Days pass in a blurr. Walang halos nangyaring interesado sa buhay ko, kain tulog nalang halos nagagawa ko sa bahay. Kaya ayaw na ayaw ko ang summer, mainit na nga wala pang magawa. Nag pla-plano si tita na mag resort kami unfortunately hindi makakasama si papa, maraming natambak na trabaho sa kaniya dahil sa ilang araw niyang leave, kahit na si papa ang nagmamanage ng business nila---na sakaniya na to be exact, hindi naman siya parang 'Don' kailangan parin niyang tutukan ang kaniyang kompanya, so since hindi naman makakasama si papa hindi nalang namin itinuloy ang sanang pagreresort namin.
"Mace baba kana kain na tayo" its tita.
"Opo"
Minulat ko ang kaliwa kong mata sunod naman ang kanan, pero matapos ang sandali pumikit na naman ako. Ginulo ko ang buhok ko at gumulong sa kama, kahit na antok ba antok pa ako pinilit kong gumising.
Ginawa ko lahat ng rituwal ko sa umaga, naligo na ako at nag ayos. Pagbaba ko naabutan ko si papa at tita na kumakain sa hapag kainan.
"Good morning pa" Sabi ko kay papa na abala sa pagbabasa ng dyaryo ,then I kiss him in the cheeks.
"Hmmm"
"Morning tita"
"Kainan na Mace" ngiti ni tita.
Naupo na ako sa silya ko. Nasa gitna si papa si tita naman sa kaliwa niya at ako ang nasa kanan.
"How's you're sleep?" tanong ni papa na nasa dyaryong binabasa parin ang mata.
"Ok lang po"
Kumuha ako ng itlog at bacon, naging tahimik kami sa hapag kainan, last week nakausap ko na si mama naging emosyonal kaming dalawa habang nag uusap sa telepono, marami kaming napag usapan at isa na duon ang pag tira ko dito papa, nuong una hindi siya saang ayon pero kalaunan nakombinsi ko rin siya.
"About your school" nilapag ni papa ang binabasang dyaryo at humarap sa akin.
"Na enroll na kita sa University dito na may strand na gusto mong kunin, malapit lang naman at saktong dadaan ako duon papuntang opisina kaya ako na ang maghahatid at susundo sayo" sabi ni papa.
"Pa hindi na kailangan I can commute"
"No magastos, kaya naman kitang ihatid papauntang school bakit hindi ka nalang sumabay?"
"But pa, baka malate ka pa dahil sa akin"
"No buts Macesie, ako ang maghahatid at susundo sayo and that is final" papa said in finality.
"You are treating me like a child pa, I can handle my self" medyo iritado kong sabi.
Nakatingin sa akin si papa na nakataas ang kilay.
"Mace hija hayaan mo na yang papa mo, protective lang yan sayo" tita chuckled."You're beautiful, natatakot lang yang papa mo na baka may umaligid at manligaw sayo kaya binabantayan kang mabuti"
Tumingin ulit ako kay papa, pumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, walang kaso sa akin kung ihahatid nya ako sa school ang ayaw ko lang ay baka malate siya sa trabaho dahil sa tagal kong kumilos. I do really understand him ayaw niya lang akong malapitan ng mga lalaki kaya bantay sarado ako sa kaniya, I love him kaya hinayaan ko nalang siya sa gusto niya.
Nag usap si papa at tita about sa balak ni tita na pag extend ng restaurant niya, nakikinig lang ako pero hindi ako sumbat, kung sasabat man ako ano naman ang sasabihin ko, wala pa akong alam sa mga ganyan.
Nagvibrate ang phone ko, tinignan ko at nakita kong nag text si Cindy.
Cindy:
Kamusta Ace?
BINABASA MO ANG
Chasing Love
RandomMarami na akong love story na nabasa . Tulad ng isang playboy na nag bago dahil nakilala ang kanyang "The One" . Cold hearted na guy pero nag bago at naging sweet dahil nakilala si "FOREVER" nya 'kuno' o yung Prinsipe na nainlove sa isang tagasil...