" pagbabanta ng isa nyang kasama.

"You guys still want to see them right? Bakit iniisip nyo na papatayin namin kayo? Alam naman namin na may pamilya kayo psh." Sabi ni Zinc at may inutos sa dalawang tauhan namin.

Tinanggal ng mga tauhan namin ang piring ng mga bihag at nilapagan ng pagkain. Masama silang tumingin saakin dahil ako ang kaharap nila, nasa likod nila yung tatlo.

Trabaho ko ang mga Villaverde. And I hate it.

"Wala kang kasing sama Saavedra." Sabi ng isa na halos ka edad ko lang. Napangisi ako.

"Ganito ba ako kasama sa tingin mo? Kung napakasama ko edi sana patay kana?" Nag pipigil ako ng emosyon ko, ramdam ko ang titig ng tatlo sakin.

"Bakit nga ba hindi mo ako mapatay?" Pag hahamon nya.

"You are the right hand of the Villaverde's right Mr. Salvador?" I asked the older one. Hindi ko na pinansin ang pag hahamon nya.

"Kung ako nga, anong gagawin mo sakin?" Nakangisi ngunit batid kong galit na galit sya.

"Sayo? Wala. Sa pamilya mo, ano sa tingin mo?" Sabi ko sakanya. "At any moment I can shoot them to death. What do you think sir?"

"Walang hiya ka Saavedra!"

"Gusto mo pa mabuhay diba? Gusto mo pa sila makasama?" Tanong ko. Napatango sya. " your daughter has a stage 3 leukemia, kaya ka nasa mundo ng mafia right? Para masuportahan ang financial assistance nya."

"Please, Fieras,let me live." Sabi nya ng nagmamakaawa.

Tinignan ko ang kasama nya.

"Luke Anderson right? Gusto mo pa ba mabuhay? Your mom is waiting for you." Sabi ko napatingin naman sya kaagad sakin. "I'll let you both live. But in one condition."

"A-ano y-yun?" Sabay na sabi nila.

"Be our spy. Sa lahat ng plano ng Villaverde sa pamilya namin. Maasahan ko ba kayo? Remember, hawak namin ang buhay ng pamilya nyo. At may naka assign na tauhan na nakapaligid lang sainyo."

"Pag pumayag ba kami, sisiguraduhin mo ang kaligtasan namin mula sa mga Villaverde?" Tanong ni Anderson.

"Maybe." Sabi ko at lumabas na ng basement. Hindi ko ugali pumatay ng mga taong alam kong inutusan lang dahil gipit sila o ginamit lang para ipapatay kami.

Pero kaya kong pumatay. Tandaan nila yon.

Naiiyak akong umakyat pabalik sa kwarto ko. Damn that Villaverdes. Nanghihina talaga ako pag dating sa pamilya nya.

But no, kahit gaano ko pa sya kamahal, hindi ko itataya ang kaligtasan ng pamilya ko para lang makasama at mapansin nya.

I'll do it in a nice and clean way.

In a legal way.




LOVE OR DEATHWhere stories live. Discover now