Chapter 1: First Meeting

54 4 0
                                    

Eloisa's POV

First Day of School at ngayong pasukan ay First Year high school na ako. Ang bilis talaga ng panahon at noon ay elementary lang ako pero ngayon high school na. So, first time of class kaya excited ako pero may kaba. Bangon sa umaga, deretso sa banyo at naligo at pagkatapos nagbihis. Labas ng kwarto at kumain na kami nila nanay at mga kapatid ko.

"Oh, Eloisa, high school na, wag ka munang magbbf ah, aral muna", sabi sa akin ni mama. "Nay, syempre naman po, alam mo naman na studies muna ang priority ko", sabi ko naman.

Pagkatapos naming kumain, nagtoothbrush na ako at nagpaalam kay mama. Tinext ko si Marie, bestfriend ko, para hintayin ako sa sakayan at nagreply naman siya ng "sige". Nagumpisa na akong maglakad hanggang sa makarating ako sa sakayan. Nakita ko dun si Marie at linapitan ko na siya, sumakay na kami ng tricycle papunta sa school.

"Excited na ako", sabi sa akin ni Marie. "Ako hindi, kinakabahan ako", tugon ko naman. "Ano ba, just think positive, malay mo, may makita tayo dun na pogi", sabi niya. "Alam mo, wala pa sa isip ko ang love", sabi ko naman. "Ganyan ka naman eh, alam mo, kapag walang love, hindi mo mkaeenjoy ang life", biro niya. "Tumigil ka nga", pakiusap ko. "Okay, sareeh", pabiro niyang sagot. At nakarating na nga kami sa school. Sa kaba ko hindi ako makalakad ng maayos. "Uhy, umayos ka nga", sabi niya sa akin.

Pero hindi pa rin ako umayos kaya ganun ako hanggang sa may tumawag sa cellphone ni Marie. "Teka lang El, ah, kung gusto mo mauna ka na", pakiusap niya sa akin. "Sige", sabi ko naman. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad pero habang naglalakad ako may nakabangga ako sa sobrang kaba ko. Nahulog ang hawag kong clearbook ko. Agad ko itong pinulot at sa di-inaasahang pagkakataon sabay naming pinulot ang clearbook ko at nahawakan niya pa ang kamay ko. "Wag na, ako na lang", sabi ko sa kanya. "Hindi ako na lang, tutal ako naman ang may kasalanan eh", pakiusap naman niya. "Salamat", sabi ko sa kanya. "Sige", sabi ko ulit at umalis na ako sakto naman na nandun na si Marie. "Uhy, sino yun, ang cute niya ah", sa akin agad. "Hindi ko alam at hindi ko gustong malaman", sagot ko. "Eto naman". Hanggang sa nakarating kami sa room namin, yun pa rin ang lumalabas sa bunganga niya, na cute daw yung boy, maganda daw ang mata, ang ilong, ang bibig, pero hindi ko naman talaga nakita kanina yung lalaki kasi nakatingin ako sa baba. "Tumigil ka na nga", utos ko kay Marie. "Sige na nga, sareeh, okay, sareeh", pabiro niyang sabi.

Umupo na kami kahit saan at dumating na yung teacher namin. Tumayo lahat ng kaklase ko kaya tumayo naman kami. "Good Morning People", bati niya sa amin. "Good Morning Ma'am", bati naman namin sa kanya. "I am Mrs. Elizabeth Reyes and I am your adviser, so alam niyo na naman kung ano ang pangalan ng ng section niyo, and now, pupunta kayo dito sa harap at i-intoduce niyo sarili niyo hah, wag mahiya", sabi niya sa amin at pumunta na sa harap ang mga nasa harap para simulan ang introduction. My name, I am, yan ang aking naririnig hanggang sa makarating sa amin. Pumunta ako sa harap at nagpakilala. "Hi, Ako nga pala si Eloisa Manansala, 13 years old and from Vigan City, thank you", maikling pakilala ko at agad akong bumalik sa upuan ko. Pero nang pagka-upo ko, may dumating na isang boy, pagod na pagod ito. "Sorry po ma'am, I'm late", sabi ng boy sa teacher namin pero di ko ito pinapanin kasi nakafocus ako sa kung ano susunod na gawain. "And your?", seryosong tanong ni teacher sa boy. Hindi ko na alam kung ano na sinabi niya pero ang pangalan niya ay Luhan. Korean daw siya pero nagmigrate yung family niya dito Philippines noong 3 year old siya kaya marunong na siyang magtagalog.

-Fast Forward-

Natapos na ang mga introduction. Susunod naman ang sitting arrangement so malungkot ako kasi, hindi na kami magkakatabi ni Marie.

"Mr. Hernandez, dito ka, ikaw Ms, dito ka", yan ang mga katagang maririnig sa teacher. Hanggang sa tinawag niya ako. "Ms. Manansala, dun ka sa tabi ni Luhan", utos niya sa akin. Sumunod naman ako, umupo na ako sa tabi ni Luhan at nilapag yung kamay ko sa desk. "Hi", bati niya sa akin. Liningon ko siya at bigla kong nasabing, "Di ba ikaw yung nakabangga ko kanina?". "Ay Miss, sorry kanina, oo ako ang nakabangga mo", sagot naman niya. "Okay lang, parehas naman tayong hindi tinitingnan yung daan", sabi ko. "Friends?,"-luhan. "Okay",-me sabay ngiti sa kanya at ngumiti din siya.

-Fast Forward-

Tapos na ang arrangement at inutos na ng teacher na magbreak na daw kami, so, magkasama ulit kami ni Marie at pupunta na sana kami sa Canteen nang, "Teka lang". Liningon ko ito at si Luhan pala. "Oh, Bakit?", tanong ko sa kanya at sumagot naman siya na pwede daw ba siyang makisabay sa amin sabay ngiti, na realized ko, cute nga talaga siya. Umuo na lang ako at sumabay na siya sa amin.

Sa canteen, bili diyan, bili doon, hanggang sa nakabayad na kami, balik agad sa room at nagsnack sa upuan. Nagkwentuhan kami nina Luhan kasama si Marie. Kinwento niya na dito pala nagtatrabaho yung papa niya kaya nagmigrate siya at mahilig daw siya kumanta at sumayaw. Sinabi ko naman na mahilig ako magbasa ng libro, pero paminsan minsan lang. kwentuhan, tawanan, at pakikipagkaibigan. Sa araw na iyon, 3 naging new friends ko, konti lang kasi shy ako eh, si Luhan, Chester at Lovella. Sumapit ang uwian at nagsiuwian na ang lahat pati kami ni Marie.

Hanggang sa lumipas na ang dalawang buwan ng klase at ngayon, kilala ko na lahat ng mga classmate ko. This Day, Thursday, nangyari ang di ko inaasahang mangyari.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano kaya ang di inaasahang nangyari kay Eloisa? Abangan sa susunod.

It Started With A Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon