Chapter 3: Ang Secret

34 4 0
                                    

Eloisa's POV

Nagkaklase kami ng science ng biglang nagtanong si teacher kung sino ba ang may gustong sumali sa Science Club. Nagyes kaming lahat at nagproceed na kami sa election. Syempre si maam muna ang naging president at nagask na siya kung sino ang may gustong magnominate sa president. Nagraise ng hand si Lovella, at ninonminate ako, nagreklamo ako pero pumayag na rin, ano pa ba magagawa ko? Nainominate rin ang iba at proceed na sa votation. Hindi ko inaahasang ako ang mananalo kasi 32 kaming lahat at nakuha ko ang 22 votes kaya yun, nanalo ako, sa talino ko namang ito(hehehehe).

Hanggang sa natapos ang election, deretso agad sa next period.

"Tapos mo na ba assignment mo sa Math", biglang tanong ni Luhan.

"Ah, oo, bakit?", -ako.

"Pwede pakopya", -luhan.

"Yan na naman", -ako.

"Sige na, ang hirap naman kasi", pacute niyang pakiusap.

"Oh, sige,sige mamayang launch",-ako.

"Thank you", sabay yakap sa akin.

"Ahy, sorry, sorry", -luhan.

"Uhmmmm, sige tayo na sa english", -ako.

Niyakap niya ako?????!!!!!! Hindi ako makapaniwalang niyakap niya ako dahil sa assignment lang. Pakopyahin ko kaya siya palagi para... ano ba 'tong pinag-iisip ko, uhy, hindi ko naman siya crush eh, hindi ko ba talaga siya crush?... haizt ano bang iniisip ko. Pinakalma ko ang sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uhy ano yun????", -marie.

"Anong mga yun??",-ako.

"Yung kanina", -marie.

"Ah yun ba, yung assignment sa math kokopyahin niya daw", -ako.

"Hindi yung reaksyon mo kanina nung niyakap ka niya", -marie.

"Anong reaksyon, wala ah, bakit, hindi ko siya crush ah", nabubulol kong sabi.

"Masyadong obyus", -marie.

"Basta hindi ko siya crush", -ako.

"Nagbablush ka eh", -marie.

"Hmmp", -ako.

"Eeiiiiiiieeee", -marie.

"Tumigil ka nga", -marie.

"Eieeh", at biglang tumigil.

NAKAKAHIYA!!! Masyado ba talagang obyus? Bakit? Hindi ko naman crush si Luhan di ba? Basta, Eloisa, clear your mind and be normal.

Sumapit ang launch at nagsipagkainan na ang lahat. Matapos naming kumain nila Luhan at Marie, agad kaming nagtungo sa library.

"El, may bibilhin lang ako sa canteen", -marie.

"Ano??", tanong ko sa kanya.

"Basta, okay, bye", -marie.

"Si-ge", -ako.

Kami lang ni Luhan ang pumasok sa library at umupo kami sa isang corner.

"Oh heto na", -ako.

"Sige, kopyahin ko na, wait mo 'ko hah", -luhan.

Binigay ko na yung notebook ko at nagsimula na siyang magkopya. Nakaupo lang ako, tinitingnan ang pintuan kung darating na si Marie pero wala pa rin siya. Napaharap na lang ako kay Luhan at nasilayan ko ang napakacute niyang mukha, ang cute niyang tingnan kapag ganun. Hindi ko alam, nakatitig na pala ako sa kanya nang bigla siyang tumingin sa akin. Bigla kong binaling sa iba ang paningin ko at nakita kong ngumiti siya.

It Started With A Simple SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon